XXI - Surprise

10 4 0
                                    

Surprise

[Cassandra Elaine Delgado]
Nagising ako na ang sakit sakit ng katawan ko, specially down 'there'. Napatingin ako sa tabi ko at nakita si Jaron na ang himbing pa ng tulog. Kaya naman kahit hirap ay pilit akong tumayo para magbihis, pero naalala kong pinunit nito ang panty ko.

"This is absurd. Alangan namang mag-ala pH care model ako dito dahil wala akong panty." Nakasapo sa noong sabi ko.

Nakaramdam ako ng lamig dahil halos alas siete pa lamang ng umaga, kaya naman ang boxer at damit ni Jaron nalang ang isinuot ko. Hindi naman siguro sya magagalit eh.

"Cuddlepop..." Nakapikit na sabi ni Jaron habang kinakapa ang tabi nya sa kama. Napabangon ito ng mapansin sigurong wala ako doon. "Andito ko cuddlepop, sorry. Nagbihis na kasi ako, ginamit ko muna ang damit mo." Nahihiyang sabi ko dito kaya naman nag-iwas ako ng tingin. Pakshet ang talandi mo Cassandra.

"Ayos lang cuddlepop, bagay nga sayo eh." Letsugas, Jaron wag ganyan! Baka anong magawa ko sayo sige ka.

Nakita ko itong tumayo ng walang pasintabi kaya naman agad akong yumuko. Hindi ko alam, naiilang pa din ako. Narinig ko ang pagtawa nito at saka nakarinig ng pagtunog ng sinturon, nagpapantalon siguro ito.

"Gusto mo bang dumaan nalang sa drive thru? Or magluluto nalang ako pagdating sa bahay?" Nilingon ko sya at saka napaisip. "Drive thru nalang tayo para hindi ka na mapapagod sa pagluluto." Nakangiting sabi ko dito.

Nang makarating sa bahay ay agad kaming kumain ni Jaron, habang nakain ay grabe itong tumingin sa akin kaya naman mejo nailang ako. "Baka naman matunaw na ako.."

"I just can't help it cuddlepop, mas gumanda ka lalo ngayon. Sabi ni mom sakin, kapag blooming daw after mag-make love may baby ng nabuo." Ngiting ngiting sabi nito, kaya naman nabato ko ito ng fries.

"Hindi mo pa nga ako pinapakasalan, bubuntisin mo agad ako!" Nakabusangot na sabi ko dito. Ito naman ay tawa ng tawa.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam ako kay Jaron na maliligo, sabi din kasi nya ay kailangan naming pumunta sa kanila dahil sabi daw ni tita iyon.

"Cuddlepop? Okay na ba yong dadalhin natin sa inyo?" Tanong ko kay Jaron na kakabihis lang. "Yeah, okay na ba? Pupunta na tayo?" Tumango tango ako sa kanya at saka sabay na sumakay sa kotse nya.

- - -
"Hija! Finally you're here!" Bati ni tita ng makapasok kami ni Jaron sa bahay nila. "Ma, bakit ba pinapunta nyo kami dito?" Nakakunot noong tanong ni Jaron kay tita kaya naman kinurot ko ito sa tagiliran niya at bumulong, "Umayos ka cuddlepop o sa sofa ka matutulog mamaya." Napakamot nalang sa ulo si Jaron dahil sa sinabi ko.

Nasa bewang ko ang kamay ni Jaron habang papasok kami sa loob. Nagulat nalang kami ng pag dating sa may sala ay biglang may tumili.

"Jaron! Oh my gosh! It's you nga! I miss you tart!" Agad na napabitaw si Jaron sakin dahil sa pagyakap ng babae sa kanya.

Nang matauhan si Jaron ay agad nitong tinanggal ang pagkayakap ng babae sa kanya at hinawakan ang kamay ko. "Maggy, anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako ng marinig ang pangalang iyon.

Maggy...
Maggy...
Maggy...

Siya ba yong dahilan ng unang paghihiwalay namin ni Jaron? Kilala sya nila tita? At close sila?

"Cass, hija. Meet Margareth Sanchez. Jaron's childhood sweetheart." Tatawa tawang sabi ni tita na tila ba hindi napapansin ang tensyon sa pagitan naming tatlo.

MULING IBALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon