Chapter One

19.4K 281 40
                                    

            SA WAKAS, narating na rin ni Greg Saavedro ang kaniyang destinasyon – ang bar na paborito niyang tambayan sa tuwing mainit ang ulo niya. Nginitian pa nga siya ng bouncer nang mapansin siya. Inignora lang niya iyon dahil ang tanging nasa isip niya nang sandaling iyon ay ang magpakalasing.

            Agad siyang nilapitan ng waiter nang makakuha siya ng upuan.

            “Twelve bottles of SanMig light, please,” sabi niya. “No need for side dish. Beer lang.”

            “Ano po, Sir?” tanong naman ng waiter. Hindi sa hindi nito narinig ang sinabi ng binata. Sadyang nagulat lamang ito sa dami ng alak na in-order niya. Paano ba naman kasi’y nag-iisa lang siya.

            “Bingi ka ba o tanga? I said ‘twelve’! O baka naman gusto mong Tagalugin ko pa?” iritado niyang sambit.

            Napayuko naman dala ng pagkapahiya ang waiter saka nagpaalam sa kanya.

            Tsss… kung ayaw kasing mapahiya, ayusin ang serbisyo, monologo niya habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Pagkatapos, pinanood niya ang mga nagsasayawan sa dance floor.

            The club was surely crowded. Kung sa bagay, Sabado kasi. Iyon ang panahon kung kailan kalimita’y nagpapakasaya ang mga empleyado. Pampatanggal ba ng stress.

            Panganay si Greg sa magkakapatid na Saavedro at kasalukuyan siyang nagtratrabaho sa kanilang family business—ang Saavedro Inc. na isang kilalang manufacturer ng plastic products sa bansa—bilang CEO. Graduate siya sa DLSU sa kursong Business Management at nagtapos siya with flying colors.

            Tulad ng mga kapatid, matangos ang kaniyang ilong at maigtid ang kanyang mga panga. Namana nila iyon sa kanyang ama. Brown at medium-sized naman ang kaniyang mga mata at habang medyo bulky ang kaniyang katawan dala ng ilang taong pagwo-workout.

            Sa wakas, dumating na ang in-order niya. Kumuha siya ng isang bote at inubos iyon sa isang lagok. Naghahabol-hiningang ipinatong niya iyon sa lamesa. Medyo nakaramdam na rin siya nang hilo nang sandaling iyon.

            Shit lang talaga. Kahit kailan, hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ni Papa! His jaws clenched. At talagang inapon na ng tuluyan ang anak ng babae niya!

            Originally, tatlo lang talaga silang magkakapatid na Saavedro – siya, si Klein, na isang inhinyero, at si Joem na nag-aaral sa Paris para sa kursong may kinalaman sa fashion. Pero kanina’y sinabi ni Octavio—papa nila—na legally adopted na labin-limang taong gulang na si Andrei, na anak sa pagkadalaga ng ngayo’y fiancée na nitong si Lydia. Iyon ang kinakainit ng ulo niya.

            I never like that damn woman before! Halatang pera lang ang habol kay Papa. I mean, sino ba namang matinong babae ang papatol sa isang lalaking halos doble ng kanyang edad? His father will be turning 58 on January habang ang katipan nito ay 30 years old pa lang yata.

            His parents separated when he was sixteen years old. Since then, kung sinu-sino na ang kinakasama ng papa niya hanggang sa natipuan nga nito at natutunang mahalin ang secretary nito dalawang taon na ang nakakaraan. Samantalang, nag-propose ito ng kasal dalawang buwan na ang nakakaraan at nakatakdang ikasal ilang linggo na lang mula sa araw na iyon.

Ang mama niya? Nangibambansa na at isa pa ring kung sinu-sinong lalaki ang kinasama. Ang balita nga niya’y kaka-divorce lang nito sa ika-apat nitong asawa.

Sa totoo lang, he hates commitment. Pakiramdam ba kasi niya’y sakit lang ito ng ulo, salamat sa pinakita ng mga magulang. Simula pa lang kasi noong bata siya’y lagi na niyang nakikitang nag-aaway ang mga ito hanggang sa tuluyan na nga naghiwalay. He didn’t want to experience that.

SBS #1: His Beautiful Hangover [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon