Chapter Fourteen

5.5K 81 7
                                    

MULING tiningnan ni Greg ang kaniyang orasang pambisig. Mag-aalas nuwebe na ng umaga.

Narito siya ngayon sa loob ng kaniyang opisina at kanina pa niya hinihintay si Desiree dahil may kinakailangan siyang ipagawa rito. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Mukhang wala itong balak pumasok. Pero ano’ng dahilan?

Napabuntong hininga ang binata. Kabilin-bilin niya kay Desiree na kapag hindi ito makakapasok, kinakailangan nitong tumawag sa kaniya nang sa gayo’y alam niya ang dahilan. Pero wala pa rin siyang natatanggap na tawag mula rito. Hindi tuloy niya maiwasang mabalisa.

Galit kaya siya sa ‘kin?

Nitong umaga, pagkagising niya, wala sa tabi niya si Desiree. Kakatwa nga lang isipin ngunit parang naulit lang din ang insidenteng iyon. Ang kaibahan nga lang, hindi hangover ang naramdaman niya kundi panlulumo at pagsisisi. Binigo niya si Desiree. Hindi niya tinupad ang pangako niyang hindi na siya makikipagtalik dito.

At mukhang iyon din ang dahilan kung bakit hindi ito pumasok ngayon. Marahil ay disappointed ito sa kaniya. Hindi na rin siya magtataka kung bukas ay ituloy na nito ang planong mag-file ng resignation at termination of contract.

Pero, kahit alam niyang mali siya, hindi niya iyon kakayanin! Si Desiree ay mawawala sa kaniya? Hindi siya papayag! Nagpaubaya na nga siya kahit ba masakit din sa kalooban niya. Isa lang din naman kasi siyang tao na marunong magmahal…

Natigilan na lang siya ng biglang may kumatok sa pintuan ng opisina niya. Bigla tuloy siyang nabuhayan ng loob. Baka ito na si Desiree!

Bahagya niyang inayos ang upo bago nagsalita. “Come in…” aniya.

Agad namang bumukas nag pintuan at laking gulat na lang niya ng bumungad sa kaniya ang ilang mga kalalakihang nakasuot ng kulay asul na uniporme. Mga pulis!

“Ikaw ba si Greg Saavedro?” anang ng isang pulis na nasa gitna ng apat na pulis.

Nagtataka man, tumango siya. “O-Oo, ako nga. Ano’ng kailangan ninyo?”

May nilabas itong papel sa bulsa at pinakita sa kaniya. Warrant of arrest!

“Inaaresto ka namin sa salang pagmomolestiya.”

Umawang ang labi niya. “Ano?”

Ngunit bago pa man siya nakatanggi, kumilos na ang mga pulis upang arestuhin siya.

“Teka lang, Sir! Baka nagkakamali lang kayo?” sabad niya habang pinoposasan siya. “Wala akong minomolestiya! Inosente ako!”

Ngunit hindi siya pinansin ng mga pulis na animo’y alam na akusado talaga siya. Kung sa bagay, alam niyang hindi siya inosente. Sa sariling secretary pa nga niya ito ginawa. Ang hindi lang niya maintindihan ay bakit siya inaaresto ng mga pulis. Ah, tinatanong pa ba iyon? Malamang ay nagsumbong si Desiree!

Hindi niya mapigilang manlumo ng maisip niya iyon. Mukhang nangyari nga ang kinakatakutan niya. Mukhang totoong nagalit si Desiree. Kung sa bagay, may karapatan na itong magreklamo dahil tapos na rin naman na ang kasunduan nila.

Lumabas sila ng opisina niya. Nahagip ng mga mata niya ang isang lalaking madilim ang mukha at masamang-masama ang titig sa kanya. It’s Christian.

Sumugod ito sa kanya. “Tarantado ka!” sigaw nito at umamba ng suntok. Mabuti na lang, agad itong napigilan ng mga pulis. “Gago ka, Greg! Best friend pa naman ang turing ko sa iyo tapos gagantuhin mo lang ako?”

Hindi siya nakaimik. Marahil ay nagsumbong si Desiree sa nobyo. Dahil kilalang politiko nga ang pamilya nito, ginamit ni Christian ang impluwensya upang ipa-aresto siya.

SBS #1: His Beautiful Hangover [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon