Chapter 4: Protector

5 2 0
                                    

Ngayon ay papunta na kami sa room habang magkahawak kami ng kamay. Hindi ito ang unang beses na magholding hands kami ni Xix pero ngayon lang ako nakaramdam ng kaba.

Nakasunod naman sa amin 'yung baklang pink ang buhok. Nako. Ang sasama na naman ng tingin sa akin ng mga babaeng nadadaanan namin. Ang gwapo naman kasi ni Xix. Matalino. Matangkad. Maputi. Matangos ang perpekto niyang ilong at malalim ang abo niyang mga mata. Sa bawat ngiti niya ay lumalabas ang dimples niya na nakakapagpaibig sa sinumang makakita nito.

Akala kasi nila ay girlfriend ako ni Xix. Sabagay. Kung hindi ko siya bestfriend ay siguradong kami na. Sino ba naman ang hindi maiinlove sa isang Xix Martinez di'ba?

Nauuna siya sa akin kaya lalo kong nakita ang katawan niya. Ngayon ko lang napansin na mas matipuno na siya ngayon kaysa dati. Pwede na nga siyang modelo ng Bench dahil sa abs niya at syempre hindi lang looks ang magugustuhan mo sa kanya. Sobrang bait niya, maalaga, corny pero pwede na.

Sa totoo lang ay sikat siya sa buong university. Sa sobrang daming nagkakandarapa sa kanya ay bumuo na sila ng fans club. Ang tindi no? Ang dami ring nagpapapansin sa kanya na babae pero hindi sila pinapansin ni Xix. Ako lang pinapansin nya! Lagot siya sa'kin kapag nakipaglandian siya sa mga iyon. Ito namang si Xix, ewan ko ba kung may gusto 'to sa akin o ano. Ayoko namang umasa dahil baka masaktan lang ako. Sapat na sa akin kung ano ang meron kami ngayon. Basta ang mahalaga ay kasama ko siya.

Palagi kasi siyang sweet at nandiyan siya lagi para sa akin. Basta kinikilig ako sa mga ginagawa niya. Sa likod ng masayahing Xix, nagtatago ang isang lalaking naghahanap sa kanyang mga magulang. Ang mga itinuturing na magulang niya ngayon ay ang nag-ampon sa kanya noong sanggol pa lamang siya. Ganoon pa man, kahit kailan ay hindi naramdaman ni Xix na hindi niya ito tunay na magulang dahil minahal siya ng mga ito ng sobra-sobra.

Itinuturing din naman ni Xix na tunay niyang mga magulang ang mga ito ngunit iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag mga tunay na magulang mo ang kasama mo. Tulad ko, maaga akong naulila pero masaya naman ako sa buhay ko kahit papaano. At saka pareho kami ng birthday kaya nagpaparamihan kami ng regalo noong mga bata kami. Mayabang siya noong una pero palagi niya akong pinoprotektahan.

Magkaibigan ang mga magulang namin kaya bata pa lamang ay kilala na namin ang isa't isa. Sa sobrang malapit ko sa kanila ay itinuturing na nila akong anak at itinuturing ko na rin silang mga magulang. Natatandaan ko pa noong mga bata kami, kakakilala lang namin noon at hindi pa kami ganoon kalapit sa isa't-isa. Siguro ay anim na taon pa lamang kami noon.

"Ayoko nang makipaglaro sa inyo! Lagi niyo naman akong iniiwan e!" maiyak-iyak na sabi ko sa sarili ko. Naglalaro kasi kami ng tagu-taguan. Lagi na lang nila akong iniiwan. Kapag ako ang taya, hahayaan lang nila akong hanapin sila pero ang totoo pala ay umuwi na sila sa bahay nila. Lagi tuloy akong umiiyak.

"Uy tahan ka na. Lagot kami kay Manang Rose pag nakita noon na pinaiyak ka namin," sabi ni Xix sa akin na sumulpot sa bandang likuran ko.

"Waah! I hate you! Lagi niyo na lang akong iniiwan!" lalo tuloy akong naiyak noon dahil sa sinabi niya.

"Hindi naman kita iniiwan e. Kanina pa nga ako sa likod ng punong iyon. Hindi mo kasi ako hinahanap kaya hindi mo ako makita. Nandito lang ako palagi sa tabi mo. Promise hindi kita iiwan. Hanapin mo lang ako at makikita mo na agad ako. Basta huwag kang susuko sa paghahanap sa'kin. Kasi ako iniintay ko lang na mahanap mo ako." Natulala naman ako sa sinabi niyang iyon. Tumigil na ako sa pag-iyak at niyakap siya. Doon ako nagsimulang mahulog sa kanya.

"Oyy anong nginingiti-ngiti mo diyan ha?" sabay tusok ng daliri niya sa pisngi ko.

"Wala naman ah," parang namumula yata ako. Hindi ko talaga mapigilang ngumiti kapag naaalala ko iyon. Nawala naman yung kasiyahang nadarama ko nang biglang hilahin ni Drake ang kamay ko mula kay Xix. Epal talaga itong bakla na 'to kahit kailan oh. Nakakabwiset!

My Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon