CHAPTER XXVIII

26 0 0
                                    

 [ Drake’s Explanation ]

Drake’s POV

Sobrang na-shock ako dun sa pinagsasabi ni Thea. Alam kong hindi dapat ako maniwala sa kanya kasi walang magandang naidudulot yung salot na yun sa buhay naming lahat ever since. Pero ba’t ganun? Half ng utak ko sinasabi na tama siya, half naman na hindi. Hay. -___- Sobrang gulo na nung utak ko nung oras na yun samahan pa nung napakalakas na music ng club at yung pag-aaway nila Yana kaya ang nasabi ko lang eh “Enough!”  Ayun, tumakbo ng tumakbo si Yana papalayo. Habang naiisip kong habulin siya, pinipigilan naman ako ni Thea na kung makadikit eh parang close na close kami sa isa’t-isa. Dahil na din siguro sa usok dun sa loob ng club kaya wala na akong nakitang Yana. Mga 5 minutes yung lumipas bago ko tuluyang natanggal si linta saakin. At dun sa 5minutes na yun, dun ko narealize na wrong move nanaman ako. Itatry ko sana siyang habulin eh.  Trina-try kong tawagan, pero walang sumasagot. Hanggang sa naisip kong  tumakbo papalabas nung club. Kaso huli na ang lahat. No sign of Yana. Bilis pa naman nun tumakbo. Hay. Tinawagan ko pa din siya nang tinawagan, pero wala talagang sumasagot eh. For sure, galit na galit yun saakin. Ni hindi ko man lang siya naipagtanggol. :/

Maya-maya, sinundan at inutusan ako ni Jini na iuwi na si Thea sa lungga niya. Ayun naman ako si masunurin at hinatid si linta este si Thea. Ayun, lasing na lasing. Try niyang sumuka dito sa kotse at magkakalimutan talaga kaming babae siya. Oo na, lumalabas yung pagkabading ko dahil sa kanya eh.

“Baby, thank you for staying with me. Sabi ko na nga ba at hindi mo ako matitiis. You still love me, don’t you?”

“Nahihibang ka na ba talaga? I never loved you! and I NEVER will! SInira mo nanaman kami ni Yana! Masaya ka na?”

“Have you seen her face? She looks like a crybaby na walang mapuntahan. Kawawa naman. Hahahaha!”

“Ewan ko sayo! Jan ka na nga! Out of my car! Now!”

“B-but…”

“Baba sabi eh!”

Ayun, no choice na din siya at bumaba na ng kotse. Agad-agad ko namang pina-andar para di niya na ako masundan.

I left her outside their house. Wala nakong pake kung sa kalye sya matulog. Tutal, wala namang magtatangkang rape-in siya. Oo na, ako na masama. BV level 10000000 na ako eh -.- Natatakot na ako para kay Yana. Hindi ko alam kung ano na nangyari sakanya. Sana wala namang nangyaring masama. Ang tanga tanga mo kasi, Drake! Pinairal mo nanaman katangahan mo. Hay, anubaaa! Ba’t di mo siya ipinangtanggol?

 -_________- Kasi naman si Yana, edi sana walang nangyaring ganito kung di na kami pumunta. Hay. Wrong move ka na naman. Nakakahiya, nakakaasar. I don’t have the guts para puntahan siya. Pero kahit ganun, pinuntahan ko pa din siya sa bahay nila. Pero di ako bumaba ng kotse. Ayun. You wouldn’t believe what I saw..

Naandun si Marc at Yana sa may gate nila, magkayakap. Umiiyak si Yana.

Wala akong magawa, ni hindi ko magawang bumukas ng pinto nung kotse. Di ko alam kung aling parte ng katawan ko yung masakit sa nakita ko. Pucha, daig pa yung pinagtulungan akong bugbugin ng sampung tao eh. Andun na ako sa pagcocomfort ni Marc kay Yana. Ang laki ko kasing tanga. Ayun, hinayaan ko nanaman na ibang tao yung nasa tabi niya sa mga panahong kailangan niya ako. Ba’t kasi ang bobo ko. <///3 Hindi ko mabe-blame si Marc eh. Pero totoo kaya yung sabi ni Thea? Saklaaaaaaaaap pare =( Pero may tiwala naman ako kay Yana. At wala naman akong karapatan magselos kasi nangliligaw palang ako. Haaaaaayst -.- Wala, back to zero nanaman ako kay Yana.

After two days…

Dalawang araw na din pala akong nakakulong dito sa bahay. As what I’ve told you, wala akong guts at wala ako sa mood makipaghalubilo sa mga tao. Baka may mapagbuntungan nanaman ako. Tinatawagan ko pa din si Yana, pero wala talagang sumasagot. Hanggang sa…

Calling Yana…

“Hello?”

“Uhh, Yana! Sorry sa--”

“Oh, Sorry Drake. This is Tita Leslie.  Yana’s in the hospital eh.”

“What?! Bakit po? Ano nangyari sa kanya tita? Saang hospital? Is she okay na po ba?”

 “Two days kasi siyang hindi nagising. Akala ko nga, kung ano na nangyari sa kanya eh. Pero stable na siya ngayon. She’sokay now. Sa Asian Hospital siya naka-confine.”

“Pwede ko po ba siya dalawin?”

“Oo naman! Bakit hindi?  Pero kung pwede, wag muna natin siya i-stress ha? Stress daw kasi yung main cause why she slept for almost two days.”

  “Ah. Okay po tita. Thank you.”

“No problem, Mat-mat. Osiya, kakausapin ko pa Daddy niya. Nasa Singapore kasi eh, tumatawag sa phone ko. Worried din kasi sa prinsesa niya. I have to hung up. Bye Mat-mat. Take care okay?”

“Ay sige po tita. Thank you po and you too.”

“okay, see you!”

“bye po.”

Haaaay. Anubaaayaaaaan. Zero nanaman ang grade ko kay Yana. Kelangan ko bumawi. Hay, bahala na si Batman. Kelangan ko mag-explain. AJA!

1344 days with Him.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang