CHAPTER 6

17 1 2
                                    

[CHANDLER'S P.O.V]

Pabalik na ko ng room ngayon kasi kanina sabi ni Atashia masakit daw ulo niya, dadalin ko sana sa clinic pero sabi niya water lang daw ang kailangan niya kaya eto bumili ako ng tubig at pabalik na ko sa room kasi andon si Atashia.

Pagpasok ko ng room nakita kong simapal ni Massey si Atashia. What the heck! Bakit niya sinampal si Atashia? May sakit pa naman si Atashia

"Massey! Why did you do that?"
Pasigaw na tanong ko kay Massey. Then I look at Atashia, she's crying lumapit ako sa kanya at binigay ko sa kanya yung tubig.

"P..pero siya ang un-"
Di natuloy ni Massey ang sasabihin niya dahil sumingit si Atashia.

"She slapped me kasi nagseselos siya satin. She told me that she loves you but you're always with me daw kaya ayon sinampal ako ng babaeng yan" Massey loves me? Pe..pero kailan pa?

"Is it true Massey?"

"O..oo pero h..hindi ak-"

"BUT THAT REASON IS NOT ENOUGH FOR YOU TO HURT ATASHIA! FOR PETE'S SAKE SHE'S NOT FEELING WELL TAPOS SASAMPALIN MO SIYA?" I know mali ang sigawan ang isang babae lalo na at bestfriend ko pa siya pero mali ang ginawa niya. Mananakit siya ng iba dahil lang nagseselos siya?

"Pero nagsisinungaling ang babaeng yan! Wag kang maniniwala sa kanya. Layuan mo na ang babaeng yan dahil sinungaling siya" Naiiyak na sabi ni Massey. Bakit ba ganon siya? Naninira siya ng ibang tao dahil lang sa selos? Akala ko naman kilala ko na siya.

"I'm sorry Massey pero hindi ko lalayuan si Atashia at isa pa bestfriend lang kita kaya wala kang karapatang sabihan ako kung sino ang dapat kong paniwalaan at lapitan" Nakita kong tumulo ang luha ni Massey at parang gusto ko siyang lapitan at magsorry pero siya ang may mali at ayokong itolerate yon. Hinatak ko si Atashia papunta sa clinic at iniwan si Massey sa room.

[MASSEY'S P.O.V]

His right I'm just he's bestfriend. Wala akong karapatang pakialaman siya kaya from now on di ko na siya papakialaman. Pero bilang bestfriend ko dapat pinakinggan niya manlang ako, kaso hindi eh pinaniwalaan niya kaagad yung babaeng yon. Ang sakit kasi si Atashia ang kinampihan niya.

Magang-maga na ata yung mata ko kakaiyak. After ng nangyari kanina umuwi na agad ako at di na ko pumasok sa mga susunod na subjects kasi alam kong iiyak lang ako at di ako makikinig sa lessons.

Nagshower na muna ako then nung tuyo na yung buhok ko natulog na ko.

.....

Andito na ko ngayon sa school, nga pala kasabay ko si Lance pumasok ng school kasi sinundo niya ko sa bahay. Ang galing nga niya eh kasi alam niya na agad yung nangyari kahapon at dahil don sabi niya sa ayaw at sa gusto ko daw ay ilalayo niya ako kay Chandler at liligawan na daw niya ako. Well wala naman akong magagawa dahil wether I like it or not gagawin niya parin daw yon.

First class na namin ngayon at eto may project na pinapagawa samin by partners. Si Yham at si Koyuki na ang magkapartner so sino naman kayang kapartner ko?

"Massey tayo nalang?"

"Sure"

It's Lance who asked me to be his partner. Yung project namin ay pupunta daw sa isang lugar at kailangan magpicture ng partners don at gagawa ng presentation tungkol sa kung anong meron sa lugar na yon. Medyo mahirap kasi wala akong idea sa mga magagandang lugar eh.

.....

Kakatapos lang ng klase namin at eto nililigpit ko na yung mga gamit ko.

"Massey sabay na tayong umuwi ah, may pupuntahan muna tayo"
Biglang sabi ni Lance sakin saan naman kaya pupunta?

Her Crazy Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon