"Hay, ang tagal naman ni Xix!"
Hindi ko mapigilang hindi mainis. Kanina pa kasi ako dito sa gitna ng gubat. Hindi ko na mabilang kung ilang lamok na ba ang kumagat sa akin.
Sobrang naiinip na ako. Halos isang oras ko na din siyang hinihintay. Siya kasi ang partner ko ngayon sa Halloween Party. At hindi ko naman alam kung saang lupalop ba ng gubat ang venue. Hindi ko din maintindihan kung ano ang trip ng dean namin at dito pa sa gubat naisipang i-celebrate ang Halloween. Adik ba siya o talagang nababaliw na.
Puro na lamang pahirap ang binibigay sa amin ni dean. Hindi pwedeng ipasok ang sasakyan papunta sa venue kaya naman nagiintay ako ngayon dito sa may entrance.
Kailangan mong maglakad sa loob ng gubat na may mga nananakot para makarating sa venue. Ngunit ang pinakaayaw ko talaga sa lahat ay kinakailangan pa naming magcostume! Para lang bata.
"Look who's here! A vampire!"
Natigil naman ang pag-iisip ko nang makita ko si Seth. Tinitingnan nila ako mula ulo hanggang paa. Lalo tuloy akong nabadtrip sa kanila. Mga bully kasi iyang mga 'yan eh. Akala mo naman kung sinong mga gwapo kung maka asta.
"So, ano naman 'yang costume nyo? Zombies? Sana hindi na lang kayo nagcostume, wala din naman kasing nagbago!" pang-aasar ko sabay smirk pa sa kanila. Look at their faces! Nakakatawa! Sobra na ba 'yung sinabi ko at mukhang galit na galit na sila?
"Tingnan na lang natin kung sino ang tatawa mamaya. I have plans for you Xyla," mapanlokong sabi ni Seth.
Tiningnan niya ako ng masama at pumasok na sila sa gubat. Natatakot ako sa kanya pero ayokong ipakita 'yun. Seth did so many pranks to me at gusto ko ng umiyak ng mga oras na 'yun pero sinabi sa akin ni Xix na ipakita ko daw kay Seth na hindi ako natatakot sa kanya para hindi na nya ako ibully pa muli.
Speaking of Xix, naiinis na talaga ako sa lalaking 'yun. Bahala na nga sya sa buhay niya! Kahit bestfriend ko 'yun, sasapukin ko talaga siya ng bonggang-bongga kapag nakita ko siya.
At dahil nagtatapang-tapangan ako ay pumasok na ako sa gubat. Late na kaya wala na akong kasabay sa pagpasok. Dapat pala ay nakisabay na lamang ako kina Seth pagpasok para hindi ako maligaw. Kaso wala akong tiwala sa kanila at baka kung ano pa ang gawin nila sa akin. Mas mabuti na rin siguro ito.
May mga arrows naman na nagtuturo ng direksyon kung saan iyong daan papunta sa venue kaya madali lang. At dahil late na akong pumasok ay wala na ding mga nananakot kaya mas mapapadali ako nito. Nagsimula na akong maglakad at sinundan ang mga signs na nakikita ko.
Kanan.
Kaliwa.
Diretso.
Kaliwa.
Kaliwa ulit.
Kanan naman.
Patay! Wala na akong makitang mga arrows! Paano na 'to? Mahina pa man din ako sa direksiyon!
Kung kanina ay naririnig ko na ang mga hiyawan at music na nanggagaling sa venue, ngayon ay wala na akong marinig kung hindi ang ingay ng mga kuliglig. Naalala ko naman iyong huling sinabi sa akin ni Seth.
"Ahh! Bwiset talaga kayo Seth! Bwiset! Bwiset! Bwiset! Arrrgh! Naiwan ko pa yung phone ko! Nakakainis talaga!"
Dahil sa sobrang badtrip ko ay padabog akong naglakad. Wala na akong pakialam kung saan man ako mapunta. Basta ang gusto ko lang ay makaalis na sa bwiset na lugar na ito.
Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit wala na akong masyadong makita dahil madilim na. Mabuti na lamang at maliwanag ang buwan kaya kahit papaano ay naaaninag ko ang aking dinadaanan. Natigilan ako ng may marinig akong kaluskos sa di kalayuan.
BINABASA MO ANG
My Vampire Prince
VampirePaano kung isang araw ay nalaman mo na hindi totoo ang lahat ng mga pangyayari sa buong buhay mo? Na hiniram mo lang ang buhay mo ngayon? Pano kung malaman mo na lahat? Na nakatakda kang ikakasal sa isang bampira? Babalik ka pa ba sa nakaraan mo kas...