Chapter 4

20 4 5
                                    

Help

Ailee's Viewpoint

Kagagaling ko lang sa opisina para magreport at heto ako ngayon,pauwi na sa bahay namin.Buti na lang at pinauwi na ako ni Mr.Sullivan at makaka-attend na ako sa dinner namin tonight.Besides,I don't think lalabas pa si Ms.A---,Aya na lang pala (sabi niya), after what happened.Delikado iyon.

Habang nagda-drive,hindi ko napigilang mapaisip sa nangyari kanina.Inihatid ko si Aya sa bahay nila at hinihintay na pala siya nung pinsan niyang si Jaida.Her cousin was so worried about her at mukhang ipanahanap na pala siya.But she was with me kaya't hindi na natagpuan sa gymnasium.Alalang-alala siya nuon at hinanap niya pa yung daddy niya.

And when her dad came out,ewan ko but I think I saw a sign of relief from his face.Para bang nabunutan siya ng tinik pagkakita niya sa anak niya.But,that was just for a moment.The concern that I saw from his eyes vanished before anyone could see it.Pero nakita ko iyon.And that was odd.

Sikat si Dayanara Johnson at ang pamilya niya.And it's not a secret na hindi sila malapit sa isa't-isa.It's been a long time since na-issue ang pagkakalayo ng loob nila sa isa't-isa at ang pagiging ampon ni Dayanara.Wala na iyon ngayon,but we still can't deny the fact na may alitan sa pamilya nila.Isama mo pa na bihirang makita na magkakasama ang mga Johnsons sa iisang event.

Tumunog ang cellphone ko.Doon pa lamang natigil ang pag-iisip ko.

"Hello,my?"

"Oh,anak!Where are you?Bilisan mo na para makapag-prepare ka pa para sa guests natin.Paaabangan na kita kay Yaya Helena,okay?"

"Huwag na po.Malapit nanaman na ako my.Nandito na ako sa labas ng subdivision.Ibababa ko na,okay?"

"Okay.Bye!"

Diniretso ko na papasok ang sasakyan ko at nakarating na ako in no time.

Sinalubong naman ako ng guards namin sa may gate.At nandoon pa talaga si Yaya Helena at yung isa pa naming katulong.Sabi ko huwag na akong abangan eh!

"Yaya"pagtawag ko kay Yaya Helena.

Ngumiti naman siya."Pasok na anak" at hinila niya na ako sa loob.

Mayaman kami.My dad and my mom are both business tycoons.At isa pa,we have underground negotiations.That's why ito ang trabaho ko ngayon.I work for Mr.Sullivan not because I need money,but because I owe him my life.Besides,he pays a good price and I consider this my training.Dahil pagdating ng panahon,ako ang magmamana ng lahat ng negosyo namin.Kahit yung underground transactions namin,ako ang mamamahala.

Only child ako eh.

It's odd to say,pero nung bata pa ako,gusto ko talagang mag-artista.I wanted to be a famous singer and a total performer.Hanggang ngayon pa rin naman,I'm still so into music.That explains why I idolize Dayanara Johnson.Because she is exactly what I wanted to be.Dating artista din ang mommy ko kaya I guess,mas lalo kong nagustuhan ang limelight dahil doon.

But here I am,working under an organization.

"Anak!"si daddy ang unang sumalubong sa akin sa loob ng bahay.

Napangiti ako."Congrats,dad"

He hugged me."Thank you,my princess.Now,you go upstairs and change.Darating na maya-maya ang mga bisita natin.At,I want you to meet someone.Kaya dress nicely,okay?"

"Okay"hinalikan ako ni daddy sa noo bago niya ako pinakawalan.

Hindi pinlano ng parents ko na i-involve ako sa businesses namin,ever.But because of an unfaithful night nung 16 ako,nagbago ang lahat.Ngayon,21 na ako at 5 years na akong kasama sa transactions namin.

Strings of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon