XXV - War of Hormones

0 0 0
                                    

Nagtataka ako dahil tatlong buwan na ang makalipas at hindi pa din ako dinadatnan. Mas lalo ding lumala ang pagkahilo at pagsusuka ko. Kaya papunta ako ngayon sa kakilala kong OB-Gyne para sa check up. Alam ko sa sarili kong buntis na nga ako, pero para sa akin mas mabuti ng makasiguro na totoo ngang buntis ako.

"Ms. Delgado, pasok na po kayo." Sabi ng assistant ni Charm. Nakasuot lang ako ng isang maluwag na t-shirt at leggings. "Finally, you showed up Sandy. Come on, excited na kong malaman kung magiging tita na ba ako!"

Charm and I met when I was in an art convention two months ago, nagkataon na nandoon din siya at parehas kaming nakatingin sa iisang painting.

It was actually an abstract painting. A simple one to be exact, that if you, yourself, knew that you can't dig deep to understand it, ay hindi mo nga ito maiintindihan.

"Ang lungkot.." Napatingin ako sa nagsalita. Isang babaeng may katangkaran at balingkinitang katawan. "Oo, malungkot ang painting. Para ngang hindi lang malungkot kung hindi, naghihinagpis pa." Dahil dito ay, siya naman ang napalingon sa akin.

Bigla kaming nagkangitian na tila ba nagkakaintindihan kami. "My name is Charmeign Cardova, OB-Gyne ako but I love art. Ikaw?"

"Im Cassandra Delgado, a flower shop owner and an art enthusiast. Parehas tayo ng tingin sa painting na ito, kung hindi ako nagkakamali?" Nakangiting tanong ko dito at saka ito tumango.

"Sa tingin ko ay puno ng grieve ang painter nito. I wonder, to whom is he painting this? For a girl? For a family member?" Tanong nito sa akin, "Sa tingin ko ay para sa babaeng mahal niya, base kasi sa nakikita ko sa painting, ang kulay puting pinta ay ang masasayang alaala nila, habang ang itim naman ay ang araw na nagsimula ang sakit na nararamdaman niya."

"For me, tingin ko is that, the blue ones are the things that he wants to have or achieve with the girl, kumbaga peace and serenity. While the red ones are the things that he wants to express vulgarly, yong mga hinanakit niya." Sabay kaming natawa dahil sa mga pinagsasasabi namin sa isa't isa.

"Why don't we have a coffee?" Nakangiting tanong nito sa akin, tumango ako bilang sagot at saka sumunod sa kaniya.

When we arrived at the coffee shop, there was already a reserved seat for us. "So anong sayo? Wait," agad na may lumapit sa amin at yumuko pagbati sa amin. "Hi Den, same order pa din. Mocha Frappe and cinnamon roll." Napatingin naman sa akin ang lalaking crew na si Den, "Uhm, mine's Choco Frappe and oreo cheesecake."

"Mind if I ask something? May napansin kasi ako sayo." Tumango ako dito, "Buntis ka ba?" Nagulat ako sa tanong nito.

"Hindi ko alam, pero madalas kasi antukin at moody ako."

Malalaman ni Cass ang dahilan ng pagsusuka at pagkahilo nya

MULING IBALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon