Chapter 15
After one week, balik trabaho na uli ako.Ngayon ako nagsisisi ko bakit di ko man lang naisipang magdala kahit na isang paperwork sa Tagaytay. Yan tuloy, natambakan ako ng gagawin. Kung tutuosin, hawak ko naman ang oras ko. I’m the boss in my own company at hindi naman ako halos ang nakikipag-usap sa ABC Productions kundi ang agent ko. Pumupunta lang ako pag kinakailangan.
Sa sobrang dami ng nakatambak na nga papeles sa mesa ko, pakiramdam ko ay bigla akong nasuffocate. Hindi ako makapag-isip ng maayos dito sa opisina kaya sa huli, napagpasyahan kong lumabas muna. "Arlene, I’ll be out for a while. Just call me in case something urgent came up." I told my secretary then I grabbed my bag.
Nagtungo ako sa favourite coffee shop ko. One of the crew saw me then led me to my regular spot. Regular costumer na ako dito kaya alam na nila kung ano ang order ko. From this side of Manila matatanaw mo ang buong kamaynilaan. Isa ‘yon sa nagustuhan ko sa lugar na ‘to maliban sa magandang ambiance.
"Here’s your coffee latte ma’am." Mabilis din silang magserve kaya di ako naiinip sa paghihintay.
"Thanks Mac." I smiled at the crew. Ito ang madalas na umaasikaso sa’kin dito.
Inilabas ko na ang laptop na dala. Kaylangan ko na ding simulan ang pagsusulat ng script para sa pelikulang gagawin ng ABC Productions. Natapos na din naman kaming magbriefing kung ano ba ang gusto nilang maging takbo ng kwento. It is a family movie and drama. Hindi naman sakin problema ‘yon dahil ‘yon naman talaga ang forte ko. Andami na ngang ideyang pumapasok sa utak ko. Pero di ko alam kung pano ko pagkakabit-kabitin. Eto ang madalas na nagiging problema ko.
"Back to work?" Nabitawan ko ang hawak kong kape ng may magsalita mula sa likod ko.
"Damn." I cursed. Buti na lang hindi natapunan ang laptop ko kundi talagang makakapatay ako. But hell, look at my clothes now. Sino ba kasing walang hiyang ‘to na bigla na lang sumusulpot.
"Sorry." Natatarantang pinunasan nito ang natapunan kong damit.
"Enough." I yelled kaya nakakuha kami ng maraming atensyon. But I don’t care. Ano na naman bang ginagawa ng lalaking ‘to dito?
Mabilis kong dinampot ang mga gamit ko at naglakad palabas ng coffee shop. Bwisit, panira ng araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/7787071-288-k602363.jpg)