chapter11

9 0 0
                                    

Nang araw na din ‘yon nagpunta kame sa sinabi ni Jessie.

“Tanong ko lang no’?!” napatingin siya sa akin habang nakasakay kame sa elevator. “Girlfriend mo ba si Jessie?!” napatingin siya sa akin na may pagtataka. Tapos biglang natawa.

Anung nakakatawa sa tinanong ko?

“Sorry.” Tumigil muna siya sa pagtawa at kinalma ang sarili. “Pinsan ko si Jessie.”

Ahh! Bakit parang nawala yung inaalala ko. Jeez.

“Sorry kala ko kasi girlfiend mo.” Pahiya buti naman at konti lang.

“Dito na tayo.” Sabi niya huminto kames a no. 2503 talaga nga palang nasa mataas na parte yung condo ni Jessie. Binuksan niya ang pinto habang ako ay nasa likod lang niya.

Pagbukas nang pinto bumungad agad ang wallpaper sa front door. Cheery blossom petals. Haggang makapasok ka sa sala nang condo.

Wow!” napabilog ang bibig ko na naglika nang hugis O,

“Maganda ba!?” tanong ni Arnold na nakaharap na sa akin.

“Oo” ani ko. “Sigurado ba si jessie na hindi niya pauupahan to’ng lugar niya saying naman kung libre lang to’.” Tanong ko ulit sa kanya.

“Anu ka ba diba sabi ni Jessie. Need lang niya nang mag i-ki-keep dito nang maayos.”

 Naglakad ako papuntang kwarto, ayos mayaman ay dalawang kwarto. Hinayaan lang akong ikutin ni Arnold ang unit. My maliit na kusina din ang pagitan lang ay minibar. Mukhang kumpleto din sa alak at baso sa ilalim. Sabi ni Arnold yun na din ang parang lamesa kainan.

“Wow. Garbe parang nakakahinayang na walang tumitira dito.” Sabi ko hindi pa din maalis ang pagkamangha.

“Kaya nga gusto ni Jessie na kahit papano ay my tao dito.” Sabi naman ni Arnold sakin habang nakaupo sa sofa.

Meron din flat screen t.v, at DVD. naupo ako sa tabi niya.

“Salamat talaga sa pagtulong mo sa akin.”

“Wala yun ang importante my matutuluyan ka na.” sabi niya at naglakad sa nakabukas na maliit na veranda. Ang kurtinang puti na tinatangay nang hangin ang nakapagpaakit lalo sa akin nang lugar.

“Maraming salamat pa din, ang dami ko nang utang sayo.” Lumapit ako sa veranda para tignan ang tanawin. Hindi ako binigo nang akin mga mata. Napakaganda nga nang tanawin. Ang mga sasakyan na parang mga laruan nang bata, ang kalsada, mga building na nakapaligid. At ang  malawak na kalangitan.

“Sabi ni Jessie pwede na tirahan pag nagustuhan mu na.” humarap siya sa akin. “Gusto mo kunin na natin ang gamit mo sa bahay?” tanong niya.

“Sige.” Excited akong ngumiti para akong nasa ulap.

Nang nasa sasakyan na niya kame. Bumaling muna siya sakin bago binuhay ang makina.

“Oo nga pala. Sabi ni Jessie wala daw laman ang ref. gusto mo mag-grocery na din tayo?!” tanong sa akin ni Arnold.

Sa bagay wala din akong mga basic needs ang nasa bag ko lang kasi ay iilang mga damit pang alis at pangbahay at mga underlings.

“Sige kailangan ko din nang ilang gamit.” Sabi ko sa kanya.

“Yoss…” tska binuhay ang makina at minaubra papunta sa sm.

Supermarket(^__^)=(<__<)

Buti na lang at wala gaanung tao. Kumuha ako nang maliit na cart.

“So san muna tayo?!” tanong niya sa akin. Kinuha niya ang pagtutulak nang cart. Hinayaan ko naman siya kunin sa akin.

Unexpected love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon