VII - I'll Show You

78 48 3
                                    

I'll Show You

Buong maghapon akong iyak ng iyak. Pakiramdam ko tuloy lahat ng nasa paligid ko ay isang malaking kasinungalingan. Now im starting to doubt what he said. Ni hindi ko alam kung dapat ko pa nga ba itong paniwalaan, o kung totoo nga ba ang sinabi nyang iyon.

Pasado tanghali na din at pakiramdam ko ay busog na busog pa rin ako samantalang ni hindi ko nga nakalahati ang latte ko kanina. Pagak akong tumawa. Ano iyon? Meet and greet ng mga kaibigan nya at ng babae nya? Grabe ha. Inggit naman ako sa babaeng iyon at nagawa pang ipakilala sa mga kaibigan niya.

Tatanga tanga naman kasi ako eh, kung hindi ko sana sya nasaktan dahil sa pakiramdam ko ay mali pa o masyado kaming nagmamadali, edi sana ako ang nasa posisyon ng impaktang iyon at hindi siya.

Maya maya pa ay naisipan kong tumayo na at ayusin ang sarili ko, hindi ka pwedeng magmukhang kawawa nanaman Cass. This time, ipakita mo sa lalaking iyon kung anong sinayang nya. Hindi mo naman sinabing laro ang gusto mo Gregorio. Tutal sinimulan mo na, pwes makikipaglaro din ako sayo.

Dali daling nagpunta ako sa banyo at naligo. Ng matapos ay bumalik ako sa kwarto ko at agad naghalungkat ng maaaring isuot para sa pupuntahan ko mamaya. Hindi ako kuntento sa mga nandito sa cabinet ko, kaya sige pa ang halungkat ko, ng makita ko ang isang tube body con red mid-thigh length dress sa pinakadulo ng drawer ko.

A wide smile crept to my face ng makita ko ito, agad naman akong naghanap ng high heels na iteterno ko rito. Ng makita ko ang black pumps ko ay inilagay ko sa kama ang damit ko at sa ibaba naman ang pumps ko.

Pinapatuyo ko pa sa tapat ng fan ang buhok ko habang nagmemake-up ako. Simpleng winged eyeliner at contouring lang ang ginawa ko sa mukha ko. Naglagay din ako ng kaunting cheek tint na mas nagpa-mestiza sa akin. Naglagay din ako ng red lipstick at iniayos ang pouch ko. Nilagay ko doon ang phone ko, susi ng kotse ko, ang powder compact at lipstick ko pang retouch.

Ng makitang tuyo na ang buhok ko ay kinuha ko ang curler ko, I curled my hair the way I wanted. At ng matapos ay nagulat ako sa itsura ko. Ngayon ko lang nakita ang sarili ko na ganito. I never thought na babagay din pala sa akin ang ganitong ayos. Pagtingin ko ng orasan sa kwarto ko ay pasado alas sieyete na din pala. Halos dalawang oras na pala akong nag-aayos. Agad kong sinuot ang damit ko at ang pumps ko. Ng masatisfied sa itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at agad pumunta sa kotse ko.

Kahit ngayong gabi lang Jaron. Sarili ko naman muna, bago ikaw.

Yan ang paulit ulit na mantra ko sa utak ko habang nagmamaneho ako papunta sa Quezon City. Oo, magbabar ako. Walang masama doon diba? Tulad nga ng mantra ko, sarili ko naman muna kahit ngayong gabi lang. Nagawa nga nyang magbar ng hindi ko alam diba? Sa palagay ko naman eh patas iyon sa aming dalawa kung magbabar din ako.

"Sandy? Anong ginagawa mo dito? At bat ganiyan ang ayos mo?" Agad akong napalingon sa pinanggagalingan ng boses na yon. Walang iba kundi si Aria, may kasama itong dalawang lalaki. At ang isa dito ay si Lucas.

"Oo nga Cass, anong ginagawa mo dito? I never knew na marunong ka palang mag bar." Saad ni Lucas habang nakatingin sa kanya.

"Sumama ka nalang samin Sandy. Why don't we come in first bago tayo magchikahan diba mga tol?"

Tol? Ano ba to? Tiboom ba si Aria? Hila hila ako nito hanggang makarating kami sa isang table.

"So ano ngang dahilan bat nandito ka?" Matalim na tingin sa akin ni Lucas. What? Ni hindi ko nga sya boyfriend eh, kung makapagtanong sya akala mo naman kung sino.

"Sandy, eto nga pala si Lucas, eto naman si Liam. Mga kababata ko yang dalawang yan, nagkahiwa-hiwalay nga lang kami nung nag-aral na sila sa ibang lugar."

"Actually tol, kilala ko na si Cassandra."

"Wag mong sabihing si Sandy yong kinukwento mo noon samin na babae?" Naguguluhan man sa usapan nila ay nakinig pa din ako. Tumango tango naman si Lucas sa tanong ni Aria at ito naman ay napasapo sa ulo niya.

"Di mo pa sinasagot ang tanong ko Cass." Tumikhim ako bago sumagot.

"Im here to unwind, isa pa para naman maging patas kami ng Gregorio na iyon."

"Cass baka naman nagpapa-"

"Ano Lucas? Akala ko ba ayaw na ayaw mo kay Jaron? Hindi nga ba't ikaw ang dahilan bat kami nagkahiwalay noon?  So bat parang lumalabas ngayon na wala syang maling ginawa kagabi?"

"Hindi naman sa-"

"You know what? Forget it. Just give me a drink and shut the fuck up."

Dahil sa sinabi ko ay umorder na sila ng iinomin namin.

Sige lang ako sa pagtungga ng alak na nilalapag nila sa harapan ko. Hindi ko mabilang kung nakakailang baso na ba ako, pero ramdam ko na tinatamaan na ako. May kung ano sa gitnang parte ng bar na ito na naghihila sa akin, para bang sinasabing sumayaw ako doon.

Agad akong tumayo para pumunta don at nakipagsayaw sa kung sino sino ang nandon. Ganito pala ang pakiramdam dito. Nawawala ang problema na para bang wala kang nararamdamang sakit.

"What the fuck are you doing here?" Nilingon ko ang nagsalita at pagak na tumawa.

"Oh! Your here! Wait lang ha? I'll just go and introduce you to my boyfriend." Nagtagis ang bagang nito sa sinabi ko. Asshole. You wanna play a game? Pwes di kita uurungan. Agad kaming lumapit sa table namin kanina nila Aira. At umupo sa tabi ni Lucas.

"Luc, meet my friend here, Jaron, Jaron meet my boyfriend, Lucas." I smiled sweetly at kulang nalang ay mapahiyaw ako sa tuwa ng makita kong galit na galit ang mukha ni Jaron. Dali dali akong hinila ni Jaron palabas ng bar at sinakay sa sasakyan niya.

MULING IBALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon