“KUYA, sige na. Pautang ako. Pambayad lang,” patuloy na pangungulit sa kanya ng kapatid na si Klein. Kausap niya ito sa cell phone. “Gipit kasi talaga ako ngayon.”
“No,” mariing sabi ni Greg saka ibinaba ang tawag. Hindi pa nakuntento, pinatay din ang cell phone. “Talaga naman.” Umiling-iling na lang siya.
Klein was three-year younger than him at kasalukuyan itong nagtratrabaho sa isang oil company. Kung tutuusin, malaki naman ang natatanggap nitong sahod, considering na wala naman itong sinusuportahang pamilya kaya wala talagang rason para umutang ito sa kanya ng pera.
Kaya lang, hindi kasi ito marunong mag-budget ng pera! Maya’t maya ang luho nito. Paano’y lumaki ba naman kasing maluwag sa pera ang papa nila kaya nahirapan itong mag-adjust nang magdesisyong maging independent na. That was three years ago pa!
The night was young. At dahil weekend na nga at wala na ring problema sa office dahil nahuli na kung sinu-sino ang dapat managot sa estafang naganap, nagkayayaan sila ni Christian na mag-inuman sa isang comedy bar. Paalis na nga siya nang sandaling iyon kung hindi lang tumawag ang kapatid niya.
And so, umalis na siya. Mga kinse minutos din niyang binagtas ang daan papunta sa napagkasunduan nilang bar bago niya iyon narating. Ipinarke niya ang kotse sa pinakaunang bakanteng nakita niya.
Binuksan niya ang cell phone saka tinawagan si Christian. Agad naman nitong iyong sinagot.
“P’re, asan ka na?” sabi niya. Bago tumawag si Klein kanina, nakatanggap na siya ng text sa kaibigan na naroon na ito at hinihintay siya.
“Teka, puntahan na lang kita. Nasaan ka ba?” sabi naman nito. Narinig niya ang mga masasayang saliw ng musika na malamang nagmumula sa loob.
“Tatayo na lang ako sa may entrance. Abangan kita.”
“Sige…”
Binaba na niya ang tawag at nagpunta sa entrance. Hindi naman nagtagal, nakita na niya ang kaibigan.
“Yo, P’re!” Nakipag-brofist ako sa kanya. “Kanina ka pa?”
“Kakarating ko lang,” sagot naman niya.
Pumasok na sila sa loob. Pinuntahan nila ang pinakamalapit na upuan sa stage.
Sakto namang magsisimula na ang munting palabas nang matapos silang um-order.
Natigilan siya nang makita ang babaeng nasa stage na may hawak ng mic. "Desiree?"
Inakbayan siya ni Christian. "P're, you have met her, right? She's Desiree, my current girlfriend."
Natahimik siya sa sinabi nito. Oo nga pala, girlfriend ito ng kababata niya and he didn't care about that. But why did he feel hurt when Christian said that?
He decided to ignore it. Sa halip, pinanood na lamang niyang mag-perform si Desiree.
Desiree was wearing a stripes sleeveless blouse na tinernuhan ng dilaw na see-through, lady jeans at itim na flats. Samantalang nakalugay lamang ang mahaba nitong buhok. She looked so simple but he thought she looked stunning. Ewan ba niya pero talagang hindi niya maalis ang titig dito.
Then, Desiree started singing. Isang sikat na kanta ni Whitney Houston ang inawit nito.
Literal na umawang ang labi niya. Hindi man siya ganoon kahilig sa pakikinig ng musika pero sigurado siyang napakaganda ng boses nito. Her voice was sultry and powerful. She can also belt whistle note ala Mariah Carey.
Then, the music suddenly became mellow. Ballad music kasi iyon.
Nagbago ang tono ng boses nito. It became softer which seemed to sanctify his soul.
BINABASA MO ANG
SBS #1: His Beautiful Hangover [FIN]
BeletrieSex is his game and she is his beautiful hangover. - FIRST INSTALLMENT OF SAAVEDRO BROTHERS SERIES -