Chapter 16
“Kumusta? Nangungulit pa rin ba si Prince Charming?” Heto na naman po ang bestfriend ko. Nagsisimula na namang mang-asar.
Nandito kami ngayon sa pad ko. Tinamad kasi akong pumasok kaya pinadala ko na lang sa sekretarya ko ang mga kaylangan kong ayusin. At narito rin ang magaling na si JC para gawin kanyang ang favourite hobby nya- ang mangulit.
“Ayoko syang pag-usapan. Nasisira ang araw ko.” We were in the kitchen and I’m making coffee para sa aming dalawa. “Kelan nga pala ang alis mo?”
“Iniiba mo na naman ang usapan.”
“Wag na lang kasing pag-usapan ang mga bagay na wala namang kwenta. And besides, huminto na rin naman sya sa pangungulit. Napagod din siguro.” Mag-iisang buwan na rin itong di nagpaparamdam sakin. Wala talagang word of honor. Teka nga, bat ba ako naiinis? E ano naman kung di sya magparamdam. Mas okay nga 'yon, tahimik ang buhay ko at walang hassle.
Tinintigan lang ako ni JC ng maigi with a half smile. “Echosera. Miss mo na no?” With matching siko pa.
“Ewan ko sa’yo. Saglit, I’ll just check kung sino ang nasa sa labas.” Tumayo na ako at nagtungo sa may pinto. Sinilip ko muna kung sino ang dumating pero wala akong nakita kundi kumpol ng bulaklak.
Nagtatakang binuksan ko ang pinto. San galing ‘to? There’s a card kaya tiningnan ko ‘yon. It’s for me. Sinipat ko ang paligid pero wala talagang tao. Bumalik na lang uli ako sa kusina at naabutan ko si JC na nakaupo sa kitchen counter habang nagsasalin ng kape.
“Naks. Ganda ng flowers ah. Kanino galing?”
Nagkibit balikat lang ako. "Wala namang tao sa labas. Wala ding nakalagay kung kanino galing.” Weird. Wala akong maalalang um-order ako ng boquet of flowers.
“Secret admirer?” Secret admirer. Wala ako non.
“Di uso sakin ‘yon.” Ipinatong ko lang ang mga bulaklak sa center table ko. Wala lang siguro magawa ang nagpadala nito.