Chapter 3: The Bodyguard

12 5 0
                                    


"Anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong ko sa kanya samantalang siya ay komportableng nakaupo sa aming sofa.

Anong ginagawa ng baklang ito sa bahay ko? Paano niya nalaman ang bahay ko? Stalker talaga siya! Naiirita talaga ako sa pagmumukha niya!

"Stalker ba kita? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Para lang akong hangin na hindi niya nakikita. Prenteng-prente lang siyang nakaupo sa couch. Kinuha ko ang tambo sa may gilid at pinaghahampas siya.

"Aray! Ano ba? Masakit na ha!" angal nito at iniilagan ang ilan sa mga hampas ko. Hindi ko siya pinakinggan at patuloy lang ako sa paghampas sa kanya.

"Xyla! Ano bang ginagawa mo? Itigil mo nga iyan! Nakakahiya sa bisita!" pagsasaway ni Manang sa akin nang makita ang ginagawa ko.

"Ha? Bisita?" Tama ba ang narinig ko? Bisita ko itong baklang ito? Baka naman BWISITA! Makapaglinis nga ng tainga mamaya.

"Oo. Siya yung kinuha ng lolo mo para magbantay sayo." sagot naman ni Manang.

"What? Are you serious Manang?" Bantay? Siya ang magbabantay sa akin? Kaya ba sa school ko rin siya pumapasok? NO!Hindi ito pwede. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya sa akin. Napakabastos niya. Kahit iyong tambay na lang sa kanto ang maging bodyguard ko huwag lang ang baklang ito.

"Tanungin mo ang lolo mo para malaman mo ang totoo. Itong batang 'to talaga." sabi ni Manang at umalis na sa eksena. Umakyat na lamang ako sa kwarto ko. Hindi ko na pinansin ang Drake na 'yun. Nabwibwiset talaga ako sa pagmumukha niya.

Kung nagtataka kayo kung bakit si manang lang kasama ko dito sa bahay ay dahil wala na ang mga magulang ko. Nagcrash kasi ang eroplanong sinasakyan nila noong papunta sila kay lolo. Hindi ko na tanda iyon dahil dalawang taon pa lang daw ako nang mangyari iyon.

Si lolo na ang nagpalaki sa akin simula ng mangyari ang aksidente. Hindi naman talaga siya ang mismong nagpalaki sa akin, siya lang ang nagbibigay ng mga kailangan ko. Si Manang Rose naman talaga ang nag-alaga sa akin. Siya ang kasama ko simula noong sanggol pa lamang ako.

Isang beses lang sa isang taon kung umuwi si Lolo dito sa Pilipinas at iyon ay tuwing pasko lamang. Masyado kasi siyang abala sa trabaho. Siya na ang namahala sa lahat ng kompanya na iniwan ng mga magulang ko dahil hindi ko pa naman kayang mamahala ng mga iyon.

Kung titingnan ang mga properties namin, pera sa bangko at lahat ng pagmamay-ari namin masasabi mo na mayaman kami pero mapapansin mo pa ring may kulang. Iyon ay ang masaya at buong pamilya. Madaming kompanyang hawak si lolo dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa.

Sa sobrang laki nitong bahay, este mansion pala, si manang Rose, si kuya Jose na driver namin, dalawang guard at dalawang mga kasambahay lamang ang kasama ko dahil hindi ako sanay sa madaming tao. Ayokong makisalamuha sa ibat' ibang mga tao. Kaya nga si Xix ang bestfriend ko dahil siya lang din naman ang kaibigan ko simula noong mga bata pa kami.

Kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan si lolo. Matagal din itong nagring bago niya ito sinagot. Nasa Canada kasi siya ngayon at siguro ay abala na naman siya sa pamamahala ng kompanya. Pero kahit ganoon siya, mahal na mahal ko pa rin ang lolo ko.

"Lo! Bakit niyo pa po ako kinuha ng bodyguard? Kaya ko naman po ang sarili ko eh! I'm seventeen now, I'm not a child anymore, remember? Saka mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang isang iyon," maiyak-iyak na sabi ko kay lolo. Kasi naman ayoko talaga ng bodyguard. Paano na ang privacy ko?

"Xyla, you need him. I know what happened to you in the party and that is the reason why I hired him. I also enrolled him in your school," malambing ngunit maawtoridad niyang sabi.Teka. Paano nalaman ni Lolo ang nangyari sa party?

My Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon