Chapter Sixteen

5.3K 74 4
                                    

KASALUKUYANG nakaupo ngayon sa isang sulok ng isang maliit na selda si Greg kung saan siya ikinulong. Walo silang nagsisiksikan sa loob kaya naman napakainit at napakabaho.

Wala halos tulog ang binata dahil hindi siya kumportable sa posisyon. Katunayan, kapansin-pansin ang pamumula ng mata ito at pangangapal ng eyebag. Pero hindi niya iyon alintana. Ni hindi rin niya pinapansin ang mga maiingay na hilik ng mga kasama niya, bagay na normally ay kinakairita niya. What bothered him the most ay ang bigat na dinadala niya sa puso niya.

Desiree…

Natigilan na lamang siya ng biglang may kumalampag sa rehas.

“Saavedro!”

Agad niyang naipilig ang ulo paharap sa may rehas. Isang pulis na malaki ang bilbil ang bumungad sa kaniya.

“May bisita ka ulit.” In-unlock nito ang kandado at binuksan ang rehas.

Tamad na tamad namang tumayo si Greg. Sino na naman kaya ito?

Kahapon, binisita siya ni Amethyst. Sinabi nitong gagawa raw ito ng paraan upang makalaya siya. Kahit daw bayaran nito ang magiging judge sa hearing ng kaso niya ay gagawin nito.

Pero siya na rin mismo ang tumanggi. Una sa lahat, alam naman niyang pamilya ng politiko si Christian. Paniguradong gagamitin nito ang impluwensya upang makulong lang siya.

Pangalawa’y hindi rin naman niya kailangan ang tulong ni Amethyst. Kung pera lang din pala, marami naman siya niyan at kayang-kaya rin niyang bilhin ang desisyon ng judge sa presyong hindi nito matatanggian.

Panghuli’y mayroon siyang trump card na maaari niyang gamitin laban kay Desiree. Hindi lang naman kasi siya ang may-sala, maging ang dalaga rin at ito pa nga ang totoong nagsimula ng lahat. Kung hindi siya inakit at pinagnakawan nito, hindi mauuwi ang lahat sa ganito.

Pero ano’ng ginawa ng binata? He remained silent. Pwedeng-pwede naman niya itong sabihin ka agad para makalaya siya. Sadyang pinigilan lang niya nag sarili dahil mahal niya ito.

Napa-iling na lang siya sa isip. Hanggang sa maaari’y ayaw na niya itong isipin. Kinakailangan na niyang kalimutan si Desiree at magsimulang ulit.

Lumabas siya ng selda.

“Ayos, ah? Ang dami mong dalaw,” sabi sa kaniya ng pulis habang muling kinakandado ang rehas. “Bebot na naman ang bisita mo.”

Bahagyang kumunot ang noo niya. Bebot?

Niyaya siya ng pulis na sumama sa silid kung saan sila mag-uusap ng kaniyang bisita at laking gulat na lamang niya ng bumungad sa kaniya ang isang babaeng, bagaman hindi niya inaasahang bibisitahin siya, hinahanap-hanap niya.

“Desiree…” bulong na lamang niya.

Tumayo ang dalaga matapos makalabas ng pulis sa silid. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagkailang at kunsensya.

Nilapitan niya ito.

“Desiree…” muling saad niya. Nais niya itong yakapin ngunit pinigilan niya ang sarili.

“Greg…” narinig niyang tugon nito sa kaniya. “Greg…”

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at napansin niyang lalo itong binagabag ng kunsensya. Napansin din niya ang pamamasa ng mata nito. Hindi rin nagtagal, may tumulong butil ng luha rito.

Kaya naman hindi na siya nakatiis. Hinawakan niya ang kamay nito.

“Desiree, bakit ka umiiyak?” bulong niya rito. Nakaiwas ang tingin ng dalaga sa kaniya. “Desiree, please look at me.”

SBS #1: His Beautiful Hangover [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon