Gown
Ailee's Viewpoint
"Ma'am,pasok na raw po kayo,sabi ni Ma'am Aya.Naliligo pa po siya sa itaas kaya maghintay po muna kayo sa living room"sabi ng isang katulong.
Tumango ako.
Nasa labas ako ngayon ng mansyon ng mga Johnson.Nandito ako para sa unang araw ng trabaho ko kay Aya.Sinusundo na ako ng maid nila kaya't sumama na ako papasok sa loob.
Ang ganda ng bahay nila.
Pinaupo naman ako ng maid sa isang cream-colored sofa na may gold intricate.Kukuha lang daw siya ng maiinom ko.Tumanggi ako pero nagpumilit siya.Bilin daw kasi ng amo niya.Hinayaan ko na lang dahil baka mamaya,mapagalitan pa si manang ng dahil sa akin.
I looked around.
Their house is very classy and elegant.Halatang makapangyarihan at sopistikado ang mga tao'ng nakatira dito.At kahit ganon,may touch of technology pa rin ang bahay nila.Parang bahay lang namin only a little bit smaller in size.Masyado kasing malaki ang bahay nila.
My phone vibrated.Kinuha ko ito mula sa sling bag ko at chineck kung sino ang tumatawag.
Si Rhett.
Napailing ako.I canceled his call before texting him na itext na lang ako.I can't talk with him here.Baka biglang dumating si Aya at may masabi pa akong hindi niya dapat na marinig.
From:Rhett Guadarrama
How was it?:)
I can only imagine his smirk from here.At pakiramdam ko,magkakasala na ako nito.Huminga ako ng malalim.
To:Rhett Guadarrama
She's not yet here.Thank you nga pala sa tulong mo.I wouldn't be here kung hindi dahil sa offer mo.
Tama.I'm here because of that Rhett.Sabi niya,tutulungan niya raw ako.Then the next morning,hindi ko na namalayang kausap ko na ang manager ni Aya.Tanggap na raw ako sa trabaho at pwede na raw akong magsimula bukas.I was shocked at first pero sinabi niyang ni-refer daw ako sa kanya ni Mr.Rhett Nixon Guadarrama.Um-oo na lang ako.
I realized,mas mapapadali nga ang trabaho ko kung magta-trabaho ako bilang secretary ni Aya.I can guard her better.Dalawa pa ang matatanggap kong sweldo:una bilang agent ni Mr.Sullivan,pangalawa bilang secretary ni Aya.I don't really need the money kaya sinabihan ko si Rhett na siya na lang ang tumanggap ng salary ko from Aya.He refused.He made things easier for me kaya I insisted.Sa huli,pumayag siya pero ido-donate niya raw sa isang charity na sinusuportahan ng pamilya nila.Pumayag ako.
Papaano niya ako naipasok bilang secretary ni Aya?Well,that's because may organization din ang pamilya nila.Guadarramas are also one of the richest and the most powerful families here in the country.Kaya hindi nakapagtatakang nakukuha nila ang mga gusto nila.
From:Rhett Guadarrama
Your welcome.See you later.
Ano?See you later?As far as I know wala naman akong appointment sa kanya ah.
Within a short span of time,masasabi ko na Rhett Nixon Guadarrama is a serious guy.Totoo iyan.It's obvious in his achievements.Pero bakit pagdating sa akin,ang kulit niya?He's happy-go-lucky and a bit playful.Or,am I just hallucinating na parang sa akin lang siya ganuon?
"Ailee"may isang mahinahong boses ang tumawag sa akin.
I stood up when I saw Aya "Good morning" at nakipagkamay ako sa kanya.I did that because I realized na wala pa pala kaming formal introduction.Everything was sudden nung nakilala niya ako,which should've not happened.Wala iyon sa plano.
BINABASA MO ANG
Strings of Light
General Fiction(Renown Series #1) A story about two girls. Dayanara Latice Johnson-the superstar and Ailee Fonseca-the assassin. Note:This is NOT A GIRLXGIRL STORY.Dual p.o.v lang talaga siya. |TagLish|