Nang makarating si Witney sa kanilang bahay sa Salvadoria bandang alas kwatro ng hapon kasama ang apat na kaibigan ay nakita niya na naghihingalo na ang kanyang ina.
"Nay huwag mo akong iwan nay! Nandito na ako Nay!"
"Rodolfo?" Biglang sumagot ang kanyang ina sa isang mahinang boses.
"Sino si Rodolfo?" Tanong ni Thor.
"Witney po Nay!"
"Rodolfo?"
"Witney Nay!"
"Rodolfo?Anak?"
"Witney!"
"Ano ka ba Witney, ok lang iyon kung Rodolfo ang pangalan mo," wika ni Jaguar.
"Eh iyon naman pala. Bakit pa kayo tumatawa diyan? Mas mabuti pa ay dalhin na natin sa hospital ang ina. Nay!" Pahayag ni Witney.
"Oo nga." Sagot pa ni Lucy.
Dinala ng lima ang nanay ni Witney sa isang malapit na hospital.
"Dok, kumusta na po ang nanay ko?" Tanong ni Witney sa doktor(Ejay Falcon).
"Okay naman siya. Mabuti nalang din at naabutan ninyo siya. At kung hindi, hindi ko alam.Dala lang siguro iyon ng stress."
"Kailan ho ba siya pwedeng makalabas?"
"Siguro sa mga susunod na mga araw. Kailangan pa kasi niyang magpahinga nang matagal."
"Halika rito anak!" Isang mapagmahal na tinig ng kanyang Nanay Tina ang narinig sa loob ng room.
Unti- unting lumapit si Witney sa kanyang ina."Nay! Patawarin mo po ako sa kasalanan ko nay. Naging makasarili ako nay at iniwan lamang kita na hindi man lang nagpapaalam."Dahil dito, lumabas na lang din ang doktor at ang apat na kaibigan ni Witney.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo Rodolfo..."
"Witney po nay!"
"Ok. Witney, huwag mong sisihin ang sarili mo. Lumayas ka dahil gusto mong baguhin ang buhay natin. Dahil diyan, hindi kita kinasusuklaman! Ang kaso nga lang ginawa mo akong tanga sa kahahanap sa iyo.Huwag mo nang sisihin ang sarili mo ha? Ang importante ay nandito kana ulit. Kumusta na pala ngayon ang buhay mo?" Ang boses ng kanyang ina ay tila malatag parin.
"Si kuya ba Nay hindi siya umuuwi sa bahay?"
"Hindi na. Natakot na kasi siyang lumaban ulit. At kahit nga ako ayaw kong lumaban siya dahil sa pananaw ko ay hindi na niya kaya."
"Magkano ba ang hiram ni kuya kay Simon Nay?"
"Dalawang daang libong peso."
"Ha? Twenty Thousand pesos? Kung sa bagay, labing anim na taon din naman niyang ginastos iyon. Sige Nay, magpahinga ka na."
Nang makalabas na sila ng hospital ay laking tuwa ang naramdaman ni Witney dahil makakasama na niya ulit sa kanilang bahay ang kanyang ina.
Isang hapon habang nagluluto ng hapunan si Witney ay umugong ang kanyang cellphone.
"Hello. Ikaw na naman?"Wika ni Witney sa kanyang kinakausap sa cellphone.
"Ako ito, si Simon, ang taong pinagkautangan nang malaki ng iyong kuya. Kung saan man siya naroroon, sabihin mo sa kanya na binibigyan ko na lamang siya ng isang linggo para gawin niya ang pinagawawa ko bilang singil sa kanya. Kung hindi,mayroon din naman akong ipapalit diyan eh. Iyon ay ang bahay at lupa ninyo kung saan ito nakatunton na alam ko naman na sobrang napakahalaga iyon sa inyo. Kaya hanggang maaga pa, sabihin mo na sa kanya ang magiging kahinatnan ng kanyang walang tigil na pagtago. At unti- unti narin kasing umiinit ang ulo ko."
"Ano ka hello? No way!" Biglang pinatay ni Witney ang cellphone. "Ako, tatakutin niya?
"Bakit, ano'ng nangyari friend?" Tanong ni Lucy.
"Itong bweset na lalaking ito, kukunin pa niya sa amin itong lupa namin kung saan nakatunton ang bahay namin? Hindi kami hayop na basta basta niya lang paalisin. Hindi ako papayag. Lalaban ako kasama niyo. Para sa katarungan, ipaglaban!" Wika ni Witney habang itinaas ang isang piraso ng kahoy mula pa sa kanyang pinagsasaingan.
"Ipaglaban!" Sagot din ng apat.
"Ipaglaban ang karapatan!" Paulit- ulit parin si Witney habang papalakad palabas ng bahay kasunod ang apat. Paulit- ulit din silang sumasagot.
"Ang kabaklaan, ipaglaban!"
"Agree!"
Kinabukasan ay nagsimula naring naghanap si Witney sa nagtatago niyang kuya kasama parin ang apat. Nanatili lamang nasa bahay ang kanyang ina.
"Kuya... kuya... nakita niyo ba ang lalaking ito?" Tanong ni Witney sa isang lalaking nagtitinda ng kwek- kwek. Nagpadevelop nalang kasi sila ng picture para mas madali nilang matunton ang kuya niyang si Tonyo.
"Ah pasensya na po sir hindi ko po talaga nakita ang lalaking iyan." Sagot ng tindiro habang ibinigay ulit ang larawan kay Witney.
"Ang lakas mong mag sir ha. Ah ganon ba? Hindi mo ba talaga nakita?"
"Hindi po."
"Ok. Ah magkano nga pala ang kwek- kwek mo?" Tanong ulit ni Witney sa tindiro habang naghihintay sa kanya ang mga kaibigan.
"Peso po, dalawang piraso." Sagot ng tindiro.
"Bigyan mo nga kaming limang tiglilimang piso. At tsaka ikaw nalang din."
"Totoo ba sir?"
"Bakit? Ayaw mo? At saka huwag mo akong tatawaging sir ha. Honey nalang."
"Sus. Magkano po ang para sa akin?" Tanong ng tindiro.
"Bente. Nakakahiya naman sa iyo." Sagot ni Witney.
Nang ibinigay na ng tindiro sa kanila ang kani- kanilang kwek- kwek ay saka na nila itong kinain kasama ang tindiro.
"Appear!" Anyaya ni Witney sa apat. "Mag- appear din kayo kay manong ho." Umappear din naman sila sa tindiro.
Nang matapos ay umalis silang lima sa lugar na tinitindahan ng mama ng kwek- kwek.
"Hoy! Ang bayad niyo!"
"Bukas nalang kuya! Nilibre ka pa nga namin he!" Sagot ni Witney sa malayo habang paawit- awit na lumalakad kasama ang apat.
"Nilibre. Hindi nga. Bweset!"
Habang naglalakad, ay paulit- ulit paring nagtatanong ang apat sa maraming tao tungkol sa tinataguan ng kanyang kuya. Ngunit sa kabila nito, wala parin ang may nakakaalam at nakakakita sa kanya.
"Friend... paano natin siya mahahanap eh luma naman niyang litratong iyan eh."
"Oo nga noh? Nine years old." Sagot naman ni Witney. "Sige papalitan nalang natin ng bago."
"Eh paano? Wala na tayong pera diba?" Tanong ng apat.
"Wala nga tayong pera pero hindi iyan maging hadlang dahil may plano ako!"
BINABASA MO ANG
Witney the Boxer
РазноеNakakatuwa talagang sumulat ng kwento tungkol sa mga extraordinary thing no?Katulad na lamang ng istoryang ito. Ang nobelang ito ay para talaga sa mga mahilig sa comedy. Sana ang hiling ko lang ay magkakaroon ako ng maraming like para inspired akon...