Chapter 22.
Amiko's POV
Lunes...
Tapos na ang school fest, back to normal na ang buong school at tulad ko back to normal na din. Babalik na ako sa simpleng horror movie ng buhay ko. Normal? Parang may mali sa mga sinabi ko. hmmmm feeling ko may mali talaga.
*Krinnggg*
Nakakainis naman, medyo inaantok pa ako. -_-" nakakapagod ang buong linggo ko. Parang ang dami kong ginawa, parang ang daming nangyari.
Pinatay ko ang alaram clock at tumayo na sa kama. Humarap muna ako sa salamin para magsuklay na nakagawian ko simula ng sabihan ako si Kaye na dapat lagi ko tong gawin para di masira ang rebonded kong buhok.
Habang nagsusuklay, parang may mali sa reflection ko sa salamin. Bakit nakikita ko ng malinaw ang mukha ko.
O__O\
"wahhhhhhhhhhhhhh, y-yung bang k-ko???? anong nangyari!!!??!?!?!?!?!?" halos manlaki an g mata ko sa gulat at pagtataka sa nangyayari.
"wahhhh, hindi 'to pwede, ano ba—" hindi ko pa natatapos ang pagkausap sa sarili ko na parang timang ng maalala ko ang ginawa ni Francis sa Mr. and Ms. Campus. Onti-onting na playback sa isip ko ang mga nangyari.
"a-ako ang n-nanalo?" inalala ko ulit ang nangyari at ang huling pumasok sa isip ko ay ang katagang
"Amiko, will you be my girlfriend?"
"Y-yes..."
O__O? totoo ba ang lahat ng yon.
*pee-peep*
Nahinto naman ako sa pag-iisip ng may nag busina sa labas ng bahay namin. Agad naman akong sumilip sa bintana parang tignan kung sino, imposible namang si Francis yun dahil wala naman siyang sasakyan. -__-
Pagsilip ko...halos maluwa ang mata ko at mahulog sa sahig ng makita ko si Rupert na nasa tapat ng bahay namin at pinipindot ang dorrbell.
"a-anong g-ginagawa niya d-dito?" napatakip ako ng bibig ko, ewan ko kung bakit ko ginawa yun. Sumilip ako ulit sa labas at baka naman epal lang ang mata ko at mali ito. Pero hindi, nakatayo ang isang gwapong nakasalamin at ang yaman ng postura sa tapat ng bahay ko.
Agad akong bumaba para buksan siya, pero pagdaan ko sa sala at saktong sa may salamin pa.
O///o
"Wahhhhhhhhhhhhh" nakalimutan kong nakapajamas pa ako at promise ang nipis ng pangtulog ko. -___-
"AMIKO!!! BAKIT KA SUMISIGAW!!!" napalingon ako sa pinto at nandun pa nga pala si Rupert sa labas at baka narinig niya akong sumigaw. Sumilip ako sa bintana sa sala at tinawag siya.
"psst"
Nagpalingon-lingon naman si Rupert sa pag-sitsit ko. -_- facepalm dahil ang bulag niya.
"psst"
"Oh! Amiko!?" sa wakas nakita niya ako.
"ito yung susi ng gate, pero wait lang, magpapalit lang ako hehehe" hinagis ko sa kanya yung susi ng gate namin at umakyat ulit sa taas.
After 5 minutes, kumuha ako ng bathrob at ito muna ang sinuot. Bumaba na ako sa sala at nakita kong nandun na siya, nakatayo siya at pinagmamasdan ang mga display picture sa sala namin. Pagbaba ko napansin niya agad ako.
"sabay na tayo pumasok Amiko" nakangiting sabi nito sa akin. Tumango na lang ako sa sinabi niya. Ang aga naman nitong papasok? 7 palang ah, 8 pa ang start ng klase. Eh isang kembot ko lang sa school nandun na ako.
BINABASA MO ANG
Sadako's First Love
HumorEven the scariest girl in the world has her own love story.