Chapter 2

19 4 7
                                    

Campaign

Ailee's Viewpoint

From:Mommy

Baby,dito ka ba magdi-dinner mamaya?:)

Binasa ko ang text ni mommy.Tumawa ako.Si mommy talaga kahit kailan.Baby daw?

To:Mommy

I don't know if I can make it tonight but I'll try.Atsaka,mommy naman!Di na po ako bata.:)

Kaagad din naman siyang nagreply.

From:Mommy

Ito naman.O siya sige.We'll be expecting you tonight.Kaka-close lang ng daddy mo sa business deal na sinasabi niya kaya gusto niyang magcelebrate tayo.

Natuwa naman ako.Dad has been eyeing that deal since last,last week.I'm happy na nakuha niya na iyon.

To:Mommy

Congratulate him for me!Well,babawi na lang ako next time kung sakaling hindi ako makarating mamaya.

Ibinaba ko na ang cellphone ko dahil natatanaw ko na mula rito si Ms.Aya.Mukhang aalis sila.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko at sinundan sila.Saan kaya ang punta nila?Marami siyang kasamang body guard ngayon ah.Dahil siguro kasama niya si senator ngayon.

Medyo matagal ang byahe.Almost one hour siguro ang itinagal.I realized na nasa kabilang lungsod na kami at maraming tao sa labas ng gymnasium.Nakasuot sila ng mga t-shirt na may pangalan at mukha ng mga kandidato.

Ngayon,naiintindihan ko na.May kampanya sa lugar na ito si senator ngayong araw.Ayos.

Binuksan ko ang bag sa likod at kumuha ng isang pistol.Ito lang ang dadalhin ko para madaling mailusot.Matindi pa naman ang security ngayon kaya't hindi ako pwedeng magdala ng matataas na kalibre ng baril.

Bumukas ang pintuan ng sasakyan nila at naunang lumabas si senator.Sumunod na rin si Ms.Aya at naghiyawan ang mga tao.Todo ngiti siya ngayon at kinakamayan ang mga taong lumalapit sa kanya.May mga nagpapa-picture pa at nagpapayakap sa kanya.

I sighed.Bumaba ako ng sasakyan at inikot ang gymnasium para maghanap ng pwedeng entrance.Hindi masyadong mataas ang bakod sa likod kaya't iyon ang inakyat ko.Hindi ako pwedeng dumaan sa main entrance dahil siguradong kukumpiskahin ang baril na dala ko.

Mabuti na lang at walang nakapansin sa akin dito.Lahat kasi ng tao,nakatingin na ngayon sa entrance.Papasok na kasi si senator,si Ms.Aya at ang iba pang kandidato na kapartido nila.

I decided na lumapit sa kinaroroonan ni Ms.Aya para mas mabantayan ko siya.Mahirap na.Mr.Sullivan might kill me kapag may nangyaring masama dito.

Umakyat sila sa stage at naupo sa kanilang designated seats.Nagpunta naman ang emcee sa gitna para patahimikin ang mga tao at para masimulan na rin ang program.

The candidates were introduced,one by one.Kanya-kanya din sila ng pagbabahagi ng kanilang mga plataporma.

"Kung ako po ang bobotohin ninyo ay sisiguraduhin kong wala ng mahirap"
"Kung ako naman po ay bibigyang diin natin ang edukasyon ng inyong mga anak"
"Magpapasa po ako ng mga bill na magpapababa sa binabayarang buwis"
"Magbibigay pa po tayo ng maraming trabaho lalong-lalo na sa mahihirap"

Iba't-ibang pangako ang narinig ko.Pagkaraan pa ng ilang oras ay konti na lang ng kabilang sa partido ang hindi pa nakakapagsalita.They decided to take a break for a while para na rin makakain na ang mga tao.I've heard kasi na maaga pa lang,marami nang nagpunta dito para makakuha ng magandang pwesto.

I looked at Ms.Aya.She seems fine.Hindi naman siguro siya aalis diyan.

Kaya't napagdesisyunan ko na munang lumabas.I left my phone sa dashboard at baka may matanggap akong importanteng tawag o mensahe kaya't kailangan ko iyong makuha.

Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay may napansin na akong kakaiba.Isang babae.Nakaupo ang babae five rows from the stage.Sa may dulo.She was wearing shades,a black mask at nagpapaypay siya.Natawa ako.Katapat niya lang ang isang malaking electric fan.How stupid is that?Nakaitim na jacket siya at palinga-linga.I followed her line of vision nang mapatigil siya at napatitig sa kabilang dulo.

There!

Isang lalaki.He was wearing a body guard's uniform.Halos makabisado ko na ang suot ng mga body guard dito dahil sa dami nila.Pakalat-kalat pa.But this man's uniform is different.Iba ang detalye at ang baril na hawak niya?Ibang kalibre.Nakatayo siya at sa tapat niya ay nakapatong sa upuan ang isang jacket.Itim at parang katulad nuong sa babae.

Napailing ako.Now I know the reason why Mr.Sullivan asked me to do this.Maraming body guard si Ms.Aya pero clearly,hindi siya kayang protektahan ng mga ito.I really thought na mahigpit ang security dito.But,oh boy!I was so wrong.

Pinagmasdan ko siya at tumayo siya pagkatapos ng ilang minuto.And she's heading where?Sa comfort room lang naman sa tabi ng stage.Napailing ako.Bad,bad choice,dear.Tsk!

Nagsimula na rin akong maglakad at sinundan ko siya.She's walking normally,but she's staring at Dayanara Johnson.Kaya't dahan-dahan ko ring inilabas ang dala kong baril.

Bubunot na sana siya ng baril pagkadaan niya sa stage pero naunahan ko siya.I pushed her inside the comfort room and pulled the trigger.

One down,one more to go.

Ikinulong ko siya sa loob ng isang cubicle at saka inabot ang mga panlinis.There should be no traces of blood.Nilinis ko rin ang lahat ng nahawakan ko bago ako lumabas.

May silencer ang baril ko,the reason why walang nakapansin.Pabalik na sana ako sa kinalalagyan ko kanina pero may biglang nagpaputok ng baril.Kaya't nagwala ang mga tao.

Wala si Ms.Aya sa stage.Nasa kabilang dulo siya at namimigay ng pagkain kaya't agad siyang nalapitan nung lalaki kanina.Fuck.Saan mo siya dadalhin ha?

Tumakbo ako papalapit sa kanila at agad na pinaputukan ang lalaki.Humandusay siya at halatang nagulat si Ms.Aya sa mga nangyari.Nasaan ba ang mga body guard niya?

Tumingin siya sa akin,gulat na gulat."Let's go"sabi ko saka ko siya hinila palabas.

Strings of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon