[CHANDLER'S P.O.V]
Nakakainis! Dahil sakin umiyak nanaman si Massey, lagi nalang ako yung dahilan ng pag-iyak niya tapos ngayon nakikita ko pang napapasaya siya ng kinaiinisan kong si Lance. Andito ako ngayon sa mall kung nasaan sila Massey, sinusundan ko sila. Gusto ko sanang magsorry sa kanya kanina pero di ako nakalapit sa kanya kasi kasama niya sila Yham pati na din yung Lance na yon.
Ang ganda talaga ni Massey lalo na pag nakangiti. Namimiss ko na ang bestfriend ko. Sana maging okay na kami.
"Oh Chandler andito ka din pala?" Andito din si Atashia? Di parin pala ako makakaligtas sa kanya ngayon. Lagi nalang siyang nakadikit sakin, minsan nga nakakainis na eh kasi parang feeling niya girlfriend ko siya. Pero ano namang magagawa ko eh sabi niya ako lang daw ang kaibigan niya.
"Ah oo, anong ginagawa mo dito?"
"May binili lang ako sa bookstore kanina eh ikaw? Akala ko ba may pupuntahan kang importante?"
Sinabi ko kasi sa kanya kanina na may pupuntahan ako kaya hindi ko siya pwedeng isama.
"A..ano kasi di na natuloy hehe"
"Ah ganon ba? You want to come with me?"
"Ha? Wag na pauwi na din naman ako"
"Sige na! I'll treat you"
Hindi sana ako papayag pero nakita kong palabas na sila Massey sa arcade kaya nataranta ako at napa'oo nalang ako kay Atashia para makaalis na kami don.Dinala niya ako sa isang pizza house then siya na din nag-order para sakin.
Napatingin naman ako sa entrance dahil may pumasok don. Oh sh*t sila Massey! Hala anong gagawin ko? Tatakbo na sana ako papuntang cr but I think it's too late dahil nakatingin na sila sakin ngayon.
"Oh Chandler! Andito ka rin? Sinong kasama mo?" Tanong sakin ni Yham sasagot na sana ako pero biglang dumating si Atashia sinagot niya ang tanong ni Yham
"He's with his girlfriend" GIRLFRIEND?! nababaliw na ba siya?
"Sino? Ikaw? Hahahahaha such a good joker" sagot sa kanya ni Koyuki
"Hindi ako nagjojoke" Ano bang pinagsasabi ni Atashia?
"Guys! She's.." Sasabihin ko na sana ang totoo na hindi kami ni Atashia pero di ako pinatapos ni Massey.
"Enough guys! Let's just congratulate the both of them. Congrats!" Tss bakit parang natutuwa pa siya? Akala ko ba gusto niya ako? Eh bakit natutuwa pa siya na may girlfriend ako? (which is not true)
[ MASSEY'S P.O.V ]
So sila na pala? Ha..ha.. Ang bilis naman, akala ko pa naman mageenjoy na ako ngayon but I was wrong. Sa dami ng pwede kong makita ngayon sila pang dalawa tapos nalaman ko pang sila na.
After ko silang i'congratulate hinatak ko na sila Lance sa table sa dulo. Hindi ako aalis dito no! Ayokong magmukhang bitter.
"Halata namang nagf'feeling lang yung Atashia na yun no!"
" Kaya nga, as if naman magustuhan siya ni Chandler"
Eh mukha namang di ko na kailangang maging bitter kasi mas bitter pa sakin tong dalawang nasa harap ko eh hahaha my crazy bestfriends
"Massey okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Lance
"Okay lang ako, tara order na tayo"
BINABASA MO ANG
Her Crazy Love Story
Fiksi RemajaWhat if nafall ka sa bestfriend mo? What if may mahal na siyang iba? What if alam mong wala kang pag-asa dahil friends lang kayo? What will Massey Zenaide do? A 16 y/o girl na nainlove sa bestfriend niya. Susuko nalang ba siya? O maghihintay siya at...