“Teka nga kanina pa tayo lakad ng lakad napapagod na ako, parang awa mo na!” eksaherada kong sabi.
“Wala pa ngang dalawang kilometro ang nilakad natin napapagod ka na?” angil nito sa akin.
Oo, sumunod ako sa gusto niya dahil sabi niya papatayin niya raw ang pamilya ko pag hindi ko ginawa ang gusto niya, pero siyempre hindi 'yun totoo gawa-gawa ko lang iyon para matakot din kayo. Basta napasunod na lang ako sa hayop na 'to, baka minagic-spell ako. Asus, parang tatalab pa sa akin 'yang ganyang magic.
Umismid ako, bakit puro nalang ismid ang ginagawa namin?. “Eh kasi palaka ka ako tao kaya napapagod kami”.
Nakita ko ang tungkod nitong parang kahoy “Matanda ka na ba? Bakit may tungkod ka?” Tsss. oo na ako na ang maraming tanong eh napansin ko eh.
”Wala ka na bang ibang nakikita, Victoria?” at tiningnan ako ng masama.
Nagtaka ako bakit niya alam ang pangalan ko.
Ahem! Ako nga pala si Victoria, bente-sais anyos ng barangay Dimaumay, Philippines. Mabuhay! At nakataas pa ang kamay ko.
“Tapos ka na?” patuyang sabi ng Palaka. Ako naman ang tumingin sa kanya ng masama.
“Paano mo alam ang pangalan ko?” paangil ko.
“Tingnan mo ‘yang damit mo may nametag pang nakasabit”.
Tiningnan ko naman ang damit ko at natampal ko ang noo ko. Oo nga, nilagay ko pa ang nametag ko sa trabaho para in case na mawala ako o mamatay o masunog o makidnap at may makakita sa akin pwede nilang igoogle ang pangalan ko at presto tatawag na sila sa bahay.
Nauna na ito, parang naiinis pa sa akin. May narinig akong kaluskos sa likod ko at bigla ang kaba ko “Hoyyy! Lolong Palaka hintayin mo ‘ko!” sigaw ko sa kanya.
Naabutan ko siyang may kausap.
“Pauwi na ba kayo mahal na prinsipe?” narinig ko, hindi ko makita dahil natatabunan ito ni Palaka.
“Oo, saan ka papunta niyan?”
“Naglalaro lang dito.hehehe”
Hello! may kasama kayo dito, andito ako. Sarap isigaw, nakakainis na talaga itong Palaka na ‘to. Eh bakit kasi sumasama pa ako dito? Pwede namang huwag na o kaya takbuhan ko ito. Pero kasi na curious ako sa sinasabi nitong kaharian. Pareho rin kaya ito sa mga nababasa ko sa tv at napapanood ko sa libro? Pero teka, baliktad yata ang sinabi ko.hehe
Tsk! napakamot ako sa ulo. Naghintay pa ako ng mga 100hours, bago nila ako napansin.
At buhat doon nakita ko ang kausap ni Palaka dahil tiningnan ako. Yikes! isang rabbit pala. Ah! matabang rabbit. Parang bubunghalit din ako ng tawa, bakit puro nalang nagsasalitang hayop ang nakikita ko dito? Na invade nab a ng mga talking-animals ang earth? O baka high lang ako at kung ano-anong nakikita ko? Tssssssssssss.
“Siya ba ang magiging prinsesa mo?” tanong ng Rabbit sa palaka at napatingin ako ulit sa kanya. At dahil sa narinig ko napaismid ako, ako magiging Prinsesa ng pangit na prinsipeng ito? No way! Hi way!
“Labag man sa kalooban ko pero oo” drama ng Palakang pangit.
Aba anong sabi? Labag? Kahit ako labag din sa kalooban ko, at sino ba ang basta-bastang humihila sa akin papunta rito? Tsk! hilahin ko kaya ang bunganga nito para mas lalong lalaki? o tadyakan ko kaya?
“Hello” ngisi ng rabbit. Ngumiti lang ako. “Maganda ka sana…” nangiti ulit ako dahil sa sinabi niya “kaso…. mata… mataba ka lang” saka ngumisi sa akin.
Nawala ang kaninang matamis na ngiti sa labi ko. Napalitan ng galit. “Anong sabi mo?” inis kong sabi.
Tumakbo ito habang malakas na tumawa. Nakita ko sa sulok ng mata ko na tumawa rin ang pangit na palaka.
Tumakbo rin ako “Hoyyy! bumalik ka rito Rabbit! Mas mataba ka sa akin!!!!!!!!” sigaw ko. At hindi ko na siya nakita. Pero takbo pa rin ako ng takbo hanggang sa..
“Ahhhhhhhhhh!” bigla nalang akong nasa itaas ng puno habang nakakulong sa isang parang net. Naka hang ako dito sa ibabaw. Bwisit! Pag minamalas ka nga naman.
Nakita ko sa baba ang Palaka, tawa ng tawa. “Hoy Palakang Pangit! tulungan mo ako dito” sigaw ko.
Tumingala naman siya at kunwaring nagulat “Ohh, nandiyan ka pala?”.
“Hindi, hindi ako ito. Kaluluwa ko ang nandito. Baka nandoon ako” at tinuro ang kakahuyan.
Patuyang ngumiti ito “Bahala ka sa buhay mo” at umalis.
Seriously? nagulat ako at nagpanic, iiwan niya talaga ako? Nang nag-iisa? at nandito sa itaas? Paano kung.. Tsk! Pag nakawala ako dito lintek lang ang walang ganti Palaka ka. Nakarinig ako ng kaluskos sa itaas at nakita ko ang pagkalaki-laking unggoy. Namilog ang mga mata ko. Is that Kingkong? Nakangiti ito sa akin habang naglalaway. Oh no! Ayoko pang mamatay at ayokong maging food ng isang uranggutan! never! At bigla na lang akong nawalan ng malay…