Chapter 5

46 7 0
                                    

Chapter 5

            Sa totoo lang, wala naman talaga akong gagawin. Sabi ko lang yon para mapapayag si kuya. At ayon, kumagat naman sya sa pain ko.Sa galing ba naman ng convincing power at charm ko, ewan na lang kung di sya pumayag.

Kaya eto ako ngayon, I am wearing shades and a baseball cap and I’m sitting near JC’s table. She’s with my kuya now as planned. Daig ko pa ang spy sa itsura ko dahil kanina ko pa sila sinusundan. Malapit lang sila kaya naririnig ko ang usapan nila at dahil kanina pa tawa ng tawa si JC, I assume na nag-eenjoy sya sa company ni kuya. Mukhang ganon din naman ang nararamdaman ng gwapo kong pinsan.

Nagbabantay na lang ako para makasigurong walang makakasira ng plano. And I’m here in case I saw a sign of danger. You know what I mean.

Bur for now, since wala pa naman akong makitang danger, makikitsismis na lang muna ako.

“A ganon? Nakakainis ka. You really love making fun of me.” Nakapout na sabi ni JC habang hinahampas si kuya.

Kuya is still laughing. “Pa’no naman kasi, you look cute kapag naaasar ka.”

Cute daw? Siguradong mamatay-matay na si bessy sa kilig ngayon. Masabihan nga lang yan ni kuya ng “hi” eh halos himatayin na sya. Cute pa kaya?

“I hate you. Dapat talaga di na ako sumama sa’yo.” Pulang pula na sya.

“Tingnan mo ‘to, pikon. Naalala ko lang naman kasi ‘yong itsura mo nung...” di na natuloy ni kuya ang sasabihin dahil tinakpan ni JC ang bibig nya.

“Shut up ok.” Mukhang mapipikon na ito.

Hmmm. Nakapagtataka naman, ano kaya yong sasabihin ni kuya at bakit parang di ko ata alam ‘yon? Am I missing something here?

“Oh sige na, di ko na ipapaalala pa sa’yo. But t’was really funny. I even got your picture as a souvenir.” Pang-aasar pa din ng loko habang si JC ay halos mawalan na ng poise.

Nanlaki ang mata ni JC. “Don’t tell me you still have those photos?”

Kumindat ito sa kaibigan ko. “Of course. Ako pa. Nakasave pa nga ‘yon sa PC ko.” He said proudly.

“What? I hate you. I-delete mo ‘yon.” Pinagpapalo nya pa si kuya. “If you want souvenir, I’ll give you other picture. May autograph pa. Just delete it.”

“Ayoko nga. Pano na lang pag nalulungkot ako, di wala ng magpapasaya sakin.” Pang-aasar pa rin nito.

Magpapasaya pala ah...

“Idi-delete mo ‘yon o ikaw ang idi-delete ko sa mundong ‘to?” Talagang nakuha nya pang magbanta. As if naman kaya nya. Eto talagang si bessy, masyadong patawa.

“Wag naman. Maraming magluluksa pag nagkataon.” Tumawa pa ang loko kaya napasimangot lalo ang maganda kong bestfriend.

“Ang lakas din ng hangin ah. Basta idelete mo ‘yon dahil kung hindi talagang lagot ka sakin.” Hindi nya na tinitingnan si kuya.

“Pag-iisipan ko.” Mukhang nasa mood mambuska si kuya.

Gumivee-up din si JC.Kumain na lang uli siya. Nagutom ata sa pakikipag-kulitan.

“Maiba nga pala ako. Nabanggit nab a sa’yo ni Ash ‘yong party sa family resthouse naming sa Tagaytay?” pag-iiba ni kuya John.

Oo nga pala. Sa Saturday na ang birthday ni Eric. Younger brother ni Papa ang tatay nito while si Tita Ofelia ang pangalawa.

“Not yet. Ano bang meron?”

“It’s Eric’s birthday. We decided na isabay na rin ang annual family gathering namin.” Paliwanag nito.

Tumango tango lang si JC. “How’s Eric nga pala. I haven’t seen him for awhile.” Kilala na ni JC ang lahat ng kapamilya ko and they all love her. I can't blame them, she's a great woman and very compassionate. Wala nga atang masamang tinapay ang isang yon.

“He’s doing good. Actually, sya na ang nagmamanage ng business nila ngayon.”

“That’s great. Kunsabagay, lahat naman ata kayo sa family nyo successful na. Di na ako magtatakang sumunod din yon sa yapak nyo.”

“Don’t flatter me that much.”

Eto naming si kuya, pahumble pa.

“Tsk. Ano yan? Pahumble kunyare?”

“O sige na, sadya lang talaga kaming magagaling. Satisfied?” Ayon. Tangay naman lahat sa hangin nya though he's actually right.

Napailing na lang si JC.

“Pupunta ka naman diba?”

“Huh? Saan?” Eto naming si JC, parang lutang.

“Sa party ni Eric.” Sabi ni kuya.

“Di ba nakakahiya? It’s a family gathering after all.” Di na ako nagtatakang iyon ang sagot nya. Medyo mahiyain  kasi sya. Di nga lang halata.

“Kung magsalita ka naman parang di ka parte ng pamilya. JC, you’re part of the family. Understand?” He said with authoritative tone.

“Sabi ko nga, I’m coming.” Napakamot ito sa ulo. Bakit pag kay kuya, di sya marunong kumontra? That’s unfair.

“Do you need a ride on Saturday?” He offered.

“Hindi na. Sasabay na lang ako kay Ashley.” Tanggi ni JC. If I know, nahihiya lang sya.

At sasabay daw sya sakin. Ting! Flash bulb. Umandar na naman ang pagka-genius ko.

Hmmm. Mukhang umaayon sa akin ang tadhana.

PROJECT BREAK-UP (Editing)Where stories live. Discover now