Chapter Fifteen

4.9K 70 12
                                    

“ANAK, bakit ‘di mo naman sinabi agad na hina-harass ka na pala ng boss mo!” mangiyak-ngiyak na saad ng ina ni Desiree. “Dapat dati ka pa umalis du’n! ‘Wag mong isipin ang pera. May kabuhayan naman tayo kahit papa’no!”

Napabuntong hininga ang dalaga. “Ma, ‘wag na muna nating pag-usapan ang tungkol d’yan, please?”

Hapon na. Narito na ngayon ang dalaga sa bahay nila. Wala namang trabahong ginawa si Desiree para mapagod siya nang husto ngunit kailangang-kailangan niya ng pahinga. Nai-stress kasi siya sa maghapong ito.

Kaninang umaga, isinuplong ng boyfriend niya si Greg sa mga pulis. Katwiran nito’y hindi makatao ang ginawa ni Greg sa kanya. Labag raw sa batas ang sex slavery. Labag iyon sa Anti-violence against Women.

Pero bahagyang naiba ang kwento ni Christian sa kinuwento niya rito. Hindi nito binanggit ang tungkol sa ginawa niyang pagnanakaw na naging dahilan upang i-blackmail siya ni Greg. Sa halip, bumuo ito ng panibagong kwento. Anito, nakasanla raw ang bahay nila kay Greg at, bilang kapalit sa utang, kinakailangan niyang magbigay ng serbisyo rito sa kama. Dahil walang pambayad si Desiree, napilitan itong sumunod.

Para sa kaniya, napaka-lame ng sinabi ni Christian. Napakababaw. Nagmumukha lang itong tanga.

Gusto sana niya itong awatin ngunit hindi siya nito binigyan ng pagkakataong magsalita. Puro lamang ito ang sumasagot sa questioning na naganap. Ganito ba talaga itong ka-desperadong makulong si Greg? Bakit ba parang ang laki ng galit nito sa amo gayong siya naman talaga ang dapat na unang kagalitan nito? Hindi niya maintinidhan ang inaasal ni Christian at, sa totoo lang, hindi niya gusto ang nangyayari. Hindi ito ang boyfriend niyang sobrang sensible. Pulos desperasyon at pagkabulag sa katotohanan lamang ang nakikita niya rito.

Pero hindi lang ito ang isyu rito. Mayroon din siyang napansin kay Greg na hindi talaga niya nagustuhan. Sobrang tahimik nito. Ni hindi man lang nito nagawang ipagtanggol ang sarili. At iyon ang tunay na dahilan kung bakit siya nai-stress.

“Pero, anak…” Tinapik ng nanay niya ang balikat niya. “Ano ba kasing nangyari?”

Umiling siya. “Ma, ‘wag muna nating pag-usapan, please? ‘Di pa ko ready na ikwento. Masyado akong na-i-stress sa nangyayari.” Pagkatapos ay tumayo siya at naglakad patungo sa pintuan.

“Anak, sa’n punta mo?”

“D-D’yan lang po,” sagot naman niya. “Magpapahangin sa may pantalan,” dugtong pa niya saka tuluyang lumabas.

Hindi pa man siya nakakarating ng pantalan ng may businang sasakyan. Agad namang niyang naibaling ang tingin dito. Bumaba ang bintana sa driver’s seat at dumungaw rito ang isang babaeng nakasuot ng shade.

“Miss!” tawag nito sa kaniya. “May I ask you a question?” Sa tono ng pananalita nito, parang kakagaling lang nito sa pag-iyak. Inignora lang niya iyon.

Agad naman siyang sumang-ayon. Lumapit pa siya rito.

“May tatanong lang sana akong bahay,” sabi nito. “Kilala mo ba si… uhmm… Desiree Quinto?”

Natigilan siya saka in-examine ang mukha ng babae. Hindi niya ito kilala. Hindi rin ito pamilyar sa kaniya. Sino ito at bakit siya hinahanap nito?

“Ako ‘yun, Miss,” sagot niya. “Bakit? Ano’ng maitutulong ko sa ‘yo?”

Biglang nagtangis ang bagang nito, bagay na ikinagulat niya.

“So, it’s you?” saad nito. Kung kanina’y parang sinisipon ito, biglang ay parang naghahamon ito ng away. “Get inside. May pag-uusapan tayo!” Binuksan nito ang lock ng pintuan.

SBS #1: His Beautiful Hangover [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon