Berde-1

108 0 0
                                    

A/N: Ang susunod na kwento ay hango sa green-minded este imahinasyon ng Author. Kwentong pambata pero pang matanda ang tema. Sana magbigay aral, ngiti at kilig sa inyong nagbabasa.

Naglalakad ako sa kasukalan ng kagubatan, nag nanature-tripping kasi ako at takenote : mag-isa. Ang sarap lang kasi tingnan ang mga nagbeberdehang halaman at mga puno nakawawala ng stress. Nature lover talaga ako at ang pagkuha ng mga larawan ang aking hobby. Naks!

Pag wala akong trabaho kahit saan nalang ako magpunta para kumuha ng mga larawan. Sunset, sunrise, sunburn!hehehe

Patingin-tingin ako sa aking paligid, naku! naliligaw na yata ako. Hindi ko na matandaan ang daan pabalik, maraming paliko-liko at masyado kasi akong nadala sa kagandahan ng paligid kaya hindi ko napapansin napapalayo na pala ako.

Nakarinig ako ng kaluskos sa bandang kaliwa ko. Dahan-dahan ang ginawa kong paghakbang para tingnan kung sino ang lapastangang taong iyon (lapastangan pa talaga e no?).

Nakita ko ang nakatalikod na tao, pero tao ba ‘yun? Para kasing berde ang kulay, o naadjust na ang mata ko sa green scenery dito sa forest na ito?

“Ahmmm.. excuse me, pwedeng magtanong?” sabi ko sa nakatalikod na tao/I-dont-know thing.

Humarap ito sa akin, owww! isa palang palaka-correction isang pangit na palaka.haha parang gusto kong bumunghalit ng tawa. Kokak! Pero katawang tao ito talagang mukha lang niya ang palaka. Napaismid ako.

“So tutunganga ka lang diyan?” pukaw ko sa natulala niyang diwa. Napakislot naman siya.

“Hindi ka natatakot sa akin?” tanong nito.

Nameywang ako “Hindi! at bakit ako matatakot sa’yo e araw-araw kitang nakikita kong saan man ako magpunta. Saka sa itsura mo ba naman na ‘yan? Ang panget. hahaha” at napakapit pa ako sa tiyan ko sa katatawa.

“Makapanlait ka naman akala mo maganda ka!” singhal nito sa akin.

Hah! hindi ako maganda? Pero bakit sabi ng nanay ko maganda ako? O talagang uto-uto lang ako? hehehe

“Hoy.. excuse me ginawa akong Muse sa aming baranggay team noon sa basketball no, kaya maganda ako sa aming lugar” nag project pa ako.hahaha “At ikaw” duro ko rito “Bumalik ka na sa pinanggalingan mo bago pa kita masaktan".

 “Isa akong prinsipe sa aking kaharian at naghahanap ako ng magiging prinsesa ko” at tumingin sa akin ng makahulugan.

“Hoy!! kung iniisip mo ako ang gagawin mong prinsesa nagkakamali ka!. Hindi dahil prinsipe ka e magkandarapa na ako sa’yo. May taste ako pagdating sa mga lalaki no! At hindi ikaw ang type ko!” talak ko dito.

Umismid ito “Parang mas palaka pa ang ugali mo keysa sa akin ah, tingnan mo naman maka kokak ka” saka tumawa.

Nainis ako bigla “Bahala ka na nga sa buhay mo kung ayaw mo akong tulungan, e ‘di wag!” at umalis na, baka mamaya gawin din ako nitong palaka, ayoko nga sayang ang beauty ko.

Pero bago pa ako nakalayo ay may biglang humatak sa braso ko at pakaladkad na hinila ako.

“Ahhhhhhhhhhhh..” at tiningnan ko kung sino iyon at nakita ko ang likod ng palakang pangit. “Bitawan mo akoooooooooooooooo!” sigaw ko.

Pero parang bingi yata ito dahil hindi manlang ito tumingin sa akin. Nakita ko nalang na pumasok kami sa isang puno. At pagdating naming sa loob.

“Woowww!” palatak ko.

Nakakita lang nang magandang bahay e nakalimutan na ang mga nangyari.hehe Para siyang bahay ni Hobbit, kasi mahilig ako sa magagandang bahay.

Bigla akong napatingin sa pangit na palaka.

“Anong gagawin mo sa akin?” kunwari natakot ako “Ikukulong mo ako ditto? Gagawin mo ba akong Sex slave? maawa ka!” effective ba ang drama ko? hehehe

“Tssseee! kung ikaw lang naman ‘wag na! maraming magagandang nilalang doon sa aming kaharian”.

Makasabi naman ito parang ke gwapo niya at umismid ako. “So bakit mo ako dinala dito? At teka hindi pa ito ang kaharian n’yo? At balak mo talaga akong dalhin doon?” napahindik ako.

Ngumisi lang ito, ngising palaka…

Kapangit!!! sigaw ng isip ko.

The Frog Prince and the Journey to Frog PalaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon