Iminulat ko ang mga mata ko. Bakit ang dilim? Parang wala akong nakikita. Bulag na ba ako?
“:Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh, bulag na akoooooooooo!” sigaw ko.
“OA!” narinig kong may nagsalita sa gilid ko at nang tingnan ko ay ang nakatalikod na si Palaka ang nakita ko habang nakaupo sa harapan ng apoy. Bakit kanina madilim? Pero ngayon unti-unti nang nagliliwanag dahil sa apoy. Gabi na pala, huminga ako ng malalim at biglang napa kapit sa ulo ko dahil kumirot ito bigla.
“Kumain ka na” tiningnan ko ulit ang nagsalita pero hindi manlang tumitingin sa akin. Hmp! hambog! Saka hindi ako kanina tinulungan, at buhat doon ay bumalik ang diwa ko kanina at napahindik ako. Yung unggoy! oo! nasaan na kaya ‘yun?
Tsk! bakit ko poproblemahin ‘yun e wala na nga! Tumayo na ako at pumunta sa gawi ni Palaka. Parang may iniihaw ito base na rin sa nakikita ko. Ano ‘yan? ngumiwi ako ng mapagtanto ko kung ano ‘yun. Napasinghap ako.
Langaw!!!
“Anoooo? papakainin mo ako ng langaw? Yak! kadirdir! baka dumapo pa ‘yan kanina sa tae ng kalabaw o worst ng tao!” hindi talaga maipinta ang mukha ko dahil sa naisip.
Lumingon siya ng marahas “E di kung ayaw mo ‘wag kang kumain!” at ibinalik ang paningin sa apoy.
“Suplado!” bulong ko.
Tumayo na ako at naghanap ng makakain. Madilim pa naman, mangiyak-ngiyak na ako dahil sa gutom. At doon nakakita ako ng isang mesa ng fried chicken, spaghetti, salad, sinigang na hipon, piniritong isda at cake na 20inches. Naglaway ang Author.hehe. Pero syempre joke lang ‘yun, saan ka ba makakakita ng ganung pagkain sa gitna ng kagubatan? Badtrip! Kumukulo na ang sikmura kooooooooooooo!
Bigla nalang may tumakip sa bibig ko. Nagwawala ako sa sobrang takot. Pero binubuhat lang ako nito ng bigla nito akong bitawan dahil natumba ito. Hintakutan kong tiningnan ang natumbang tao/bagay/hayop at nakita ko ang isang baboy? Pero baboy nga ba? Eh bakit may kamay at paa? Pero mukha niya baboy. Tumingin ako sa harapan ko at nakita ko si Palaka. Mga pamilya ng taong-hayop. Pweee! Aalis na sana ako ngunit may humila sa paa ko at napasubsob ako sa lupa. Ouchhh! ang sakit nun. Hila pa rin ako sa paa ng kung sinong ‘yun at bigla nitong nabitwan ang paa ko. At naramdaman ko nalang na tahimik na. Nakadapa pa rin ako sa lupa at nakiramdam sa paligid.
Biglang may bagay na dumotdot sap wet ko. “Hoy, tumayo ka na diyan” tawag sa akin. Agad naman akong naupo at nakita ko ang nakangising mukha ng Palaka na ‘yun.
“Ang lambot pala ng pwet mo” at saka tumawa ng nakakaloko. Nainis ako bigla tumingin-tingin ako sa paligid ko at nakita ko ang isang sanga ng kahoy at agad kinuha at hinampas sa walang hiyang palaka na ‘yun.
Agad naman itong nakaiwas at tumakbo kaya habulan kami. Ako rin ang sumuko dahil mabilis itong tumakbo. Napagod yata ako kaya mas nagutom pa ako. Umupo na ako sa damuhan at naramdaman ko nalang na naupo na rin si Palaka sa tabi ko.
“Tara, kumain na tayo alam kong nagugutom ka na”.
Sisinghalan ko sana ito pero pagtingin ko ay nakita kong seryoso ito at parang nag-aalala ang mukha. Bigla nitong hinila ang kamay ko kaya magkahawak-kamay kaming naglalakad.
Nakarating kami sa harap ng apoy at nakita ko ang nakalagay doon. Hindi na langaw kundi parang karne. Kinuha ko agad ito at sinunggaban ng kain.Bahala na basta nagugutom na ako.
“Ano ‘to?”
Tumingin ako sa kanya habang ngumunguya na parang patay gutom,ng walang marinig na sagot at nakita ko siyang parang pinipigilan ang tawa. Umismid ako. “Ano na namang kalokohan ito Palakang pangit?”. lumunok muna ako.
Pero ang kaninang pigil na tawa ay naging totoong tawa na “Yan ‘yung baboy slash tao kanina”.
At buhat sa narinig ay bigla kong naibuga ang kinakain ko. Walangyang palaka! pinakain ako ng tao slash hayop! Baka maging aswang ako nito. huhuhu. Mapapatay kitang palaka ka pag ganun.
Sasakalin ko sana siya ng maging seryuso na naman ang mukha. “Joke lang ito naman, manok ‘yan na nadakip ko kanina sa lawa” saka naupo “Kumain ka na”. Pero tiningnan ko lang ito ng masakit. “Swear, it’s chicken, I’m not bluffing you..okay?”.
Dumugo ilong ko, naks naman englisero na pala ang mga palaka ngayon? hahaha
“Sort of!” narinig kong sabi niya. Natigilan ako, nababasa ba niya ang naiisip ko?
“Oo, tingnan mo oh” at tinuro ang itaas ng ulo ko. Napatingin naman ako at nakita kong may nakasulat doon.
“Walangya! bakit nababasa mo ang naiisip ko?” saka inerase ang mga letters sa itaas ng ulo ko gamit ang kamay ko.
“Syempre hayop kami, tao kayo kaya hindi tayo bagay” hahaha
Anodaw?? natigilan ako. At anong konek sa sinabi ko sa sinabi niya? Ang gulo namin. Letche!
Bago pa maubos ang pasensiya ko sa palakang ito ay nilantakan ko na ang manok daw! Hmmmp, sarap! kung manok ka nga talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/7935580-288-k561758.jpg)