Chapter 4. "Somethin' Fishy"
Amiko's POV
"Stay away!" sigaw ng isang babae pagbaba ko rito sa hagdan. Actually, pauwi na ako pero nang makita ako ng babaeng 'to, e sigaw na siya ng sigaw kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.
Flok!
Bumaba ako ng isang hakbang sa hagdan pero yong babae nanginginig pa rin sa takot. Imagine yung sa movie ni Sadako na gumagapang pababa ng hagdan, friend ito na yung scene na 'yun, exaggerated lang si Ate dahil nakatayo naman ako at naglalakad lang pababa tulad ng pangkaraniwang tao. Since na pinanganak ako sa mundo, ganito na ang nature ko, pero until now, di pa rin ako sanay. Alam mo yung buhay na gusto mo normal lang? Yung masaya kang papasok sa school at makikita ang mga kaibigan at uuwi ka sa school na masaya. Pero mga friendship, iba ang naging buhay ko.
Flok!
"WAHH! HELP ME!" tuluyan ng sumigaw ang babae sa takot niya.
Medyo nagpanic na ako sa sigaw ng babae pero di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Agad na naman na may dumating na mga studyante sa lugar na kinaroroonan namin.
"Rhian, okay ka lang?" may lumapit na isang lalaki sa babaeng kanina pa ako sinisigawan sa tili niya, hindi ko naman siya inaano.
"Kuya, she scare me!" sumbong ng babae sa lalaki saka yumakap dito. Ano daw? Oy 'te! Nananahimik akong bababa ng hagdan ikaw ang tili ng tili diyan, kaya nga napostponed ang pagbaba ko ng hagdan e, uwing uwi pa naman na ako!
Humarap naman sa akin ang lalaking kausap niya. Pagharap ng lalaki, halos manlaki ang mata ko sa nakita ko. Siya iyon!
"Ikaw?"
"Ikaw?" sabay naming nasabing dalawa. Yung Kuya nong babae, ay si Nerdy Prince! My goodness! Pinagtagpo kami ng tadhana ngayon!
After a minute, natawa lang si Nerdy Prince at humarap siya sa kapatid niyang babae.
"Sis, she's a human, hindi siya nakakatakot." Aniya;t mahinang tumawa. Hindi ko alam kung maiinis ako sa tawa niya pero kakaibang boltahe ng kuryente ang dinala ng tawa nang marinig koi to. "Ikaw talaga, matatakutin ka masyado, will you please stop watching horror movies? Sasabihin ko kay Mommy 'yan." Hinaplos ng lalaki ang pisngi ng kapatid niya at ginulo-gulo pa ang buhok nito.
"I'm sorry, Kuya. Kamukha kasi niya ni Sadako kuya e" May takot pa ring sabi ng kapatid niya. Tumingin ito sa akin at bakas pa rin angpanginginig ng labi niya dahil sa takot. Napaiwas na lang ako ng tingin. Nakakalungkot man pero iyon talaga ang papel ko sa kwentong ito.
"Okay lang 'yon, oh bumaba ka na mauna sa van. Susunod ako." Pagpapalakas ng loob ng Kuya niya sa kanya. Takot man ay lakas-loob na naglakad ang babae pababa ng hagdan at bahagya pang sumusulyap sa akin.
Umalis na yung babae na mukhang first year pa lang. Pagka-alis ng babae, humarap sa akin si Nerdy Prince. Shet! Feeling ko nahawi na naman ang bangs ko dahil sa kanya.
"Hey, I'm very sorry kung natawag kang nakakatakot ng kapatid ko ah," Paghingi niya ng paumanhin. Jusme! Sino ba namang Sadako ang hindi magpapatawad kung ganito kagwapo ang humihingi ng tawad sayo! "Talagang matatakutin siya." Pagpapatuloy niya.
"Ah—eh, wala! Wala 'yon." Sagot ko. Ang tipid ng sagot. Ano ba 'yan. Ngumiti lang yung lalaki, then he offer his hand. Nabigla ako sa ginawa niya.
"I'm Rupert Fortalejo, and you are?"
Marahan ko namang inabot ang kamay ko sa kanya at nagshakehands kami. "Ako si Amiko, Amiko Gonzales." Pagpapakilala ko.
"Nice meeting you Amiko, osya alis na ko ah, baka naiinip na si Rhian sa van." Paalam niya. Ngumiti siya sa akin at napayuko na lang ako saka tumango tango.
BINABASA MO ANG
Sadako's First Love
HumorEven the scariest girl in the world has her own love story.