CHAPTER FOUR
San ba kasi ang gymnasium dito?. Wait... I heard it. Tama talbog ng bola yun ah. Pag sinuswerte ka ba naman oh.
Ito na yung gym nila sobrang laki parehong size ng gym sa dating school ko sa Italy. Sumilip mo na ako sa glass door lima pa lang silang nagpapractice baka tapos na sila. Papasok ba ako? nakakahiya naman. Paris para kay Venice to.. do it.
Bat ganun mukha nila o_O hindi ko mabasa mukha ba akong multo? Gulat lang sila sa itsura ko. Si Venice kasi maarte sa mukha e ako Simpleng face powder, lip gloss at perfume okay na ako.
Naglakad ako papunta sa pwesto nila. Kung kandila lang ako siguro tunaw na ang beauty ko sa mga titig nila. "Good morning Venice!"---Vincent
"Good morning din Vince. Hi! Good morning sa inyo." bati ko dun sa apat. si Dylan, Jimmy, Mike at Jack kilala ko na sila syempre kailangan memorize ko baka mabuko ako e.
"Good morning din sayo"---sabay nilang sagot.
"Si captain ba hanap mo?" tanong sa akin Vincent umiling na lang ako. "Sige wait lang tawagin ko. Hoy kayo ready nyo na yung pera ko."---Vincent
Awkward naman nakatingin lang tong apat sa akin. Hindi ba nila ako kakausapin.. titingnan lang nila ako. "Ah ano? Nag breakfast na ba kayo?" tanong ko sa kanina.
"Ah hind pa. Maya after ng practice namin."---Jimmy sagot nya tapos yung iba umiling na din.
Buti na lang pitong sandwich ginawa ko. Kapag binigay ko sa kanila yung lima nay dalawa pa para kay Matt. Sinadya ko talagang dami ginawa ko dapat laging handa sa ganito situation e.
"Oh sandwich." abot ko ng sandwich sa kanila parang nag aalangan pa silang tanggapin. "Wag kayong mag alala walang lason nyan ako mismo gumawa nyan kaya alam ako." pangiti Kong sabi..
"Bro nakita nyo yun ngumiti sya. Aray bat ka ba nambabatok Jack."---Jimmy
Napangiti na lang ako ^___^. "Pasensya ka na kay Jimmy maloko talaga yan. Ayan na pala si captain."---Dylan
Sabay lingon ko sa lalaking kalalabas lang dun sa room. Oh God! Ito si Matthew? Sobrang manly ng looks. messy hair ash brown, hazel eye, perfect nose at kissable lips. Gwapo na ma appeal pa.. bagay sa kanya yung jersey nya black na may lining at print na red. Paano pa kaya pagwala syang suot pang itaas laglag ang panty. Ano ba tong naiisip ko...
"Can I talk to you?" sabi ko. tumango lang sya. Yung titig nya tumatagos parang nanlalambot tuhod ko. Naglakad na ako malapit na bleachers. As I expect nakasunod naman sya sa akin.
--------
Vincent POV
"Paano ba yan panalo na kami ni Mike. Sabi ko naman sa inyo hindi yan magbibreak. Nakita nyo yung facial expression ni captain... still in love bro."
"Hindi pa tapos no. Nakikita mo ba naguusap pa lang sila."---Jimmy
"Ang sarap naman ng sandwich nag crave tuloy ako. Vincent akin na lang itong sandwich mo?!."---Dylan
"No way. Wala pang laman tyan ko no. Saka si Venice may gawa nya kaya sure akong masarap nyan."
"Paano mo namang nasabi na masarap e di mo pa nga natitikman e. Saka hindi marunong magluto si Venice pagkakaalam ko! Paano mo malaman na gawa ni Venice to? Umamin ka sa nga samin kundi sasabihin namin kay captain may gusto kay Venice."---abat mga loko to ah binablackmail pa ako.
"Wala no. Fine sasabihin ko na. Remember nung nagpainom si Matt. Wala si mamat papa nasa sa business tour. So napilitan ako mag grocery kasi di pwede si yaya tanda na. Ayon accidentally nakita ko si Venice sa grocery daming pinamili. Naawa naman ako kay tinulungan ko. I give her a ride. Nag ask sya sa akin to stay for a while.. nag stay naman ako. For exchange pagluluto nya ko ng dinner. Malinaw na? kaya alam kong gawa nya to." sabay subo ng sandwich.
"Hindi pa din. Bakit nag ask sya na mag stay ka?"---Mike
"Abat malisyoso kayo ah. Ganito gulat kasi sya sa mga reaction ko. Nakita nyo naman laking pinagbago. Stay ako kasi nanghihingi sya ng opinion about sa dating sya kung Anong attitude nya dati. Ayan malinaw pa sa sakit ng araw." Mga gagong to pinaghihinalaan pa ko. Sarap ng sandwich ah.
--------
Paris POV
Ano sa sabihin ko? Ngayon pa ko na mental black kainis. "A-ah Matt" bakit pa ako nagsalita tuloy nagkatitigan tuloy kami. "Sandwich oh. Gusto mo?."
Kinuha naman nya yung isang sandwich at inumpisahan kainin. "Ako mismo gumawa nyan."
cough! cough!
"Pangit ba lasa? Hindi mo ba nagustuhan ?" abot ko sa kanya ng tumbler ko may laman tubig.
"No. Actually masarap parang branded na sandwich e. Gulat lang ako sa sinabi mo. Before kasi ah sa pagkakakilala ko sayo. Ayaw mo ng mga gawaing bahay like cooking." sabay tingin sa akin tapos nakangiti ^____^ daig ko pa nanalo sa lottery dahil sa mga ngiti nya.
"Ah ganun ba. Akala ko di mo nagustuhan e. Di ba nga..?! nanghingi ako sayo ng one month space. Yung space na yun hiningi ko change myself for the better." ganyan nga Paris tama tong ginagawa ko para magkabati na kami este sila ni Venice.
"Ganun ba. Number one sa akin yung sandwich mo sobrang sarap." wide ng ngiti nya. ^______^ "Pasok ka na 10 minutes na lang bell na. Sabay pag uwi mamaya sunduhin kita mamaya ako na maghahatid sayo." I can't breath my heart beats faster.
Ano ba yan may moment namin to e tapos may nakaharang na mayonaise sa gilid ng labi nya nagigiagaw ng eksena. Hindi na ako nag hesitate Kinuha ko na agad panyo ko sa bulsa ko pinunasan ko. What? Ano ginawa ko? nanigas tuloy kamay ko but still yung panyo ko nasa gilid pa din ng labi nya. Para akong nanigas...nakita kong gumiti sya ng devilish smile shit ayon yung weaknesses ko..Im blushing ( - _ ^ )
"Ah Sige papasok na ako. Kita na lang tayo mamaya." Agad kong kinuha yung bag bilis ng lakad ko. Paglabas ko ng gym saka palang ako nakahinga ng maayos o_O Anong nangyayari sa akin? Wala lang yun ginagawa ko ito para sa kapatid ko at ako may financé ako naghihintay sa akin sa Italy.
leave comment and vote please
BINABASA MO ANG
Exchange of Heart
Ficção AdolescenteParis and Venice are twins, they live in Italy with their parents. But, because of Steven, their childhood sweetheart.. Venice choose to live separate way to her twins.. in the Philippines. She's in love to Steven.. but Steven was in love to Paris...