Ang sarap-sarap ng tulog ko nang makarinig ako ng parang matinis na ingay.
Iminulat ko ang mga mata ko at napakisap. Madilim ngunit may kaunting liwanag na nanggagaling sa labas dahil sa buwan.
Tiningnan ko ang natutulog na si Palaka sa baba ng kama ko. Inilibot ko ang pangingin ko sa paligid, maliit lang na bahay na iyon; dalawa lang ang kwarto base na rin sa nakita ko sa labas. Kami ang nandito sa kabila at nanduon sa kabila ang magandang babae na nagngangalang Wina. Umismid ako, hindi naman maganda sa malapitan e (bitter).
Akala ko nga doon pa matutulog kanina si Palaka dahil parang makatitig parang huhubaran na ang Wina na ‘yun.
Lalong naging matinis ang ingay. Naupo ako sa kama, at nilapitan si Palaka.
“Pals, may naririnig ka ba?” yugyog ko dito pero umungol lamang ito. “Palsss” mahinang tawag ko.
“Victoria, pahingahin mo naman ako, please?” saka tinakpan ng kumot ang buong katawan niya. Badtrip na hayop ‘to, lang pakinabang talaga!
Padabog akong tumayo at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Natatakot man pero lumabas pa rin ako.
Parang sa kwarto ng Wina na ‘yun nanggagaling ang ingay at nakikita kong may liwanag sa loob niyon.
Ingat na ingat ako sa paglalakad, sisilipin ko lang, nacurious kasi ako. May nakita akong butas sa dingding ng bahay sinilip ko iyon. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Bigla ang pagbilis ng tibok ng puso ko, nanlamig ang buo kong katawan.
Si Wina..
Si Wina..
Nakaitim na suot pero hindi naman si Wina ‘yun, ewan ko kasi nakatalikod habang nakaharap sa mga kandilang nandoon. Magulo ang buhok at magulo ang kwarto. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko ng bigla siyang tumingin sa gawi ko. At nagulat ako sa nakita, parang gusto kong tumakbo at magtago.
Nanginig bigla ang buo kong katawan. Tumawa sa akin ang.. si…
waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!
Isang Witch! Pero bago pa ako maka da moves ay nabuksan na niya ang pinto at agad akong hinila sa loob.
“Palsssssssss, heeellllllllllppppppppppppppppp!” hindi ko alam kung narinig ng Palakang ‘yun eh ang sarap pa naman ng tulog nun. Nagtitili ako pero agad binusalan ang bibig ko.
“Hihihih” tawa ng Witch. Yikes, walang kataste-taste tumawa. Umismid ako.
“Bago pa kayo makarating sa Palasyo ay papatayin muna kita. Kontrabida ka e. Ako sana ang magiging prinsesa ng mga Palaka, pero dahil dumating ka nabulilyaso ang plano ko” nanlilisik pa ang mga mata nito.
Kala mo naman kagandahan, pa'no ka magiging prinsesa eh pangit ka?
Kunsabagay, bagay nga kayo ng palakang iyon mga pangit!’ sarap isigaw dito.
Tumalikod ito at may kinuha. Napasinghap ako, isang espada. Humarap ulit ito sa akin at naglalaway ang bibig, yak. “Katapusan mo na, tao!” hihihi. At tinaas ang dalang espada sa akin.
Namilog ang mgta mata ko, pero bago pa niya ako nataga ay nawalan na ako ng malay.
Namulat ako dahil sa nasisilaw ako ng liwanag. Pero bakit parang idinuduyan ako? Nang mag-adjust na ang mata ko sa liwanag ay saka ko lang napagtantong nakasakay ako sa likod ni.. tiningnan ko ang mukha… aw.. pangit!
“Alam ko pangit ako pero ‘wag mo naman ipagsigawan sa akin araw-araw” naiinis na sabi nito.
Tumahimik na lang ako, ayoko nang makipag-argumento pagod ako. Teka, napahinto ako sa iniisip ng maalala ko ang nangyari kagabi. Ano nga ba ang nangyari? Langyang Author bakit kasi pag may away hinihimatay ako, hindi ko tuloy makita ang mga away. Mahilig pa naman ako sa mga pakikipagbakbakan.
Naubos na siguro ang powers niya sa story niyang Angel-in-Disguise, na sumasakit na ang ulo niya kung paano niya tatapusin ang walang ka sense-sense niyang kwento. Hahaha Anyway, kung ano mang nangyari kagabi mananatiling lihim nalang ‘yun kay Palaka, ang importante ligtas ako. Yun na 'yun at wala na akong pakialam doon.
Natanaw namin ang isang Palasyo, agad akong bumaba.
“Wow, is that your Palace?”
“Hindi, banyo namin 'yan” pamilosopo niyang sagot. Inismiran ko ito.
“Pero yung totoo Pals bakit ako ang napili mong maging Prinsesa?” seryusong usapan na ‘to.
Nakita kong nagseryuso na rin siya “ayon sa banal na kasulatan” me ganun? Tiningnan ako ng masama “Dapat ang maging Prinsesa ay isang tao. Isang tao na makikita ko sa kagubatan ng Maguinda.
Dahil ako ang tagapagmana ng korona ay sa akin iniatang ang responsibilidad na hanapin siya” tumingin sa akin ng matiim. “At kung hindi ko siya madadala sa takdang panahon which is 5 days from now ay mawawala ang kaharian namin” parang narinig ko ang lungkot sa tinig nito. Drama!
“Oo na, andito na nga ako diba? Pero pagkatapos nito makakabalik na ako, diba?” panic ko.
Tumingin ito sa akin nang seryuso “Hindi! Magiging palaka ka rin” at tumawa nang malakas. Ay paksyet!
Namilog ang mga mata ko, hinampas ko siya, pero agad nang tumakbo.
“Hoy bumalik ka dito, ayokong maging palaka.huhuhu” iyak ko. Pero hindi na ito bumalik kaya sumunod na ako sa kanya. Ah! bahala na.