Chapter 2: Drake Fender

13 6 1
                                    


Dalawang araw na rin ang nakakalipas matapos ang Halloween Party. Hindi ko na maalala ang mga nangyari noong gabing iyon. Basta nagising na lamang ako na nasa tabi ko si Xix.

"Xyla. Kamusta ka na? Mabuti na lamang at nagising ka na." nagaalalang tanong sa akin ni Xix nang magising ako. Nakita ko na lamang ang sarili ko sa isang kwarto. Bakit ako nandito? Sa pagkakaalam ko ay nasa gitna ako ng kagubatan.

"Anong nangyari? Nasaan ako?" naguguluhang tanong ko kay Xix. Naramdaman ko na lang ang biglang pagkirot ng ulo ko. Wala talaga akong matandaan sa mga nangyari.

"Nakita kita sa may gubat. Nahimatay ka kaya iniuwi na kita. Ano ba talagang nangyari sayo?" tanong muli sa akin ni Xix. Nandito na pala ako sa bahay. Kung alam ko lang talaga ang nangyari. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari noong gabing iyon ngunit lalo lamang sumakit ang ulo ko.

"Ang tangi ko lang naaalala ay iniintay kita tapos dumating sina Seth. Tapos inasar nila ako. Sa sobrang bagot ko kakaintay sa'yo sumunod na lang ako sa kanila papasok. Nagpunta na ako mag-isa sa venue. Tapos naligaw ako at wala na akong matandaan."

Nakakapagtaka naman. Bakit hanggang doon lang ang naaalala ko? Ano nga kayang nangyari sa akin doon? Bakit hanggang iyon lamang ang natatandaan ko? Kahit anong pilit kong pag-alala sa mga sumunod na nangyari ay hindi ko talaga matandaan. Sumasakit lang ang ulo ko.

"Iyon lang ba talaga ang natatandaan mo? Wala na bang iba? Wala ka na ba talagang natatandaan?" sunud-sunod na tanong niya sa akin. Ang kulit din nito. Sinabi ng di ko nga matandaan eh. Saka kasalanan niya kung bakit nangyari sa akin ito. Inirapan ko naman siya.

"Iyon nga lang ang natataandaan ko. Basta hindi ko na alam ang sunod na nangyari." pagpapaliwanag ko muli sa kanya.

"Ah." iyon na lamang ang nasabi ni Xix. May alam kaya siya? Bakit parang hindi siya naniniwala sa akin?

"O sige. Uuwi na muna ako. May gagawin pa ako." Tiningnan ko na lamang siyang lumabas sa aking kwarto. Pakiramdan ko ay lumulutang ako. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at muling natulog.

Maaga akong nagising ngayong araw na ito. Nandito na ako ngayon sa university. Akala ko nga ay pinag-uusapan na ako ng mga tao dito dahil sa nangyari sa akin noong Halloween party pero buti na lamang at walang nakakaalam sa nangyari. Maski ako din naman ay hindi alam ang buong pangyayari. Kapag nakita ko talaga ang damuhong Seth na iyon ay sasampalin ko siya ng bonggang bongga. Sumosobra na kasi siya.

Maayos naman akong nakapasok sa classroom namin. Naupo na lang ako sa isang bakanteng upuan sa may likuran. Second year college na kami ni Xix at pareho naming kinukuha ang kursong Business Administration.

Second semester na nga pala. Ang bilis lumipas ng panahon. Bagong teachers, bagong kaklase, bagong buhay. Nasaan na nga pala si Xix? Kailan ba siya dadating ng maaga? Nangalumbaba na lamang ako at tumingin sa bintana. Nagulat naman ako nang gumalaw ang upuan sa aking tabi.

May tumabi pala sa akin. Bakante kasi ang upuan sa kaliwa ko. Bagong estudyante siguro, hindi kasi pamilyar ang mukha niya. Tinitigan ko siyang mabuti. Okay lang ang itsura niya. Matangos ang ilong niya tapos ang pula ng labi mga labi niya.

Napakunot naman ang noo ko nang makita ang buo niyang katawan. Sa ilalim ng jacket niya ay hindi maipagkakaila na matikas ang pangangatawan niya. Kaya nga lamang ay para siyang may sakit dahil sobrang putla ng balat niya.

Lalong kumunot ang noo ko dahil sa buhok niya. Pink? Pwede ba yan dito sa university? Hindi naman pangit, sa totoo nga ay bagay sa kanya kaso mukha siyang bakla. Sayang naman. Bakit ganoon? Karamihan ng gwapo ngayon bakla? Sayang ang genes nila, hindi na maipapasaya sa susunod na henerasyon.

My Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon