Patawad

73 1 0
                                        

Patawad

Nagdesisyon akong ika'y layuan
Sapagkat ayaw kitang saktan
Ayaw kitang paasahin
Dahil ika'y mahalaga sa akin

Isa kang mabuting kaibigan
Mabait at maaasahan
Hindi sumusuko sa mga problema
Laging nagpapayo sa iba

Alam kong ikay may pagtingin sa akin
Pero hanggang kaibigan lng ang tingin ko sayo
Patawad kong ikay aking iniiwasan
Sapagkat ito lng ang paraan na kailangan ko

Ayaw kong magbigay motibo
Mahihirapan ka lalo
Maguguluhan sa nangyayari
Sisisihin ang sarili

Ayaw kong mangyari iyon
Ayaw kong maging malungkot ka
Gusto ko lgi kang masaya
Bumalik ang dti mong sigla

Sinasabi ko ang lhat ng ito
Hindi pra saktan ka
Kundi pra gisingin ka
Sa katotohanang hindi pwede talaga

Patawad sa iyo
Kung nasaktan ko ang damdamin mo
Sana'y iyong maunawaan
Ang lhat ng ito'y pra saung kabutihan

Nandito pa rin ako sa tabi mo
Hindi ka iiwan
Sapagkat ako'y iyong Kaibigan
Handang gawin ang lhat pra saung kapakanan...



Drop Of ThoughtsStories to obsess over. Discover now