IV - What Really Happened?

105 58 7
                                    

What Really Happened?

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pagak na humiga sa kama ko at pumikit.

Ang tanga tanga mo kasi eh. May paarte arte ka pang nalalaman na ayaw mo sa kanya eh gusto mo naman! Ayan tuloy nawala lalo ang happily ever after natin! Sigaw ng puso ko sakin.

At ako pa ang naging tanga ha? Kasalanan ko bang ginusto ko munang magpalambing o malaman ang dahilan bat nya nagawa yon? Diba hindi naman! Nakakainis lang talaga sya!

"Aaaaah! Nakakainis ka Jaron Aristotle Gregorio! Umalis ka sa sistema ko punyatero ka! Aaahh!"

Ngunit nahinto ako sa pagsigaw ng biglang may kumaluskos sa may pintuan ng bahay ko. Bungalow style lang kasi ito at may isang malaking kwarto para saakin at maliit na kwarto para sa guest. Biglang umakyat ang kaba sa sistema ko ng hindi huminto ang pagkaluskos. Jusko ano ang nangyayari. Lord magpapakabait na ko, kung nakabulabog man ho ako ng kapitbahay sa kaingayan ko quiet na po ako.

Dahan dahan kong kinuha ang baseball bat ko sa gilid ng kama ko at lumabas ng kwarto. Hindi ko malaman kung dapat ko bang buksan ang ilaw, pero nagpasyang huwag nalang din. Hahakbang palang sana ako ng biglang bumukas ang pinto dahilan ng pagsigaw ko at basta bastang paghampas ng hawak ko sa kung saan saang direksyon.

"Ouch! Cassandra! Ano ba! Nakakasakit ka na h- Hey! Stop it! Damn it! Panay bukol na ko neto kakahampas mo!" I know that voice. Kaboses ni Jaron ang nagsasalita. At nakumpirma ko ngang siya iyon ng buksan nita ang ilaw, naawa naman ako ng makitang may pasa pasa na ito.

Nakangiwing tiningnan ko siya sa mukha at may black eye sya. Hindi ko naman alam na sya yon eh! Bat kailangan pa kasing manakot! At teka bat nya alam ang bahay ko!

"Bat ba kasi andito ka at nananakot ka pa! Tsaka bat mo alam ang bahay ko? Stalker ka ba?" Mataray kong asik dito. Nginisian lang ako ng damuho at umiling iling.

"Sa gwapo kong ito? Stalker? Sa pagkakaalam ko, ang paniniwala mo magmula noon ay, kapag panget yon ang stalker, pero kapag gwapo yon ay admirer." Inirapan ko nalang ito at nagcrossarm. Kung akala nya madadaan nya ko sa pangisi ngisi aba'y hindi uubra yan lalo na't tinakot nya ako!

Kakamot kamot naman ito sa batok ng sumagot. "Oo na, kinulit ko kasi yong empleyado mong bubwit. Tsk. Nakailang sabunot na nga iyon sakin at bigwas bago ibinigay ng tuluyan ang address mo tapos pagdating ko dito nagsisisigaw ka at narinig ko ang pangalan ko kaya akala ko kung naano ka na jan sa loob. At isa pa, bugbog sarado na nga ako sa bubwit na iyon, dumagdag ka pa. Grabe ka Cass. Nawala lang ako ng ilang taon sa paningin mo naging sadista ka na." Dahil sa inis sa sinabi nya ay hinampas ko nanaman ang tuhod nya. I mean, who is he to tell me that?! Siya ang may kasalanan bat nawala sya sa paningin ko ng ilang taon! Punyaterong damuho ito!

"What do you need ba kasi?" Naiiritang tanong ko dito. Kanina pa kasi ako palakad lakad sa kusina upang magluto ng makakain. At ang isang ito ay parang buntot ko kung sumunod. Nakakairita kaya!

"You. I need you. Or I'd rather say, im here to claim what's mine." Ang kapal ng apog niyang sabihin yan samantalang wala ng kami noon pa man ng gawin nya ang kagaguhan nyang yon! Bwiset sya! Ano ako laruan?! Barbie?! Na pagsawa na syang laruin itatapon at paggusto ulit ay bastang pupulutin?! "Hindi ako barbie doll, na pwede mong itapon anytime you want at pwedeng balikan kapag wala ka ng ibang mapaglaruan. Kumain ka na dito at ng makalayas ka na sa pamamahay ko."

Ngunit hindi ito natinag sa kinauupuan. Imbes na tumayo at sundin ang sinabi ko ay prenteng dumikwatro pa ito at binuksan ang telebisyon. Susmiyo naman! Ano bang kagaguhan ang pumasok sa utak ng asungot na ito at pinepeste ako! Pano naman ako?! Pano ang oplan move on na? Magiging team nganga nanaman? Tsk.

"You still haven't changed. Kunot na kunot pa rin ang noo mo at parang nakakamatay ang tingin mo tuwing nagagalit o naaaburido ka."

"Huwag mo akong daanin sa ganyan Jaron Aristotle. Gawin mo nalang ang sinabi ko ng makapagpahinga na din ako."

Iiling iling man na sumunod ito sa akin at ginawa ang inuutos ko. Kung pwede lang hambalusin ulit ng baseball bat ang lalaking to ginawa ko na. Kaso kahit naman ata gano kasakit ang ginawa nya sakin noon ay mahal ko pa rin sya.

"Tapusin mo na yang pagkain mo tapos sumunod ka sakin sa kwarto ko." Tumango naman ito at binilisan ang pagkain. Nauna na akong umakyat ng kwarto ko at inilabas ang first aid kit. Lalabas na sana ako para lagyan ng yelo ang ice pack ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Umupo ka muna jan at lalagyan ko lang ng yelo tong ice pack. Wag kang aalis jan kundi sapak ka talaga sakin."

Pabalik na ko sa kwarto ng narinig ko syang nagsalita. "Ang sadista na ng mga tao ngayon. Tsk." Kaya naman pag

MULING IBALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon