III

13 1 0
                                    

"Alam mo anak, matagal kana naming hinahanap. Umuwi kana!" Ang ina ni Witney ay nasa labas ng kanyang tinitirhang bahay. Siya naman ay nasa mesa habang sumusulat ng kanta.

Napagising bigla si Witney sa kanyang kama. "Hindi pa pwede. Dapat sa pagbalik ko may ipagmamalaki na ako sa kanila."

Bumaba si Witney ng kanyang kama at tumungo sa kusina upang uminom ng tubig. Ang kanyang pawis ay tila isang hamog sa kanilang harden na sumisibol tuwing umaga.

"Witney, ano ba ang nangyari sa iyo? Bakit ang pawis -pawis mo?" Tanong ng kumupkop sa kanya na si Aling Marta(Gloria Romero). Wala kasi itong anak at namatay na ang kanyang asawa labing siyam na taon na ang nakalipas. Tanging si Witney nalang ang kinakasama niya sa buhay. Sa kanya rin nagmula ang bagong apelyedo ni Rodolfo na Johnson.

"Eh. Galing po ako ng comfort room. Nagsashower ako," sagot ni Witney.

"Eh wala naman tayong shower ha."

"Ha? Ito po." Agad na binuksan ni Witney ang pinto at sa loob ay
makikita ang isang malaking plastic bag na puno ng tubig. Sunod naman niya itong tinutusok- tusok ng walis tingting na ginagamit mismo sa banyo bilang panglinis ng inudoro. "Woooooooooooowaaaaaaaaaaaaaawoooooowa."

"Ikaw talaga Witney, patawa ka palagi. Anong oras kana naman umuwi kagabi?" Wika ni Aling Marta.

"Mag- aalas dyes po."

"Mag- aalas dyes ka diyan."

"Oh sige nah. At siya nga pala, may pumunta kanina dito na lalaki. Huwag mong sabihin na dyuwa mo iyon."

"Lalaki? Ano ka ba naman mommy? Wala akong dyuwa noh? Baka ikaw."

"Aba- aba. Ibaling mo pa sa akin. Pero ang totoo, meron ba?"

"Sige na nga. Basta ipangako mo na sekreto lang natin ito mommy ha?"

"Oo naman."

Inilapit ni Witney ang kanyang nguso sa tainga ng kanyang mommy Marta."Ang totoo po niyan mommy... wala. Kasi tigilan mo na ang pagtatanong sa akin tungkol diyan mommy. Mag- almusal na nga lang tayo baka gutom lang iyan."

"Bakit nakapagluto kana ba?" Tanong ni Aling Marta.

"Ay hindi pa pala."

Dali- dali na nagluto si Witney dahil alas syete imidya na ng umaga. Pagkatapos nilang mag- almusal ay nagpasya si Witney na umalis papunta sa kanyang eskwelahan. Nag- aaral kasi siya sa isang singing university na isang kilometro lamang ang layo mula sa kanilang bahay.

Sa labas ng bahay ay nakatayo ang isang lalaki.

"Parang siya ito kagabi ah." Walang ingay na kausap ni Witney sa kanyang sarili habang sinubukang sarhan ang gate. "Ano ang kailangan mo? Wala ako ditong pera ha. Kung gusto mo sandwich nalang hati tayo."

"Excuse me. Marami kami niyan sa bahay. Baka maiinggit kalang kung makita mo," sagot ng lalaki.

"Iyon naman pala. Eh ano pa ang ginagawa mo diyan? Huwag mong sabihing sinusundan mo ako."

"Ha? Feeler! Pumunta ako dito dahil parang kamukha mo iyong wanted na pinapahanap sa akin." Sagot ng lalaki.

"Wanted nga diba? Syempre hinahanap."

"Eh basta."

"At tsaka... ako wanted? Hahahah. Baka ikaw?"

"Eh basta. Malaki ang kutob kong ikaw ang wanted. Kaya sumama ka nalang."

"Ayoko. Ipakita mo muna sa akin ang larawan."

"Hala! Naiwan ko sa bar kagabi. Pwede po bang kunin ko muna doon?"

Witney the BoxerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon