CHAPTER XXXIII

23 1 0
                                    

At dahil inspired ako ngayon, bibigyan ko kayo ng bonus! Hihihihi. Basahin niyo nalang kung ano yon. Sana kiligin din kayo. Yun lang! Hihi Happy reading, loviess!;)

~MISSSPELLED X 

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Good thing nawala ngayon sa isip ko si Thea. Yung mga issues, yung mga sasabihin ng ibang tao towards sakin. Hay. Siguro nga dahil na din sa sobrang dami ng nangyari ngayong araw.

Mabuti na nga siguro yun. Sana lagi nalang ganito. Yung para kang nasa isang teatro nagpeperform tapos iisipin mo walang nanonood. Sarap siguro ng buhay na ganon. Walang pressure, ikaw lang 

mismo.  

"Yana! Okay ka lang?" Habang hinawakan niya ako sa balikat. Hindi ko na napansin na umalis pala siya. Iniwan ako dito sa may poolside -.-

"Um. Oo naman.bakit?" Pangiti kong sabi sakanya.

"Yana..." Papalapit na ng papalapit yung mukha naming dalawa. Hinawi niya yung basa kong buhok na nakatakip sa may kanan kong mata.

Is this real? Hinawakan niya ang kanang pisngi ko.

*dugdugdugdugdugdugdugdugdugdug*

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hanggang sa hindi ko namalayang nagdikit na ang mga labi namin.

Hawak ko na din yung parehong pisngi niya.

*dugdugdugdugdug* mas bumibilis ata yung tibok ng puso ko ngayon. Hindi na ito normal. Baka sumabog na. Parang bombang nag-aalarm eh.

Nakapikit pala ako the whole time? Pagdilat ko, tiningnan ko siya mata sa mata. Shet lungs. Ang ganda talaga.

"Bakit?" Tanong niya saakin. This time, wala na yung kamay niya sa pisngi ko. Pero yung akin, na-mighty bond na ata.

Hindi ako sumagot.

Pinunas niya yung luha sa kanang pisngi ko. Aba, umiyak pala ako? O yung tulo lang to mula sa basa kong buhok? O.o

"Alam mo, sabi daw nila pag sa kanan tumulo yung luha mo, luha daw yun ng kaligayahan. Pero kung sa kaliwa naman, malungkot ka."

Umiyak nga ako! Ganun pala yun? So ano? Maligaya ako kasi siya ang first serious kiss ko? Ganon ba? Hmm..

"Ang ganda-ganda mo Yana..."

Wala akong masabi. Feel na feel ko pa din yung pagdampi ng malambot niyang labi sa akin.

Tiningnan niya ulit ako mata sa mata. Wala na pala yung kamay ko sa pisngi niya. Di ko alam kung pano nangyari yun. Hahaha

Actually, hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat. Ang bilis lang eh. Parang *booooogsh!* (sound effect kunwari) naging masaya ako, nagdrama,nagpaka-saya ulit at ngayon naman, naghalikan. Lahat sa isang araw. Ano ba to? Bipolar mode: on ba ang drama ko? Nako naman!

"Halika na sa loob? Nilalamig ka na ata eh." Pa-ngiti niyang sabi.

Yun bang ngiting nakakapanloko? Ganun! O.0

Tinulungan niya akong tumayo sa may pool at hawak-hawak niya yung kamay ko at pumunta kami ng kwarto niya.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Ano kaya ang gagawin nila Yana at ni Marc? Abangan ang susunod na kabanata! ;)

Yours,  

~Author

1344 days with Him.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon