II

15 0 0
                                    

"Hay naku! Nakakatawa talaga ang aking nakaraan." Nakangiting kausap ni Rodolfo sa kanyang sarili habang nakatingin sa salamin. "Kumusta na kaya ang pamilya ko ngayon?"

"Witney ikaw na ang susunod," wika ng kanyang kaibigang si Thor(Pooh). Matapos ang labing walong taon, binago niya ang kanyang pangalan. Hango kasi ito paborito rin niyang singer na si Witney Houston."Sige na, isuot mo na ang lucky charm mong bota."

"Sige. Susunod na ako. Ayusin ko lang munang itong peluka ko."

"Sige."

"Nasaan siya?" Tanong ng isa pa niyang kaibigang si Marites(Chocolate) kay Thor.

"Nasaloob."

Ang pag- uusap ng dalawa ay umabot sa tainga ni Witney. Dahan- dahang lumabas si Witney ng comfort room. "Heto na ako!"

"Omg! Darna ikaw ba 'yan?" Laking gulat ang naramdaman ni Marites sa kaibigang Witney.

Napahinto bigla si Witney. "Oh my gosh! Valentina, ikaw din ba 'yan?" Sagot din nito habang papalapit kay Marites at pinislit ang ilong ni Marites. May biglang lumabas na isang malaking bato. "Oh my gosh ulit! Kanina ko pang hinahanap ang bato ko, nandito lang pala sa ilong mo."

"Please welcome... our next performer is none other than.
.. Witney Johnson." Masiglang pag-aannounce ng emcee. "Let's go ready to rumble..." Sunod pa na ugong ng malaking sound system.

Ang kamay ni Witney ay nasa ilong parin ni Marites.

"Bitiwan mo nga ako!"

"Yuck! Panes!"

"Panesen mo iyong mukha mo!"

"Sige na Witney. Pumunta ka na doon." Wika ni Thor.

Palundag- lundag na pumasok si Rodolfo patungong intablado na para bang may sinusuntok sa hangin. Natulala ang mga tao sa kanya hindi lamang dahil sa suot niyang duster, wig at bota kundi pati narin sa kanyang ikinikilos na parang siyang sira ulo.

"Go bff! Mmmmmmwwwwaaaaaaa!," sigaw pa ng dalawa pa niyang kaibigan sa may pintuan ng bar.

Saglit pa ay lumingon si Witney at kumindat sa kanila. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa intablado.

"Magandang gabi po sa inyong lahat!," bati ni Witney sa madla.

"Magandang gabi rin sa iyo bestfriend!" Ang kanyang mga kaibigan lamang ang nagkusang sumagot sa kanyang pag- aba. Natulala parin ang mga tao sa kanya.

"Huy!!! Ang awitin po na aking aawitin ay isang awit na inawit ng paborito kong mang- aawot na si Witney Houston sa kanyang pag- awit sa isang concert ng mga mang-aawit. Ito po ay ang " I Will Always Love You." Maaari niyo po bang yakapin ang inyong mga mahal ngayon? Kung wala man, ang inyong sarili nalang."

"Ano ang akala mo sa amin, bobo?" Pahayag pa ng isang lalaki sa harap mismo ni Witney.

"Bakit? Sinabi ko ba?"

"Hindi."

"Eh. Hindi naman pala. Eh sino ang bobo?"

"Ikaw."

"Bweset ka ah. Hali ka rito!" Sigaw ni Witney sa sumuray- suray na tumakbong lalaki.

Lapit isang oras lamang ang nagdaan at inannounce na ng emcee ang resulta ng kompetisyon. Pangalawang nanalo lamang si Witney.

"Akala ko Witney ikaw ang mananalo. Hindi pala. Dinaya na naman nila tayo." Hindi tanggap ng kaibigang si Lucy(Nege) ang nalasap ni Witney.

"Ok lang. Ang importante na try ko yung best ko. Ano nga ang sabi ng nanay?"

"Try and try until you succeed," sagot ni Lucy.

"Eh ang sabi ng tatay?" Tanong ulit ni Witney.

"Try and try and you will die."

"Ang galing! May libre kang hamburger sa akin mamaya." Wika ni Witney.

Matapos ang lahat ay nagpaiwan muna ang barkada sa bar.

"Uy. Nakita niyo iyon oh. Ang gwapo!" Tanong ni Witney sa mga kasama.

"Saan?" Tanong ni Marites.

"Iyon ho ang lumalakad. Oh papalabas na siya. Huminto saglit siya. Lumakad ulit palabas. Ayon wala na! Ang hinhin niyo kasi."

"Huwag mo nga kaming dalhin sa mga kalokohan mong iyan Witney. Para mo kami kasing pinagmumukhang tanga eh." Pahayag pa ng isa pa niyang barkada na si Jaguar(Lassy).

"Ah. Hindi ka pala tanga noh?"

"Hindi."

"Eh ano ang tawag dun sa pagpasok mo kanina sa exit?"

"It's a trip."

"Eh de trip din nakin ito."

Alas nwebe na ng gabi. Uuwi na sana ang barkada nang may dumating na isang lalaking tila napakatangkad. Napatunganga si  Witney habang ang kanyang mga laway ay unti- unting tumutulo sa baso na kanilang tinatagayan."Diba siya ito kanina?," tanong ni Witney sa kanyang sarili. Umalis ang apat niyang kaibigan at iniwan na lamang siya kasama ang lalaki. Parang na love at first sight si Witney.

"Sino po ba ang hinahanap niyo?" Tanong ni Witney sa lalaki habang kumikislap ang mga mata.

"May nakita ka bang isang lalaki na pumasok dito?" Sagot nito na para bang napapapraning.

"Wala. Pero may lumabas meron."

"Binibiro mo ba ako?"

"Eh. Tinatanong mo ba ako?"

"Oo."

"Ede sinasagot kita. Suplado mo. Diyan ka na nga." Umalis  ng table si Witney papunta sa lugar na kung saan nakita niyang tumungo ang kanyang mga kaibigan." Sayang. Type pa naman din kita," paiwang salita pa nito sa lalaki.

Hindi alam ni Witney na tinitripan din siya ng kanyang mga kaibigan. Kung akala niya ay nasa labas na ng bar ang mga ito, ang totoo ay nasa likod pala sila ng set na kanilang inupuan.

"Mga peste nila! Pinagtitripan na naman nila ako. Bahala kayo sa buhay niyo basta aalis na ako."

Nagsimulang bumaba ng hagdanan na may dalawang layer si Witney. "Manong para! Sa Baranngay Maniktik lang po ako."

Nang makaalis ang sinakyang taxi ni Witney ay lumabas din sa kanilang mga lungga ang apat.

Witney the BoxerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon