Kwento lang ito sakin ng mama ko at ng mga tita ko na nakasaksi sa pangyayaring naganap noon.
________________________
Mga panahon na iyon ay mga dalaga pa sina mama.
Inimbitahan sila ng kaibigan nina lolo na si Mang boy na umattend sa kaarawan ng anak nila at pa blessing narin ng bahay nila.
Umattend sina mama at ang dalawa ko pang tita.
Mga hapon na sila pumunta para wala ng gaanong bisita.
Pagkadating nila doon ay nakita nila yung paring nag basbas sa bahay na nakaupo sa sala at masayang nakikipagkwentuhan..
Pinakain na sila doon, nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng mag kagulo ang mga tao.
"Hoy may sinasapian doon!"sabi ng babaeng kakapasok palang.
"Saan?"tanong ng kapwa nilang kumakain sa loob ng bahay.
"Duon sa puno ng balete. Tara tignan natin!"sabi ng babae at lumabas na, nag sisunuran na ang iba.
"Tara tignan rin natin"aya ng tita isa ko.
Pag labas nila dumeretso sila kaagad sa puno ng balete na napapaligiran ng mangilan ngilan na mga taong kagaya nilang nakiki usyoso.
Ang punong balete ay nakapwesto sa tabing ilog na ang karatig nun ay manggahan. Ang bahay nila mang boy ay malapit lang din sa puno ng balite mga isang bahay o 100 meters away lang ata ang layo nuon sa kanila na kapag lumabas sila sa gate nila ay tanaw na agad nila.
May isang babaeng kaidaran din ni mama ng mga panahon ring iyon, ay nakasandal sa puno at naka yuko.
Mayamaya ay nag angat ito ng ulo.
Halos lahat ng naruon ay nagulat at ang iba ay napa sign of the cross pa.
Dahil ang mata ng babae ay kulay pula na nanlilisik at may itim na likidong lumalabas sa bibig nito na parang laway dahil daw sa malagkit tignan.
Tumayo ang babae at biglang nagngingisay.
Nilapitan agad ito ni na mang boy at ng iba pang kalalakihan.
Hinawakan nila ang mag kabilaang kamay nito na patuloy sa pag ngisay at ang mga mata nito ay tumitirik at nakatingala.
Ang mga tao naman sa paligid ay mga tahimik lang at nag aantay kung ano pa ang mangyayare.
Bigla tumigil ang babae at nawalan ng malay sinalo naman agad ng isang lalaki ang likuran ng babae.
Biglang umangat ang buong katawan ng babae sa ere at dumilat ang pulang mata nito na mas lalong nanlisik at nakakakilabot na humalakhak na parang nag mula sa ilalim ng lupa ang boses nito.
Sina mang boy ay nakahawak parin sa magkabilang braso nito na tila pinipigilan nila ito, may humawak narin sa dalawang paa nito.
Nagwala ang babae at may sinasabing salita na ayon sa matatanda ay latin.
Napakalakas nito at ang ibang kalalakihan ay nagsitalsikan, may nahulog pa raw sa ilog.
"Beth tawagin mo yung pare."sigaw ni mang boy na nakahawak ng maigi sa braso ng babae.
Mayamaya ay humahangos na lumapit ang pari sa babae.
"Ako'y anak ng Panginoon. Inuutusan kita sa ngalang ng panginoon lumayas ka sa katawang lupa ng babaeng ito."sabi ng pari at wisik ng holy water.
"Arghhhhhhhhhh! HAHAHAHA."atungal ng babae at tumawa ng mas malakas pa.
Mga sampung kalalakihan na ang nakahawak sa babae na patuloy sa pagwawala. Ang ulo nito ay pabaling baling at patuloy ang pagbulwak ng itim na likido sa bunganga nito na nagtatalsikan sa mga lalaking nakapaligin sa kanya.
"Ikaw alagad ng diablo lumayas ka sa katawan ng anak ng panginoon, INUUTUSAN KITA SA PANGALAN NG PANGINOON HESUS LUMAYAS KA SA KATAWAN NYA"at wisik ng mas maraming holy water.
Nag wala lalo ang babae sobrang lakas nito at halos magtalsikan lahat ng nakahawak sa kanyang kalalakihan.
May isang matanda ang lumapit sa babaeng sinapian na napapaligiran ng maraming kalalakihan upang pigilan ito sa pagwawala.
"Tumabi ka iho may isosoot lang ako."sabi ng matanda sa lalaking nakahawak sa ulo ng babaeng sinapian.
Tumabi ang lalaki. At isinuot ng matanda ang kwintas na bakal na cruz sa leeg ng babae.
Ng dumikit sa dibdib ng babae ang cruz ay umusok ito.
Nagngingisay ang babae at pilit na inaalis ang kwintas na cruz sa kanyang leeg at kapag hinahawakan nya ito ay tila na papaso siya.
Ang pari naman ay tuloy lang sa pagdarasal at pag wisik ng holy water.
Sina mama at ang ibang nakikiusyoso ay naghawak hawak kamay at na nalangin.
Tumigil na sa pagngisay ang babae at nawalan ng malay.
"Dali ipasok nyo na siya sa loob."sabi ng matanda.
"MAE! Anong nangyare sayo?"sabi ng panganay na babaeng anak ni mang boy na si ate neng na agad na lumapit sa sinapian at inakap.
Pinasok na nila ito sa loob ng bahay nina mang boy.
Nagsisunuran din sina mama.
"Bilisan nyo dali."sabi ni tita v at hila kina mama papasok sa loob.
Bisita pala ito ni ate neng at kaibigan nya rin. Ayon dito ay ayaw nitong sa loob ng bahay kumain dahil sa rami ng tao doon, nag pasya silang pumwesto sa gilid ng balete kung saan may lamesang kahoy at tatlong bangko na ginagamit ng mga lasenggo para mag inuman doon.
Doon na sila kumain, mayamaya ay may nag txt kay ate neng na nasa kanto na ang iba nila pang kaibigan.
Kaya iniwan nya muna si mae sa tabi ng balete na kumakain parin at nag paalam na susunduin sa kanto ang iba nila pang kaibigan.
Tumango lang daw ito at hindi manlang siya tinignan dahil nakayuko lang ito.
Malaki daw ang pinag dadaanan nitong poblema.
Pinalayas pala ito ng mga magulang niya at hindi na tutustusan ang pag aaral nya.
Dahil sa sobrang depression ay nais na nitong mamatay..
Kaya daw madali itong malapitan at masapian ng masasamang ispirito na pagala gala sa paligid ng puno ng balete.
Sabi ni mang boy lagi daw siyang may nakikitang babae doon na nakaputi at nakatayo sa itaas ng punong balete.
Kapag daw nag iinuman sila doon sa tabi ng punong balete ay laging naglalaglagan ang mga dahon at humahalo sa pulutan nila, minsa biglang natutumba ang boteng alak kaya na tatapon.
May pagkakataon pa daw na may bumulong sa isa nilang kumpare na hwag daw silang maingay.
Marami pang kababalaghan nararanasan sina mang boy doon pero isinasawalang bahala nila.
_________________
Hanggang ngayon andoon parin yung punong balete sobrang tanda na noon, mas matanda pa sakin.
Hindi ako lumalapit sa punong iyon dahil nakakatakot......
BINABASA MO ANG
Kwento ng Kababalaghan (BASED ON TRUE STORIES)
RandomLAHAT NG NAKASULAT DITO AY PAWANG KATOTOHANAN LAMANG. MGA KABABALAGHANG NANGYARI MISMO. KARANASANG GALING MISMO SA AKIN, SA KAPAMILYA KO, KAPITBAHAY NAMIN, KAIBIGAN AT SA MGA KAKILALA KO. ITO PO AY HINDI KO GAWA GAWA LANG. AT ITO ANG MAG PAPATUNAY N...