Tanyag bilang "pamilya ng mga boksingero" sa bayan ng Salvadorio ang pamilya ni Rodolfo Almeron(Vice Ganda). Ang kanyang ama na si Ricky Almeron (Philip Salvador)ay ilang beses naring pinatumba ang ilan sa mga kinatatakutang boksingero sa buong lungsod katulad nina Nintendo(Joey Marquez) na siyang dahilan ng maagang pagkamatay ng isang binatang boksingero, hudyat ng pagkadugmok ng kanyang mga buto, at si Gobre(Jhon Arcilla) na hindi parin tanggap ang ilang pagkakataon niyang paggapang sa lupa. Ang nakatatandang kapatid naman ni Rodolfo na si Tonyo(Jhong Hilario) ay hindi rin mabilang ng kanyang mga daliri kung ilang laban na ang kanyang napasok. Siya kasi ang humalili sa kanyang ama kapag nakaramdam ito ng pananakit ng katawan matapos ang isang makapigil- hiningang bakbakan. Sa kabila ng kanyang mga laban, may pakakataon din naman na hindi siya namamayani ngunit karamihan ay bali ang leeg ng mga ito.
Mahirap lamang ang buhay ng pamilya Almeron. Wala kasing permanenteng trabaho ang ina ni Rodolfo na si Tina(Carla Estrada) sapagkat part-time performer lamang siya sa isang singing club sa isang baranggay malayo sa kanilang tahanan at ang kanyang ama naman ay pagboboksing lang ang inaasahan. Pareho kasi silang dalawalang walang natapos kahit elementarya man lang.Gusto rin sana ni Rodolfo na pumasok sa paaralan ngunit pinigilan siya ng kanyang ama sa kaisipang gastos lang daw ang dala ng Edukasyon. Ang kanyang ina naman ay walang magawa sa desisyon ng kanyang asawa sa takot na baka makatikim ito ng isang mainit na upper cut na hindi niya kailanman pinangarap sa buong buhay niya.
Isang umaga bago umalis ang kanyang nanay Tina ay nagpaturo si Rodolfo kung paano umawit nang mabuti. Narinig ulit kasi niya ang kanyang ina na umaawit sa loob ng banyo. At napatulala kasi siya sa ganda ng mga kulot nito. "Dapat i-feel mo iyon anak kung ano ang mensahe ng kanta. Kung hindi mo maabot ang tono, ipagpatuloy mo lang at makukuha mo rin iyon."
"Ah. Ganon ba 'nay?"
"Oo."
"Rodolfo hali ka rito." Ang tatay Ricky pala ay nasa pintuan at nakikinig sa kanila.
Agad na lumapit si Rodolfo sa kanyang tatay. "Bakit po itay?"
"Magboxer ka." Sagot ng tatay habang mainit na nakatutok ang mga mata kay Rodolfo.
"Ayaw ko pong magboxer itay!"
"Bakit ayaw mo? Magboxer ka sabi eh!"
"Ayoko po 'tay."
"Magboxer ka!"
"Ayoko!"
"Ano gusto mo? Panty?"
"Ha?" Tiningnan ni Rodolfo ang kanyang suot sa baba. "Sige po. Magbaboxer nalang po ako!" Agad na tumungo si Rodolfo sa kanyang kuwarto.
"Pagkatapos mong bumihis, bumalik ka rito!" Wika pa ng kanyang tayay sa isang malakas na boses.
"Opo!"
Nang makalabas ay agad din namang tumungo si Rodolfo sa naghihintay niyang ama. Mag- aalas otso na at umalis narin din papuntang trabaho si Nanay Tina.
"Ang totoo niyan anak, gusto ko na magboboksing ka katulad namin ng kuya mo. Ang pamilya kasi natin ay may dugong boksingero- ang mga lolo mo at pati nga ang lola mo eh. At sana, ikaw ay maging ganun din." Pahayag ng Tatay Ricky habang nakaupo sa isang bangko sa labas.
"Pero itay."
"Wala ng pero- pero. Basta magboboksing ka!"
Tuwing umaga, ang bunsong si Rodolfo ay ini-ensayo ng kanyang ama sa likod ng kanilang bakuran at sa hapon naman ay dinadala siya nito upang panoorin ang kanyang kuya na abalang- abala sa paghahanap ng butas upang mapataob niya ang kanyang kalaban.
Labag sa kalooban ng labing dalawang taong gulang na si Rodolfo ang pinagagawa sa kanya ng kanyang ama. Para sa kanya, kung hindi man siya nabigyan ng pagkakataon na makapag- aral, hindi gloves ang pinakanais niyang manahin mula sa kanyang mga magulang kundi ang mala- ibong boses ng kanyang ina lamang at pera na rin kung mayroon man. Dahil dito, nagpasya si Rodolfo na lumayo sa kanila dahil sa tuwing nakikita niya ang gloves ng kanyang ama, pakiramdam niya ay wala siyang kalayaan sa paggawa ng kanyang mga kagustuhan.

BINABASA MO ANG
Witney the Boxer
De TodoNakakatuwa talagang sumulat ng kwento tungkol sa mga extraordinary thing no?Katulad na lamang ng istoryang ito. Ang nobelang ito ay para talaga sa mga mahilig sa comedy. Sana ang hiling ko lang ay magkakaroon ako ng maraming like para inspired akon...