"Hello." Tinawagan ni Witney ang lalaking nagbigay sa kanya sa bar ng larawan ng kanyang kuya.
"Sorry. You don't have enough balance to meet this call. Magreload na para tuloy- tuloy ang panalong talk and text services." Sagot sa kanya ng isang babae sa kanyang cellphone.
"Sandali lang miss. Wala akong pangload." Pahabol na sagot ni Witney sa babae. "Bweset. Nakaka bad trip din ito ho."
"Yan ba ang plano mo?" Tanong ni Lucy kay Witney.
"Oo." Sagot ni Witney.
"Bakit ganyan?" Tanong ulit ni Lucy.
"Dahil gusto kong magtanong kung saan siya kumuha ng litrato ni kuya." Sagot ni Witney.
"Pero ang plano mo sa gastos?" Tanong muli ni Lucy.
"Bakit sinabi ko ba?" Sagot ni Witney.
"Naku ang mama paparating!" Sigaw ni Marites.
"Saan?" Tanong ni Witney habang sinubukang simulan ang unang takbo.
"Joke." Bigkas ni Marites.
"Nakakainis ka ha!" Mainit na wika ni Witney kay Marites habang papalapit ito sa kanya at pinusnit ang mga buhok ni Marites. "Oh. Kuto!"
"Kayong mga bakla kayo, wala kayong magawa sa buhay ninyo kundi pangbibiktima ng mga negosyante! Magtrabaho kayo!" Magalit na sigaw ng mamang magtitinda sa isang poste malapit sa kinaroroonan ng kanyang traysikad.
"Hala kayo ha!" Sisi nilang lima sa isa't - isa habang lumalakad palayo.
"Parang ang dati lang." Wika ni Marites.
"Wanted: Amateur Singer. Qualifications: 28 to 30 years old, any gender, any height." Isang poster ang nabasa ni Thor sa labas ng isang bar sa bayan din ng Salvadoria. "Friend... kung mag- aapply ka nalang kaya dito."
"Ang alin?" Tanong ni Witney kay Thor.
"Ito ho." Nilapitan ni Thor ang nasabing poster upang mabilis ito makita ni Witney.
Binasa rin ni Witney ang poster. "Oo nga no? Kaso trantay uno na ako kahapon."
"Walang problema, kami ang bahala." Sagot ng apat.
"Ang importante ay magkapera tayo ngayon para makapaggawa tayo ulit ng bagong flyers ng kuya mo." Sambit pa ulit ni Thor.
"Sandali lang." Agaw pansin ngayon si Jaguar. "Audition will start on April 8, 2016 and will end on April 9, 2016. So... ibig sabihin...tapos na! April 10 ngayon, Sunday. Mga gago."
"Ay letse! Akala ko ba naman ay ngayon na. Uwi na nga lang tayo." Wika ni Witney.
Paalis na sana silang lima nang may lumabas na lalaki mula sa nasabing bar at pinunit ang nakapaskil na poster. Saglit pa ay pinalitan niya ito ng bagong poster. Dahil dito, nang pumasok ang lalaki ay saka nang bumalik ang barkada.
"Our club did not find yet the most wanted singer. Our audition will be openned again to others who are willing to join. Audition will start tomorrow until the next day. For inquiries, please see the man with missing teeth inside."Sabay- sabay ang lima sa pagbasa.
"Oh my ghaaddddd!!! Missing teeth?" Tanong ni Witney. "Sige. Hali kayo't hanapin natin siya."
Alas onse na ng tanghali nang pumasok silang lima sa loob ng bar. Ang paghahanap nila sa kuya ni Witney ay biglang ibinaling sa lalaki.
Tila di-maliparang uwak ang gusali. Sa bawat sulok ay dinig na dinig ang pintig ng awitin.
"Kuya, may nakita ba kayong lalaki dito na may kulang ang ngipin?" Tanong ni Witney sa isang waiter.
"Pasensya na po sir. Wala po akong may nakitang lalaki na kulang ang ngipin. Sa iba nalang po kayong magtanong mga sir." Sagot ng waiter habang tumatawa. Nalaglag bigla ang mga pagkaing kanyang sinerve.
"Oh sige. Basta ayusin mo yang mga kalat mo. Hala ka" Bigkas ni Witney habang sinimulang lumakad palayo.
Nagtanong muli ang lima sa ibang tao sa loob. Dahil wala paring may nakaalam sa kinaroroonan ng lalaking may kulang ang ngipin, napagpasyahan nalang nila na pumunta sa intablado sa malayong banda upang i- announce ang kanilang hinahanap.
"Excuse me." Paumanhin ni Witney sa isang announcer sa ibabaw ng intablado habang winawagayway ang kamay nito. Ngunit hindi siya napansin ng announcer.
"Excuse me." Nanatili paring winawagayway ni Witney ang kanyang mga kamay. Hindi parin siya napansin.
"Excuse me!" Sumigaw si Witney nang malakas kasabay ng pagkawala ng musika.
Nagulat ang mga tao sa narinig nilang tila isang bakang kinulong nang isang mahabang panahon.
"Bakit? Ano ang kailangan mo? Mag- u- audition ka? Sorry, bukas pa ang simula." Pahayag ng announcer kay Witney.
"Sino'ng nagsabi sa iyo na mag- u- audition ako? Ang kailangan ko lang ay makita ang lalaking may kulang daw ang ngipin! " sagot naman ni Witney sa announcer.
"Pasensya na ha. Akala ko kasi magpeperform ka dahil sa suot mong yan. O sige. Pumunta kayo sa pintong iyan at kumatok kayo dahil nandiyan lang siya." Sabi ulit ng announcer.
Pagkatapos ng lahat ay tumungo ang lima sa pintong itinuro ng announcer. Kumatok sila nang malakas dahil napakaingay kasi ng tugtugin. Bigla namang nabuksan ang pinto.
"Magandang tanghali po. Nandito po ba ang si 'the man with missing teeth'?" Magkasabay ang lima sa pagtanong.
Ngumiti saglit ang lalaki. "Ako ba ang hinahanap ninyo?"
"Ikaw nga. Nandito ka lang pala." Pahayag ni Witney.
"Hali kayo sa loob." Anyaya sa kanila ng lalaki. Pumasok din naman sila. "Bakit pala kayo nandito?"
"Syempre, pinapasok niyo kami." Habang nagsasalita ay naghahanap si Witney ng mauupuan.
"Ang ibig kong sabihin ay kung ano ang pakay ninyo." Pinapaikot ng lalaki ang kanyang upuang gawa sa foam.
"Mga grupo po kami ng mga Abu Sayyaf. Huwag mong sabihin ito sa iba dahil ikaw lang ang nakakaalam nito. At pinagplanuhan talaga namin na kidnappin ka ngayon!" Paliwanag ni Witney. Seryoso naman ang apat sa kanyang mga sinabi.
"Tulong!" Sigaw ng lalaki habang lumakad ito patungo sa isang sulok papalayo sa kanila. Nagmukmok ito.
"At naniniwala ka naman?" Tumawa bigla silang lima samantala nagmumukmok parin sa sulok ang takot na lalaki.
"Ano'ng ibig niyong sabihin?" Ang dating nagmumukmok na lalaki ngayon ay nabawasan na ang kanyang takot.
"Nandito po kami ngayon dahil isa sa amin ay lulusob sa audition bukas. Eh kaso lang, lagpas na ang kanyang edad. Nagtatrantay uno na kasi siya kahapon. Pero hindi ko sasabihin kung sino. At maaari parin ba iyon?" Wika ni Witney.
"Ganun ba? Sige papalitan nalang namin mamaya ang poster." Dahan- dahang tumayo ang lalaki at lumakad pabalik sa kanyang upuan. "Good luck sa kanya bukas."
"Oh. Hayan na friend. Makapagpagawa na muli tayo ng bagong flyers." Ani ni Thor sa kanila habang papalabas na sila ng bar.
Kinabukasan ay natanggap si Witney sa bar. Sa dinamidami ng nag- audition, siya lamang ang mapalad na nakapasok. Ang kanyang kita ay ginamit niya sa pagpapagawa ng flyers para makita na niya ang kanyang kuya. Wala kasi siyang account sa facebook, instagram, at kung anu- ano pang sosyal medya. Ngunit sa mga araw na iyon, ay hindi parin nila nakita si Tonyo.

BINABASA MO ANG
Witney the Boxer
RandomNakakatuwa talagang sumulat ng kwento tungkol sa mga extraordinary thing no?Katulad na lamang ng istoryang ito. Ang nobelang ito ay para talaga sa mga mahilig sa comedy. Sana ang hiling ko lang ay magkakaroon ako ng maraming like para inspired akon...