XXIII - Ruined

3 1 0
                                    

Lunes ngayon at nandito lamang kami sa bahay ko. Ayaw kasi ni Jaron doon sa kanila dahil hindi daw niya ako masolo. Kaya naman ito, ang bruho halos maya't maya ay nagpaparamdam.

Ganito pala ang pakiramdam na parehas nyo ng gustong magka-anak? Yong feeling na excited kayong parehas na makabuo dahil gusto nyo ng maging parents.

Actually, napapa-isip ako minsan na sino kaya ang magiging kamukha ng unang magiging anak namin ni Jaron? Alam nyo yon, yong tipikal na scenario ng isang babaeng excited mabuntis. Pero may times din na, kinakabahan ako, kasi pano nalang pala kung hindi ako ganon kagaling mag-alaga? Or kung nabuntis na ko at tumaba, iwan ako ni Jaron.

"Ano kayang ipapangalan natin sa unang magiging baby natin cuddlepop?" Sabi ni Jaron habang hinihimas himas ang tiyan ko na para bang may laman na ito.

"Gusto ko pag babae, Cassidy. Kapag lalaki naman, hmm. Zeus, Zeus ang pangalan pag lalaki." Nakangiting sabi nito habang nakatingin sa akin.

"Bakit naman Cassidy at Zeus?"

"Kasi si Zeus diba siya ang pinakapowerful sa greek myth, Cassidy naman kasi wala lang, feeling ko babaeng babae ang magiging anak natin pag ganon."

"Wow, so tingin mo may posibilidad na maging tiboom ang magiging anak natin pag ganon?" Mataray na asik ko dito. Nakakainis kasi! Bat yun pa yong term na ginamit diba!

"Cuddlepop, hindi naman sa ganon. Ikaw naman masyado kang mainitin ang ulo. Hindi kaya may nabuo na talaga tayo?" Namula ako sa sinabi nito at napaisip. Agad agad ba talaga ay lalabas ang signs kung buntis ka? Diba hindi naman? "Echosero! Wag mo nga akong ginu-good time. Hindi agad agad nakikita ang signs ng buntis no."

"Ah hindi ba. Eh kasi naman ang sungit sungit mo eh. Diba ganon sa palabas? Pag buntis na yong asawa nila sobrang sungit at palaging nagagalit sa asawa nila." Nahampas ko ito ng unan at tumayo na ako para mag-cr.

Kanina pa ko tawag ng tawag kay Jaron dahil ipinapaabot ko ang towel. Kakamadaling makapasok kanina sa cr ay hindi ko na nadala ang towel ko. Pero ni isang sagot mula sa kanya ay wala akong napala kaya naman kahit basa pa ang buong katawan ay lumabas na ko sa cr papunta sa kwarto. Para lang ang walang kalaman lamang kwarto.

Something urgent came up, will make it up to you later cuddlepop, take care of yourself and our babies. I love you xx

Agad naman akong pinamulhan ng mukha pagkabasa non. Tsk. Ni hindi manlang nagpaalam ng ayos. Pero ayos lang. Sabi naman niya ay babawi siya mamaya.

Nagising ako sa mga katok sa labas ng bahay kaya naman napilitan akong tumayo at tingnan kung sino ang tao doon.

"Hija! My gosh why are you still in your dreamland? Patricia ayusan mo na ang manugang ko." Nagulat ako ng basta nalang akong hinila ng isang baklang kasama ni tita at pinaupo sa may hapag, inayos nito sa mesa ang mga make-up kit niya at saka ako inayusan.

Ibubuka ko pa lamang sana ang bibig ko para magtanong kung ano bang meron ng tingnan ako ng masama ni 'Patricio' or should I say 'Patricia' na para bang sinasabing wag na wag akong magsasalita or else I might ruin 'her' art work.

Tiningnan ko naman si tita na tila ba nanghihingi ng sagot pero nagpaalam lang ito na may kukunin sa sasakyan.

Mag kakalahating oras na ako ditong nakaupo at pakiramdam ko ay manhid na ang puwet ko dahil sa kakaupo. Iniistyle-lan pa kasi ni Patricia ang buhok ko, saka daw ako nito me-make-upan kapag ayos na ang buhok ko.

MULING IBALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon