Chapter 38.
Amiko's POV
"Good Morning anak" papa greeted me.
"sayo din po" hindi ko na nilingon si Papa at dumerecho agad sa kusina, nagbabasa siya ng newspaper sa sala habang nagkakape. Maaga akong nagising para magluto ng cheese cake. Inaayos ko na ang mga ingredients at mga gagamitin ko.
"mukha yatang busy ka sa araw mo anak ah?" nasa pintuan si Papa ng kusina Habang nakasandal sa haligi nito.
"Opo..." hindi ko siya tinitignan. Inaayos ko lang yung mga ingredients. Medyo kasi madami ang gagawin dito.
"Happy Birthday anak" O_O napatigil ako sa pag-sip ng harina ng marinig ko siyang binati ako. Napalingon ako kay Papa. Nakita ko ang mukha nitong nagsusumamo.
"salamat po Papa." Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi naman ako galit sa Papa ko. Kahit papaano, siya pa din ang ama ko. Pero hindi rin madaling kalimutan ang kasalanan niya. Pero ginagalang ko pa din siya.
Bumitaw si Papa sa pagkakayakap niya sa akin at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya.
"dalaga na talaga ang anak ko..."
"hehehe opo Papa"
"sigurado akong masaya ang mama ngayon kung nasaan man siya"
"opo Papa..."
"Teka? Ano bang gagawin mo anak?"
"Cheese cake po"
"wow! Marunong ka anak?"
"Opo"
"aba, tara, turuan mo ako."
"hehehe sige po Papa."
Tinulungan ako ni Papa na mag-bake ng cheese cake. Nagpaturo siya sa akin kung paano gawin. Masaya sa pakiramdam na sa haba ng panahon na nawala ang Papa ko dito. Ganito pa din kami kasaya kahit simpleng bagay lang.
Natapos na namin i-bake yung cheese cake, and I assure you all na masarap ang cheese cake ko. *Q*
"Papa tikman mo po" tinikman ni Papa ang cheese cake na bigay ko.
"Aba, pwede ka nang mag-asawa anak"
"ehhhh papa naman"
"hahaha biro lang, masarap siya" sabi nito sabay kain ulit.
"naman ako pa! osige po, mahahanda na ako pagpasok."
Naghanda na ako pagpasok ko. Pagbaba ko sa kusina, hindi pa malaming yung cheese cake. Mas masarap kasi siya kapag newly baked at ilagay mo sa fridge. *U* Hindi ko na muna dinala yung cheese cake sa school. Total, magkikita naman kami ni Francis mamaya.
Pagbukas ko ng pinto, akala ko nandun si Francis, pero wala pala. Siguro, busy lang siya sa SC office kaya maaga siyang pumasok.
Pagdating sa school, ang daming tao na bumabati sa akin. Kahit nga hindi ko kilala, binabati nila ako. Ito yata ang unang birthday ko na maraming bumati sa akin. Actually sa buong buhay ko. Dalawa lang ang bumabati sa akin tuwing birthday ko. Si Papa at si Francis, si Papa naman through phone call pa. >.<
"salamat sa inyo" sabi ko sa lahat ng bumabati. Pagpasok ko naman sa room.
*ploook*
"Happy Birthday Amiko!!!" bati sa akin lahat ng kaklase ko. May mga pumuputok pang confetti. Ang saya naman. ^_^
"Amiko..." tawag sa akin ni Kaye habang hawak ang isang chocolate cake. "blow the candle, but wait...make a wish first..."
Bigla akong may naalala. Dati si Francis ang nagsasabi sa akin ng linyang yan. Hinanap ko si Francis sa loob ng room. Pero walang Francis na dumapo sa aking mga mata. Nasaan kaya siya? Baka nasa office.
BINABASA MO ANG
Sadako's First Love
HumorEven the scariest girl in the world has her own love story.