Nandito kami ngayon sa cafeteria ng school. Kasama ko ngayon si Xix. Okay na naman kami pagkatapos noong nangyari sa rooftop.
"I love you too, Xix." Sabi ko.
"Will you give me a chance?" tanong niya sakin.
Hindi naman ako makaimik Nakatingin lang ako sa kaniyang mga mata. Parang natatakot siya.
"Can you give US a chance Xyla? Tanong niya ulit.
"I love you Xix, as a bestfriend." Sabi ko. Para namang naging malungkot ang mukha niya. Napalitan ng lungkot ang takot sa kanyang mga mata.
"Oo, mahal din kita. Hindi lang bilang kaibigan." Dugtong ko.
"So, what do you mean?" umalis siya sa pagkakayakap sa akin at humawak sa railings ng rooftop. Hindi na siya nakatingin sa akin ngayon.
"Matagal na kitang gusto. Pero, mas mahalaga sa akin ang friendship natin ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ito ang tama."
Hindi ko alam kung bakit pero kasi parang may mali. Parang mali itong sa amin ni Xix. Mahal ko siya pero parang hindi pwede.
"Yeah, you're right." Pagkasabi niya noon ay bahagya siyang natawa. Teka ano bang nakakatawa? Pinaglololoko yata ako nito eh.
"It seems na siya pa rin pala." Dugtong niya.
"Anong ibig mong sabihin? Sinong siya?" ang gulo niyang kausap. Wala na akong maintindihan.
"Malalaman mo din kung sino siya. Basta pag sinaktan ka ulit niya. Babawiin na kita sa kanya."
"Alam mo Xix ang gulo mo! Hindi kita maintindihan!" galit kong sabi. Kasi naman eh! Hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya. Wala pa naman akong nagiging boyfriend kaya sino ba iyong tinutukoy niya?
Bigla naman niya kong niyakap. Naramdaman ko ang kalungkutan niya. At alam kong tinatago niya lang iyon dahil ayaw niya na nakikita ko siyang nasasaktan.
"Malalaman mo din ang lahat sa tamang panahon." Ang weird talaga niya ngayon. Manghuhula na ba siya? Hindi na ako umimik dahil hindi ko din naman maintindihan ang mga sinasabi niya. Umalis na siya sa pagkakayakap sa akin.
"Friends?" tanong niya tapos iniabot niya sa akin ang kamay niya na parang nakikipaghandshake.
Umiling naman ako kaya napakunot ang noo niya.
"BESTFRIENDS!" kinuha ko na ang kamay niya at ngumiti na siya sa akin.
At ayun na nga bestfriends na ulit kami ni Xix. Masaya na ulit kami kaso parang may kulang. Napapansin ko kasi na medyo naiwas sa amin si Drake. Hindi nga namin siya kasama ngayon. Ewan ko ba sa kanya. Baka may period lang.
Hinahatid niya lang din ako sa bahay tapos hindi na din siya natutulog sa amin. Pasalamat siya hindi ko siya sinusumbong kay lolo. Hindi ko na nga alam kung bodyguard ko pa ba siya o ano. Ang sarap ng buhay niya eh!
Pero nitong mga nakaraang araw, inaamin ko na namiss ko siya. Tinuring ko na din naman siyang kaibigan kahit saglit pa lang kaming magkakilala. Ang gaan talaga ng loob ko sa kanya.
Speaking of Drake. Nakita ko siya ngayon dito sa cafeteria kasama si Damsel.
Childhood friend daw sila ni Drake kaya sobrang close nila. Nitong mga nakarang araw, si Damsel lang ang laging kasama ni Drake. Ewan ko kung bakit pero kasi hindi naman nasama si Drake sa mga babae kahit sila na mismo ang nagyayaya sa kanya. Hindi naman kami close ni Damsel pero mukha namang mabait siya.
BINABASA MO ANG
My Vampire Prince
VampirePaano kung isang araw ay nalaman mo na hindi totoo ang lahat ng mga pangyayari sa buong buhay mo? Na hiniram mo lang ang buhay mo ngayon? Pano kung malaman mo na lahat? Na nakatakda kang ikakasal sa isang bampira? Babalik ka pa ba sa nakaraan mo kas...