SA BUONG maghapon na iyon ay nagdesisyon si Desiree na iwasan muna niya si Greg kahit ba mahirap iyon dahil sekretarya siya nito. Kaya naman laking pasasalamat niya nang malamang sa ibang lugar pala gaganapin ang meeting ng mga Board of Directors ng kumpanya at hindi niya kinakailangang sumama. Binilinan lamang siya nitong tanggapin lahat ng upcoming works and proposed appointment para maasikaso nito pagbalik.
Alas sais na kaya naman nag-time na siya. Ang kaso, palabas na sana siya nang muli na namang bumuhos ang napakalakas na ulan. Ang matindi pa, mukhang hindi iyon ka agad titila.
'May bagyo bang paparating?' inis niyang monologo. Dahil lagi siyang abala sa trabaho, wala na siyang update ukol sa lagay ng panahon. Wala na kasi siyang oras manood ng TV, makinig sa radyo o kaya'y magbasa ng dyaryo.
Naghagilap siya ng payong sa bag niya. Wala siyang nakita. Oh, shit! Gusto ko nang umuwi, ay! Wala pa namang dumadaang jeep sa parteng iyon.
At patuloy na lumakas ang ulan.
Bumuntong-hininga siya. 'Hanggang ano'ng oras kaya akong maghihintay dito?'
Nagdesisyon siyang tumakbo papunta sa pinakamalapit na waiting shed upang doon maghintay ng jeep. Ginamit niyang payong ang bag niyang gawa sa leather. Mabuti na nga lang, naka-flat lang siya nang araw na iyon dahil nasira ang high heels niya kahapon.
Agad naman siyang nakarating doon. Basam-basa nga lang siya. 'Di bale, malapit lang naman ang bahay namin saka wala namang pasok bukas kaya walang problema kung magkasakit ako,' bulong niya sa sarili habang pinupunasan ng panyo ang braso.
Maya-maya'y may humintong kotse sa harap niya. Agad niyang nakilala kung kanino iyon.
"Greg..."
Bumuba ang bintana sa passenger's seat. Dumungaw roon si Greg. "Desiree, pauwi ka na ba? Hatid na kita."
Napalunok siya. Gusto niyang iwasan ito but of a part of her was missing him. Hindi pala. Every single cell of her was searching for this guy... yearning for Greg Saavedro.
Kaya nama'y sa huli, pumayag siya. "Sige. Thank you, Greg!" Binuksan niya ang pinto saka pumasok sa loob.
Nang makapasok siya, nag-drive ka agad si Greg. "How's the work, Desiree? May bago ba akong appointment?" sabi nito. She cannot sense anything but professionalism. Wala ni kaunting awkwardness.
And his formality pained her. Ngayong tinapos na nito ang 'relasyon' nila, magiging boss-employee na lamang ang relasyon nila? Akala ba niya'y mahal siya nito? Bakit parang wala naman siyang naramdaman ni katiting?
O baka naman kasi'y katawan niya ang mahal nito? At ngayong may iba na itong partner, ordinaryong empleyado na lamang ang tingin nito sa kanya?
"Wala namang bago so makakapag-relax ka this weekend," sagot na lang niya. She tried to do her best to make it sound so casual kahit ba ang sakit-sakit niyon sa kalooban niya.
At binalot sila ng katahimikan. Ironically, it was so ear-piercing.
"G-Greg..." sabi na lamang niya nang hindi na siya nakatiis. "Saan ka na pupunta kapag katapos mo akong ihatid?"
"Hmmm... uuwi na ako sa condo ko. Wala naman na akong gagawin saka pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga."
And there was silence between them once again.
"Greg, k-kung okay lang naman, pwede bang sa condo mo muna ako?" maya-maya'y sabi na lamang niya.
Natigilan na lamang si Greg. "Bakit?" kunot noo nitong tanong.
"B-Basta..." Wala siyang maisip na katuwiran. Sadyang gusyo lamang niya itong masolo. "Saka ayoko ko pa yatang umuwi kasi."
Sandaling natahimik si Greg. Tila nag-iisip ito.
BINABASA MO ANG
SBS #1: His Beautiful Hangover [FIN]
General FictionSex is his game and she is his beautiful hangover. - FIRST INSTALLMENT OF SAAVEDRO BROTHERS SERIES -