Kanta
Dayanara's Viewpoint
Maaga akong nagising kinabukasan.Ngayong gabi na ang party pero ngayong umaga,kailangan kong pumunta sa isang orphanage.Maraming charity works ang pamilya namin at every year,binibisita ko sila.Lalong-lalo na ang Heaven Sent Orphanage.Malapit ako sa mga bata at madre doon.
Bata pa lang ako,sinasama na ako nila mommy sa mga charity work nila.Since then,I learned how to appreciate what I have.Maswerte ako dahil may mga umampon sa akin at kailan man,hindi ko nakasama ang totoo kong mga magulang.Kasi alam ko na mas mahirap kung nakilala ko ang mga magulang ko at may muwang na ako noong iniwan nila ako.I've been living with the Johnson's since I was a baby.Totoo iyan dahil may mga baby pictures ako sa bahay.Kaya somehow,I was lucky.
Katabi ko si Aya sa van.Nakashorts ako at pinahiram ko naman siya ng pants para maisuot namin ang t-shirt na may print ng Heaven Sent Orphanage.Nagsimula na din siyang magdala ng planners at files ko tulad ng isang normal na sekretarya.
Malayo ang Heaven Sent Orphanage.2 hours pag traffic pero isa hanggang isa't kalahating oras ang biyahe kapag hindi naman.I had a cat nap kaya naman paggising ko ay malapit na kami.Inayos ko na ang sarili ko.
Tanaw na tanaw ko na si Sister Fae at si Sister Merry sa may gate.Kasama nila ang ibang bata sa paghihintay sa pagdating namin.My heart is melting by seeing their mere faces.Nakangiti sila at parang hinahaplos ang puso ko.
Kaya naman pagkahinto ng sasakyan namin ay agad akong bumaba.May kasama pa kaming 2 van na sinakyan ng mga staff at pinaglagyan ng mga pagkain,mga gamot,damit,libro at laruan.
"Sister Fae!Sister Merry!"mabilis akong naglakad at yumakap sa kanila.
Tumawa si Sister Fae."Kumusta ka na anak?"
Bumitaw ako sa yakap."Okay lang po ako,sister.Kayo po?Kumusta na kayo at ang mga bata?"sabay tingin ko sa kanya at kay Sister Merry.Nginitian naman nila ako.
"Mabuti naman kami.Salamat at binista niyo kami dito.Miss na miss ka na namin at ng mga bata."tumingin si Sister Fae sa likuran ko."Hindi niyo ba kasama si Leonel at si Delta?"tanong ni Sister.
Umiling ako."Busy po sila,sister.Alam niyo naman po at mage-eleksyon na kaya ako na lang po ang nagpunta dito.At siya nga pala"hinila ko si Ailee palapit kila sister "siya po ang bagong secretary ko,si Ailee.Kaibigan ko rin po siya."pakilala ko kay Ailee.
"Hello po,Sister Fae and Sister Merry.Nice meeting you po"sabi niya saka kinuha ang kamay nila sister para makapagmano.
"Ganun din sa iyo,anak.Pagpalain kayo ng Diyos"
"Grabe Lily.Ang gaganda nila ate,ano?Para silang mga manika"narinig kong sabi ng isang batang babae.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng mumunting boses na iyon.Isang batang babae na may mahaba at straight na buhok.May headband siyang kulay pink at bagay sa kanya ang puti niyang bistida.Napangiti ako.
"Oo nga Sabina.Sana maging ganyan ako kaganda pag laki ko"pagsang-ayon naman nung isang bata na parang si Dora.Maiksi ang buhok niya at may bangs siya.Ang cute niya.
Lumingon ako kay Ailee.Nakangiti na rin siya at nakatingin sa mga bata.
At ngayong sinabi nila iyan ay napagtanto kong tama nga sila.I look like a porcelain doll while Ailee looks like an ansherina doll.Her skin is pinkish-white while mine is porcelain.Which makes me look more like a western girl while she is an asian one.
Nilapitan namin ni Ailee si Lily at Sabina.Nag-squat kami para makaharap sa kanila.Hawak-hawak ko na ngayon ang mga balikat ni Lily habang hinahawi naman ni Ailee ang buhok ni Sabina.
BINABASA MO ANG
Strings of Light
General Fiction(Renown Series #1) A story about two girls. Dayanara Latice Johnson-the superstar and Ailee Fonseca-the assassin. Note:This is NOT A GIRLXGIRL STORY.Dual p.o.v lang talaga siya. |TagLish|