Chapter 5

18 4 3
                                    

Problema

Dayanara's Viewpoint

Nandito ako ngayon sa living room ng bahay namin at katabi ko si Jaida.Nandito nanaman siya dahil napagpasyahang pumunta ni Tito Mateo dito sa amin kanina.Nanunuod kami ng balita ngayon dahil mainit na mainit ngayon ang nangyari sa huling campaign ni daddy.According to the news,hindi pa daw natutukoy kung sino ang master mind sa likod nito.Hot issue din ang nakitang katawan ng isang babae sa loob ng cubicle sa c.r.

Kinilabutan ako.

Now I can't help but to worry for our safety.Bakit kailangang may manggulo sa amin ngayon?

"Maybe this is a political threat.Wala naman kasi akong maisip na pwedeng dahilan ng alitan.It was done exactly on the day of the campaign kaya iyon siguro ang dahilan,hindi ba?What do you think?"pagkausap ko sa pinsan ko.

"I don't know"sabi niya sa akin.

Nilingon ko siya.Nakatitig lang siya sa t.v namin at mukhang may malalim na iniisip.I know her.My cousin has a lot to say pagdating sa iba't-ibang bagay just like in business and politics kaya nakapagtataka ang katahimikan niya.Ano kayang iniisip niya?

Biglang may lumabas na balita tungkol sa akin sa t.v.Napatingin sa akin si Jaida."I think you should contact your manager.Mag-update ka na rin sa accounts mo dahil paniguradong maraming nag-aalala sa iyo"payo niya sa akin bago siya tumayo.

"Papahangin muna ako"paalam niya sa akin bago siya naglakad palabas sa garden namin na parang tulala.

Napabuntong-hininga ako.I think she's right.I should get my phone upstairs para matawagan na ang mga dapat tawagan.Isa pa,paniguradong bumabaha na rin ng messages sa mga social media accounts ko.

Umakyat na ako sa grand staircase namin.Isang mahabang pasilyo pa ang kakailanganin kong daanan bago ako makarating sa mismong kwarto ko.

My parents are not here.Dad and mom are probably in their offices.At nasa taas naman si kuya at si tito.Kaya naman komportable akong magpagala-gala sa loob ng mansyon ngayon.

Papalapit na sana ako sa kwarto ko nang mapansin kong nakabukas ang kwarto ni Kuya Lincoln.Nilapitan ko ito at isasara na sana ang pinto nang may marinig akong mga boses sa loob.

Si kuya at si Tito Mateo.

Mahinahon na nagsasalita si tito samantalang galit na galit ang kuya ko.He's always reserved kaya bakit ang taas ng tono niya ngayon?Kaya naman napahilig ako sa hamba ng pintuan niya ng wala sa oras.

"I don't think so.I think we should tell her now.Malalaman niya rin naman ito di kalaunan kaya mas magandang sabihin na natin ito ngayon.Para makaiwas siya sa kapahamakan"mariing sabi ni Tito Mateo.

"And what?We're going to hurt her?"singhal ng kuya ko.

"Don't use that stupid reason.Matagal na siyang nasasaktan,Lincoln.And we all know that!"

Natahimik ang kuya ko.Aalis na sana ako sa takot na baka mahuli nila ako dito pero nagsalita ulit si kuya.

"Still,that's not reasonable enough.Ang tagal nating inalagaan ang sekretong ito ng pamilya natin.We just can't drop it like a bomb dahil lang sa nanumbalik ulit ang mga pagbabanta pagkatapos ng ilang taon.Maliit na bagay lang ito!"

"At ano?May mawawala nanaman ulit sa atin?I don't want that to happen again,Lincoln.Mabuti pa,mag-usap na lang tayo ulit kapag nandito na si Leonel at Delta"si tito.

Bahagyang kumalma si kuya."Mabuti pa nga,tito.Susubukan kong ayusin itong problema natin para hindi na lumaki pa".

At sinundan iyon ng mahabang katahimikan.Umalis na ako.I don't want to get caught.I know eavesdropping is wrong pero hindi ko lang talaga napigilan.

Ano bang nangyayari?Sino ba ang dapat na may malaman at sino ba ang hindi dapat masaktan?Why do we receive threats and what secret is he talking about?Anong problema at bakit nagsasagutan si Tito Mateo at si Kuya Lincoln?

Ang dami kong tanong.Dahil marami din akong hindi alam.It's been a while since I lived here and is that enough for me to miss a lot?O hindi lang talaga ipinapaalam sa akin dahil hindi naman talaga ako parte ng pamilya?

Isa lang ang alam ko ngayon.Kung ano man iyong pinag-uusapan nila,labas na ako roon.Pero sa tingin ko,tungkol iyon sa gulong nangyari sa kabilang lungsod.I just hope maayos na ni kuya kung ano man iyong prinoproblema ng pamilya namin.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong tinawagan si Manager Nomi.Siya na ang haharap sa press para sa akin at si Bellamy at Georgette na raw ang bahalang magmanage sa mga account ko.Kailangan ko daw'ng magpahinga at magrelax pagkatapos ng nangyari sa akin.I thanked them for that.

Pababa na ako ng magring ang cellphone ko.Si manager!

"Hello"

"Hello,Aya.I just want to inform you na nakahanap na ako ng bagong secretary mo.If you like,pwede na siyang magsimula bukas since magiging busy ako sa pagharap sa press."

"Really?Thanks,manager!Pero,sino naman ang na-hire mo?"

"Ailee Fonseca is her name.I already checked her files and I know she'd be a great assistant kaya there's no need for you to worry about her.Do you want to know her basic information right now?"

Ailee?Ailee Fonseca?Wait!Siya yung babaeng nagligtas sa akin kahapon.At ngayon,she's going to be my secretary?Hindi ako makapaniwala.

"Yes please"

"Alright.She is Ailee C. Fonseca.21 years old.You both have the same birthdate which is February 12,1995.She is a business administration graduate but,may experience siya as a secretary sa isang sikat na company.She mastered martial arts and gun firing.Cool,right?May secretary ka na,may body guard ka pa."

Dinig ko ang halakhak ni manager sa kabilang linya.Napangiti ako.That's awesome then.Pareho pa kaming ipinanganak noong February 12,1995.Pakiramdam ko tuloy,magkapatid kami.Which is impossible,of course.Hindi ko nga alam kung sino ang totoong mga magulang ko.Kapatid pa kaya?

"Okay.Salamat ulit,manager.Tell her na dumaan dito sa bahay tomorrow,okay?I want to know her more.Isa pa,I will discuss her schedule and her salary."

"Sige.Oh pano?I'll hang up na.May kailangan pa akong puntahan.Good bye!"

"Bye"

Pinatay ko na ang cellphone ko.I think I need to soak in my bath tub again.Kailangan kong makapagisip-isip dahil bukas,lalabas na ako ng bahay.Marami pa akong naiwan na kailangang asikasuhin.

************
A/N:Sorry for this update.Hindi kasi talaga ako makapag-focus but I did my best para makapag-update.Pasensya na kung may typos or grammatical errors.I'll try to fix them soon!

----Janelle ❤

Strings of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon