Chapter Six

8.7K 159 37
                                    

HINDI maintindihan ni Desiree ang sarili. Bakit ba hindi pa rin siya maka-getover sa sinabi ni Greg sa kanya na amazing daw siya? Hanggang sa sandaling iyon ay naglalaro pa rin sa isip niya ang eksena kanina. Para ngang naririnig niya kung gaano ka-sweet ang tono nito.

Pauwi na siya noon at hinahatid siya ng binata papunta sa bahay niya. Kakagaling lang nila sa opisina nito para kuhanin ang mga kaiwang gamit at para makapag-timeout na rin.

Lihim niyang sinulyapan ng tingin si Greg. He seemed so relax compared to her. Kung sa bagay, bakit ba naman ito makakaramdam ng uneasiness? Samantalang wala naman yata itong hiya.

But then, naisip niyang nagawa niyang makipag-usap dito kanina sa kaswal na paraan. It was as if they already formed an intimate relationship, bukod pa sa boss-secretary at partners-in-bed.

Napansin niyang malapit na sila sa bahay niya. Agad niya iyong itinuro.

Ipinarada ng binata ang kotse nito sa tabi ng bahay niya.

May munti silang barbequehan sa tabi ng bahay nila. Dahil medyo madilim na, inihahanda na ng kapatid at mama niya ang lutuan.

Hinarap niya si Greg. "Thanks sa paghatid, ha? Nag-abala ka pa talaga." Medyo nagulat siya sa sinabi niya. Ang weird talaga dahil parang magkaibigan talaga sila ni Greg.

"Walang anuman." Ibinaling nito ang tingin sa ihawan nila. "Inyo 'yun?"

Tumango siya. "Ah, oo. Sideline ng kapatid ko. Para may panggastos siya sa araw-araw."

"May isaw ba kayo 'tsaka dugo?"

"Aba, oo naman! Lahat naman ng barbeque-han, meron niyan." Tumawa siya.

Napansin niyang napangiti rin si Greg. "Parang gusto ko yatang kumain. Pwede na bang mamili?"

"Aba, syempre naman."

"Sige, pa-order muna ako." Pinatay nito ang kotse saka nagkayayaang bumaba.

Nang mai-lock na nito ang pinto, sabay silang lumapit sa mama niya.

"Mano po, ma," aniya matapos abutin ang kamay ng ina. "Boss ko nga po pala, si Sir Greg," pagpapakilala niya sa kasama.

"Good eve po," bati nito sa mama niya.

"Ah,  magandang gabi rin, hijo. Pagpasensyahan ko na ang aming munting bahay, ha?" mapagkumbabang saad ng ina niya. "Bakit hindi ka muna matuloy sa loob?" Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Desiree, patuluyin ko muna at bigyan ng pagkain."

"Ah, hindi na po, nakakahiya. Oorder lang po sana ako ng dugo at isaw pero hindi na po ako magtatagal," pagtanggi ni Greg sa magalang na paraan.

Desiree felt awkward. Parang hindi kasi siya makapaniwalang napakagalang magsalita ni Greg. Parang ibang lalaki ito. She was used to the rude one at 'yung mukhang masungit. She guessed Greg has two different personalities. Bipolar lang ang peg.

"Aba'y dapat talagang maupo ka muna hijo sa loob! Mangangawit ka diyan saka mausok din," patuloy na pangungulit ng mama niya.

Natawa naman siya kaya siya na mismo ang nagsabi sa binata. "Hay naku, huwag ka na kasing magpatalo kay Mama. Saka alam mo naman ang lahi nating mga Filipino. Hospitable tayo."

"Sige na nga." Umorder muna ito saka sila sabay na pumasok sa loob ng bahay.

Pinagpagpag muna niya ang sofa bago ito inayang umupo. "Habang niluluto pa 'yung order mo, pagtitimpla muna kita ng juice, ha?"

Dire-diretso siyang nagtungo sa kusina para magtimpla ng inumin. Nang bumalik siya'y may bitbit siyang isang pitsel ng juice at dalawang baso.

Pero anong gulat na lamang niya nang makitang nakaupo ang bunsong kapatid sa kandungan ni Greg at pinipisil ang magkabilang pisngi nito. Nataranta niyang pinatong ang mga bitbit sa center table.

SBS #1: His Beautiful Hangover [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon