CHAPTER XV

61 0 0
                                    

YANA’s POV ulit.

After ko Makita si Marc na umiiyak, pumunta na ako sa CR para maghugas ng kamay.

“Ano kaya problema nun?”

Tapos nun, naisipan Kong kumain ng  mag-isa sa likod ng canteen. Gusto ko magpaka-loner. Ba’t ba? :)) Eh sakto, wala namang tao. Hahaha. :D Maya-maya, tumawag na si Drake.

Mat-mat<3 calling…

“hello?”

“baby, asan ka?”

“Andito sa may likod ng canteen. Kumakain. Bakit?”

“Ah.Sabi mo kasi, nasa classroom ka. Ayun, pinuntahan kita. Tas wala ka naman na pala. “

“Ay. Sorry. Nagutom ako eh. Puntahan kita jan. Teka. Baba ko na to,ha?”

“Ay, hindi, hindi. Wag na. Ako nalang pupunta sa’yo jan, okay?”

“Sige tuloy.”

“I love youu sagad! :*”

“I love you.”  Tapos binaba ko na habang nakatakip yung isa kong kamay sa bibig ko.

Now what did I  just told him? Wala na, wala na tong bawian. Bibig ko na mismo yung nagsalita ng kusa. Hahaha.

I guess I’m really inlove with him<3.

Nang biglang may tumakip sa mga mata ko.

“Sino to?” Teka, parang kilala ko kung kanino tong kamay eh. Sobrang laki at sobrang malambot. Hahaha

Tapos tinanggal ko yung kamay niya.Bigla naman akong hinalikan sa left cheek.

““Drake naman eh, ang kulit mo! :p”

“Hahaha. Ba’t ka loner?”

“Wala. Feel ko lang.”

Tapos maya-maya, kinuha niya yung phone niya tas parang naiinis siya nung tinitingnan niya yung phone. Ini-off yata. Hindi ko alam eh. Ano kaya problema neto? Ano problema ng mga tao sa mundo ngayong araw? Anyare? :))

“Bakit ano meron?” tanong ko sa kanya. Masamang pangitain yata to ah. :o

“Ah. Wala. K-kasi… Kasi yung mga varsity nangungulit. Ayun, Eh kasama kita eh. DND muna ako.” Sigurado ka? Parang hindi eh. Anyway. Tinanong-tanong ko na lang siya kung ano-ano. Alam ko naman kasi gusto niya i-change yung topic eh.

So ayun. Nagkwentuhan na kami ng kung ano-ano. About sa practice mamaya  sa b at v-ball. :o Alam kaya ni Drake kung ano nagyayari kay Marc? Bukod kasi kay Cayzer, close din sila ni Marc eh.

“Uh, Mat-mat, nakakausap mo ba si Marc these past few days?” nahahawa na yata ako sa environment ng school. Chismosa na din ako. -_-

“Ha? Hindi eh. Madala nga siya magpractice.”

“Kasi kanina eh. Parang umiiyak siya. Tapos dinaanan niya lang ako. Ano kaya nangyari no?”

“taenang Thea!” Napayuko siya habang nag-ma-mutter.

“Ano sabi mo?” Parang alam ko na kung ano problema eh. Nagbingi-bingihan na lang ako. Baka mag-away pa kami.

“Ah. Wala. Sabi ko, bakit kaya?”Parang may nasesense na ako eh, I feel like there’s something going on between these three.  

“Try mo kausapin mamaya. :D” Nagkunwari na lang ako na hindi ko napansin. Pero, parang tumatak na din sa isipan ko eh. Hay. Yaan ko na nga muna. Besides, di naman ako kasali eh.

1344 days with Him.Where stories live. Discover now