V - Confusion

84 55 7
                                    

Confusion

Papunta na ko ng botique ko, pakiramdam ko ay kulang pa ko sa tulog dahil sa kakulitan ni Jaron. Hindi ko din naman kasi malaman kung ano na ba kami. I mean, oo nalinaw na nya sakin lahat ng nangyari noon pero bakit pakiramdam ko masyadong nagiging mabilis ang takbo ng pangyayari? Kakakita lang namin sa isa't isa noong nakakaraang araw at eto na kami ngayon, halos balik na ulit sa dati at higit sa lahat, nagmukha pa kaming live in partner dahil nga sa halos tatlong araw na pagtuloy nito sa pamamahay ko. I know I should be happy but a part of me is hindering me. Isa pa sa nilinaw niya ay ang wedding event na ito.

Tumikhim ako at saka nagcrossarms sa tapat niya na agad namang ikinalukot ng gwapong mukha nito.

"So sinong ikakasal? Ikaw? Kung ikaw nga ang ikakasal edi walang kwenta din yang pagpapaliwanag mong punyeta ka!"

"Cuddlepop naman le-"

"Nako Jaron Aristotle Gregorio! Wag mo akong macuddlepop cuddlepop kung ayaw mong mawalan ng pinagmamalaki ha!"

"Cassandra Elaine Delgado-Gregorio! Tumahimik ka nga! Let me explain first okay?" Base sa itsura nito ay halatang naiirita na din ito. Tsk. Oo na! Nagseselos kasi ako! Pacuddlepop cuddlepop pa syang nalalaman, sapakin ko yan eh!

"Si mom and dad ang ikakasal, in less than 3 months, silver anniversary na nila. Dad wants to surprise mom, but unfortunately dad can't go out, maghihinala kasi si mom since dad isn't working for the company anymore dahil ako na ang nagtake over. Madalas din kasing paglalabas si dad eh kasama si mom, so para hindi maghinala si mom, ako ang pinag-aasikaso ni dad about the wedding details." Mahabang litanya nito na ikinagulat ko.

Shit. Akala ko talaga sya ang ikakasal! Shit nakakahiya!

Hindi ko namalayang nakahinto na ako sa tapat ng botique ko kung hindi lang kumatok si mang Karding sa bintana ng sasakyan ko.

Dali dali akong bumaba ng sabihin ni mang Karding na nanjan na daw ang ibang kliyente bukod kay Jaron. Stressful day ahead nanaman to panigurado. Lalo na't may ibang napakaarteng kliyente. I mean, sige andon na tayo sa point na 'the customer is always right.' Kaso haler, wag naman abusado diba? At kung makapantakot pa sila minsan akala mo naman sa kanila mo lang makukuha ang ganong halaga ng pera. Tsk.

Patapos na ang araw ko ngayon sa trabaho, im fixing my things para maya maya ay makauwi na din ako. Or maybe dadaan muna ako sa spa.

"Cuddlepop ko! Bat hindi mo pinapansin ang texts at calls ko?" Parang batang naghihimutok ang isang ito. Eh pano ba naman ngang hindi, halos lahat ng texts nya at tawag ay hindi ko talaga pinansin. Naguguluhan pa rin kasi ako. Pakiramdam ko masyado talaga kaming nagiging mabilis.

"May problema ba tayo cuddlepop? Parang kahapon lang kinukulit pa kita ah. Tapos ngayon hindi mo pinapansin ang tawag at texts ko." Mahihimigan sa boses nito ang pagtatampo.

"Aren't we taking it too fast Jaron?" Dahil sa tanong ko ay kumunot ang noo nya.

"Ano nanaman to Cassandra? Diba nag-usap na tayo tungkol dito? I told you, bumabawi ako sa mga araw na nawala sating dalawa dahil sakin. We aren't taking it too fast cuddlepop. Ano pa bang kailangan kong gawin para maniwala ka?" He hopelessly said habang hawak ang kamay ko.

"I don't know Jaron, pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko may hindi tama." Pagak syang tumawa at binitawan ang kamay ko.

"Mag-usap nalang tayo kung kaya mo na kong paniwalaan. Don't worry, I wont do anything that you dont want. Take good care of yourself while im away." Pagkasabi noon ay agad syang umalis ng botique ko.

Totoo naman kasi eh. I dont even know what to think. Alam ko sa sarili kong mahal ko pa sya pero bakit ganon? Pakiramdam ko talaga ay may mali. Na para bang masyado naming minamadali ang lahat. Ugh. Magpupunta na nga lang ako sa spa. Panigurado naman akong hindi nya tototohanin ang sinasabi nyang lalayo muna sya. Knowing Jaron, he said he'll fix everything, so yon ang panghahawakan ko.

Pagbayad sa cashier para sa full body massage ko ay agad akong nagpunta sa favorite fast food chain ko at umorder ng burger, fries, spaghetti at sprite at sinabing for take out ito.

Pagdating sa bahay ay agad akong kumain, though, while eating my thoughts flew about Jaron. May tiwala naman ako na hindi nya gagawin ang sinabi nya, but a part of me is saying na hindi porket sinabi ni Jaron na babawi sya ay di na nya kayang totohanin ang sinabi nyang lalayo lalo na't nahurt sya sa sinabi ko.

Ginulo gulo ko ang buhok ko sa sobrang stress. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Nakakainis. Malay ko ba naman kasi kung bakit ganito nararamdaman ko diba!

To: Jaron ko
Jaron, di ka nagtetext. Are you at home already? It's past 8PM.

Ilang minuto akong naghintay para sa reply nya. I know he'll reply. May dinaanan lang siguro sya. Patience Cass, patience is a virtue nga daw diba?

To: Jaron ko
Jaron magreply ka naman. Where are you? Kinakabahan ako sayo. Talk to me please?

To: Jaron ko
I know I hurt your feelings Jaron babe, pero wag namang ganito. You're scaring the shit out of me.

To: Jaron ko
Babeeee. Where art thou?

To: Jaron ko
I look like a stupid shit here babe. I've been waiting for your reply. It's been 30 mins since I first texted you.

Panay kaba na ang dibdib ko ng dahil sa hindi pagrereply ni Jaron. Ano ba kasing nangyari? Bat di sya nagrereply? Tawagan ko nalan kaya sya?

Calling Jaron ko...

"The number you have dialed is not yet in service."

Calling Jaron ko...

"The number you have dialed is not yet in service."

Not yet in service? Bakit? Nakapatay ba ang phone nya? Bat nya inoff ang phone nya? Naiinis ba sya sakin? Sobra ko siguro syang nasaktan sa sinabi ko.

Ang tanga tanga mo naman kasi Cass eh!

Inumpog umpog ko ang ulo ko sa pader at naiiyak na. Naman kasi eh! Ano bang kalokohan to?!

"Kapag lang talaga ikaw Gregorio ay nambababae! Nako! Mawawala ang pinagmamalaki mong letsugas ka!" Sabi ko at inis kong binato ang mgga throwpillow.

MULING IBALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon