Drake's POV
"Bakit ba hanggang ngayon ay siya pa rin!" galit kong sabi.
Nandito ako ngayon sa mansion namin sa gitna ng kagubatan dito sa mundo ng mga bampira. Nabibilang ang pamilya ko sa mga Royal Vampires at dahil wala na ang mga magulang ko ay ako na ang namumuno sa lahat ng mga bampira.
Hindi ko na mapigilan ang galit ko. Sinuntok ko ang pader ng kwarto ko at nabutas iyon. I really hate it. Akala ko noong sinabi ko sa kanya ang pangalan ko ay makikilala niya ko.
At dahil nagulat siya, akala ko ay nakilala niya ako. Akala ko ay natatandaan na niya ako. Pero hindi pala. Tinawanan pa niya ang pangalan ko dahil daw para daw pang bakla!
I really hate that scene! Pinagsusuntok ko na lang ulit ang pader hanggang sa tuluyang masira ito. Naiinis na talaga ako.
Mas lalong nagpagalit sa akin ang nangyari kahapon. I can read Xyla's mind. Lahat ng bampira kayang basahin ang isip ng isang tao.
Huli na talaga ako. Mahal ni Xyla si Xix. Kahit hindi ko basahin ang isip nya, nakikita ko kung gaano niya kamahal ito. Masyado ng napapalapit si Xyla kay Xix.
I need to get her back. I missed her. Her big brown eyes, her hair, her touch, her lips and her beautiful smile. Pero kay Xix na niya ibinibigay ang mga ngiting iyon. Wala pa ring nagbago sa kanya. Ganoon pa rin ang itsura niya. Iyon nga lamang, isa na siyang mortal. Paano ko pa siya mababawi? Babawiin ko pa ba siya ngayong masaya na siya sa iba? Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Parating na siya," sabi ni Magnus.
Ngayon ko lang siya napansin. Kahit matanda na siya ay mabilis pa rin siyang kumilos. Hindi ko alam kung bakit tumatanda ang pisikal niyang anyo samantalang hindi naman nagbabago ang itsura ng mga bampira kahit na ano pang edad nila.
"Mabuti naman. Kanina ko pa siya hinihintay."
Naupo na lang ako sa may couch habang iniintay ang pagdating niya. Kailangan ko ng eksplanasyon sa mga pinaggagagawa niya.
"Bakit ba ang tagal mo? Kanina pa kitang hinihintay!" narinig kong sabi ni Damsel.
Si Damsel ang bunso naming kapatid. Tatlo kaming magkakapatid. Si Darth ang pangalawa. Akala ko patay na siya. Pero hindi pa pala.
"Ang cute pa rin talaga ng kuya ko! Walang pinagbago!" sabi ni Damsel tapos kinurot kurot pa ang pisngi ni Darth.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil buhay siya. Mas nararamdaman ko ang galit sa kanya ngayon dahil sa ginawa niya dati.
"Bakit mo ko pinatawag? Did you missed me?" nakatawang sagot ni Darth.
Hindi na ako nakapagpigil at hinawakan ko ang kwelyo niya at hinila iyon pataas. Isinandal ko siya sa pader.
"Matagal mo na pala siyang kasama pero hindi mo man lang sinasabi sa amin! Alam mo ba na ilang taon ko siyang hinanap para maibalik dito. Pero aagawin mo na naman siya!"
Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya. Nakangiti pa rin siya. Lalong kumukulo ang dugo ko sa kanya.
"Tao ka na ngayon kaya madali na kitang mapapatay." Pagkasabi ko noon ay sinuntok ko siya ng malakas sa tiyan. Nabutas ang pader kung saan siya nakasandal. Dahil tao siya ngayon, dapat ay patay na siya ngunit walang nangyari. Binitawan ko siya at napaupo siya sa sahig. Unti-unti siyang tumayo. Gulat na gulat naman si Damsel sa mga nangyayari. Gusto niya kaming awatin pero wala siyang magawa.
"Hindi na ako tao. Bampira na ako bago niyo pa man ako nakita."
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Gulong-gulo na ang utak ko sa sobrang pag-iisip kung paano nangyari ang lahat ng ito. Bakit ba nabuhay ka pa Darth? Sana ay tuluyan ka ng namatay.
BINABASA MO ANG
My Vampire Prince
VampirePaano kung isang araw ay nalaman mo na hindi totoo ang lahat ng mga pangyayari sa buong buhay mo? Na hiniram mo lang ang buhay mo ngayon? Pano kung malaman mo na lahat? Na nakatakda kang ikakasal sa isang bampira? Babalik ka pa ba sa nakaraan mo kas...