Chapter 7
I had been calling Ashley for an hour pero unattended pa rin sya. Ano na kayang nagyari sa isang ‘yon? Usapan namin, dapat before ten andito na sya. Sa sobrang bagal nya kasi kumilos, malamang malelate kami. Reyna pa naman ‘yon ng tardiness.
Napatingin ako sa relo. Anak ng tokwa, ten thirty na. Paniguradong aabutin na kami ng siyam siyam bago makarating sa Tagaytay. Nakakahiya sa pamilya nya.Paghihintayin pa namin sila sa plane. Wala man lang talagang exemtion ang tardiness ng bruhang yon.
I was about to call her again when I heard a knock from the door. Baka sya na ‘yon. Nagtungo na ako sa may pinto at inihanda ang masungit na expression.
“At bakit ngayon ka lang?” Bungad ko agad pagbukas ko pa lang ng pinto.
But instead of Ashley, I saw John standing in the front of the door. Namamalikmata ba ako? Gosh, iba na talaga ‘to. Tingin ko ngayon sa bestfriend ko ay si John.
“Hi.” Nakangiting bati nya sa’kin.
Pati boses nya pag nagsasalita, parang kay John din. Diyos ko, ano pong nangyayari sa’kin. This is bad. This is really, really bad. Di naman ako nakadrugs pero parang high ako.
“JC. Hoy! Anong nangyari sa’yo?” He’s waving his hand in front of my face.
Kumurap kurap lang ako.Then I felt him holding my face. “Jace. Are you alright?” He sound so worried and he’s staring at me intently.
Oh gosh. He’s real. Natanggal ko agad ang kamay nya sa mukha ko. Nakakahiya, nagkalat na naman ako.
“Sorry. Ba’t ka nga pala nandito?” Nakapagtataka lang na everytime I’m expecting Ashley, bigla na lang ‘tong sumusulpot.
“Ash asked me to pick you up. May dadaanan pa daw kasi s’ya.” Nakangiti pa rin ito.
Anak ng. Pwede bang wag masyadong ngumiti? Naakit ako masyado. Shucks. Ang landi ko lang ah.
“At ikaw na naman ang napili nyang abalahin?” Napailing ako. Hindi ako pwedeng magkamali. She’s really up to something.
“No worries. Ok lang sakin ‘yon. And besides, hindi ka naman abala para sakin.” Seryosong saad nya.
Napatingin ako sa kanya. Bakit pag sya ang nagsasabi non, iba ang dating. Yon bang feeling na you’re somehow important. Pero syempre, alam kong hindi naman talaga ‘yon ang ibig nyang sabihin. What he means is that he’s doing this kind of thing because I’m his cousin’s bestfriend. No more, no less. Ako lang talaga ‘tong masyadong expectant.
“Tuloy ka. I’ll just get my things.” Itinuro ko ang sofa.
Luminga linga ito. “Nice place.” He commented.
“Thanks. Upo ka muna. You want something to drink?” I offered.
![](https://img.wattpad.com/cover/7787071-288-k602363.jpg)