Chapter 6
“Don’t be late. Kaylangan before mag-start ang party, andon ka na.” Ate Maegan keeps on reminding me and honestly, sumasakit na ang eardrums ko sa kanya. Daig nya pa ang sirang plaka. Paulit-ulit.
Sumalampak ako sa sofa at binuksan ang tv.
“Ashley, are you listening to me?” Nameywang ito sa harap ko at kinuha sakin ang remote para i-off ang tv.
“Ate. I-heard-you. Ok? Hindi mo naman kaylangang ulit-ulitin.” Nakasimangot na turan ko.
“Sa tigas ng ulo mo, kahit ilang beses kong ulit-ulitin yon baka di mo pa din maabsorb.” With matching batok pa.
Grabe ‘tong si ate. Ganon ba talaga katigas ang ulo ko? Hindi kaya. Masaya lang kasing gawin ang bawal. And besides, nakakasawa ding magpakabait no. Walang thrill. Gusto ko adventure.
“Bat ba kasi ayaw mo pang sumabay samin papuntang Tagaytay. We’re going to use our plane. Kaya mas convenient.” Pagpipilit pa rin nito.ang tigas ng ulo. Parang ako lang.
“Kaya nga ayoko kasi boring ‘don sa plane. May sasakyan naman ako no. And besides, may kaylangan pa akong ayusin bago ako pumunta ‘don.” Kinuha ko uli ang remote at binuhay ang tv. Our family owns a private plane. Ginagamit lang ‘yon pag may emergency na pupuntahan o may family gathering. Pero ayoko talaga sumakay don. Buti sana kung ako ang magmamanipula non. E kaso I’m not a pilot. Kaya kotse na lang ang gagamitin ko. At least yon kaya kong idrive. At gaya nga ng sinabi ko kay ate, may gagawin pa ako.
“Hoy Ashley, ano na naming kalokohan ang gagawin mo?” Nak ng.. Ang lakas talaga ng pakiramdam ng ate ko.
Sumimangot ako sa kanya. “Aray naman ate. Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin? I’m a good girl naman ah.” Shucks. Kiniilabutan ako sa pinagsasasabi ko.
She smirked. “I know you so well dear sister. So don’t play innocent kasi di bagay.”
“Whatever. Umalis ka na nga lang. May gagawin pa ako.” Pagtataboy ko sa kanya.
She shrugged her head. “Di ko na talaga alam ang gagawin ko sa’yo. Fine, I’m leaving now. But better come on time or else your dead.”
“Oo na ate. Just go.” Tinulak ko na sya palabas ng condo ko.
Pero bago sya lumabas ay may pahabol pa. “And one more thing young lady, wear something decent.”
Kung makapagsalita naman ‘to parang di ako desenteng manamit. Masama bang mas gusto kong isuot ang jeans at t–shirt kesa sa dress? Eh sa ‘don ako mas komportable. Walang basagan ng trip ok?
“Yeah, yeah I get it.” Then I closed the door.
Now it’s time for me to prepare. I still an important appointment. Game on. But before that, kaylangan ko munang ikasa ang phase two ng PROJECT BREAK UP.
I dialled my phone. I am calling kuya John.
“Yes?” He answered his phone.
“Hi kuya.” I said in a sweet tone.
“Ano na naman ang kaylangan mo?” Bat ang sungit nito?
“Pwede bang humingi uli ng favour?” I asked.
“Tsk. What is it this time?” Kahit di ko sya kaharap, alam kong nakasimangot sya.
“Eto naman. Itatanong ko lang naman if you can pick up JC in her house. Di ko sya maisasabay kasi may dadanan pa kasi akong importante.”
“Susunduin ko din si Bernadette.” Reklamo nito.
“Si ate Maegan na lang ang bahala sa kanya. Along the way naman ang bahay nya so pwede syang daanan ni ate ngayon. Please kuya.” Pangungulit ko pa rin.
Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. “Ok. Pero tandaan mo, may kapalit na ‘to this time. Nakakadami ka na ng favour ah. Umaabuso ka.”
“Sure. Basta, bahala ka na sa kanya. Pag nagalusan yon kahit konti, lagot ka sakin.” Biro ko na lang.
“Opo Ma’am. Bye.”
“Bye.”
One down. This time, I’ll call ate Maegan. I dialled her number at sumagot naman agad. “What? I’m driving.”
“Along EDSA ka pa rin ba?” I asked her.
“Yup. Bakit ba?” Nagtatakang tanong nito.
“Daanan mo si Bernadette sa bahay nila.”
“At bakit? Ano ako, yaya nya?” Well, kung ako din naman ang nasa sitwasyon nito, ganon din ang sasabihin ko.
“Sige na kasi ate. Kayang kaya mo namang makipag- plastikan don no.”
“Nasan ba kasi si John?” Haisst. Ang slow talaga ng isang to. Naturingang Magna Cumlaude.
“Actually. May iba syang sinundo.”
“Mas importante sa girlfriend nya?” Anak ng... Di pa rin talaga na-gets?
Napabuntong hininga ako. “Oo. Pinasundo ko lang naman si JC.”
“Eto naman di mo sinabi kaagad. Malapit na ako sa kanila.” Biglang nagbago ang ihip ng hangin ah. Mukhang alam na din nito ang plano ko.
“Great. Alam mo ng gagawin mo. Isama mo na sya sa plane. At wag nyo ng hintayin si kuya. I think they need more time together.”
“Sure sis. It’s a piece of cake.”
“Thanks sis. Bye.”
Binggo! Phase 2. Done!
